Chapter 39

233 7 0
                                    

Chapter 39

Hindi ko na namalayan ang panahon. Magtatlong-buwan na pala ako dito. At base sa oras, sa mundo naming mga tao ay.. Ngayon ang kaarawan ko.

Pareho lang kaya ng oras doon at dito?
Kaya kina-usap ko ang mga munti kong kaibigan na ngayon ay palagi na akong binibisita.
Gumagaan ang pakiramdam ko kapag nandiyan sila, dahil kapag may isang bagay akong hindi masabi kay Denver ay sakanila ko na muna pinapadaan.

Naging mas masaya ang relasyon namin ni Denver, Oo, relasyon naming dalawa. Alam nilang lahat. Hinayaan na lang kami ni Zion at hindi na nangingi-alam pa.
Mas madalas narin niya akong nginingitian kaysa tinitignan ng masama. Walang problema.. Walang kung ano pa man.

Nasa labas ako at nakatingin sa dagat habang kausap ngayon si Eleazar..

"May itatanong lang sana ako.."
"Ano yun Macy? itanong mo lang kahit na ano"

Ngumiti ako.

"Salamat sa pagsama sakin dito ah, ang tanong ko lang naman ay kung pareho ba ng araw at oras dito sa mundong ito at sa amin? alam mo ba?"

Tumango siya.

"Oo pareho lang.. bakit mo naitanong?"

"T-talaga?"
"Hmm.. Bakit?"
Ngumiti ako at huminga ng malalim sabay tingin sa langit.

"Ngayon kasi ang kaarawan ko"

****

Naghanda na ako noon ng tanghalian dahil kakarating lang ni Denver. Galing siya kina Zion. Inasikaso lang nila ang mga hayop na nandoon. Hindi na sila kumakain ng hayop. Naging vegetarian na silang tatlo.
Nakakatuwa nga kung ganun, mga anghel na vegetarian. Natawa ako sa iniisip ko. Ito namang si Denver kadalasan mahika ang gamit para magkaroon agad ng pagkain lalo na kapag wala akong ganang magluto minsan, tinatamad din naman ako.

Kaya pinagtityagaan ko na lang ang lasa ng gawa niya kahit napaka-sama.
Gawa niya yun kaya 'di ko sasayangin.

"Ngiting-ngiti ka ata ngayon Macy?"
Aniya na nakangiti rin habang kumakain.

"Oo, kasi-
Naputol ang pagsasalita ko nang bahagyang tumapon ang ilang sabaw sa damit ni Denver. Nasagi niya.

"Oh! natapon! ako na!"
Kumuha agad ako ng panyo at pinunasan siya.

"Mukhang hindi kaya ng punas 'to. Siguro magpalit kana lang muna"
Sabi ko

"Oh sige, antayin mo ako ah. Sabay tayong kumain, dapat sabay tayong matatapos"
Natawa ako sa sinabi niya tsaka ako tumango.

Hindi ko muna ginalaw ang pagkain ko hanggang dumating siya.
Napatakip ako ng mata nang makita siya. Nakatali ang mahaba niyang buhok in a manly way at nakasando na damit.

Naka-sando s-siya??
Hindi! Macy wag kang titingin! magkakasala ka!

"Ano bang iniisip mo diyan? Magkakasala ka kapag tinignan ako? bakit huh? na-aakit kana ba sakin?"
Taas ang kilay niya habang nakangisi.

"Tama na yan pagpapantasya mo sakin, ubusin mo na yang pagkain, tapos.."
Aniya sabay tawa.

Matalim siyang tumitig sakin na ngayon ay hindi na ako nagtatakip ng mukha.

"Ikaw naman ang pagpapantasyahan ko.."
Sabay ngisi.

Para bang umusok ang tenga ko dahil sa sobrang pula ng mukha ko, at para akong sasabog anumang-oras.

Hindi. Hindi. Hindi. Hindi. Hindi

Fallen Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon