Chapter 60
Hinila kami ni Darlene papasok sa venue. Malaki ang double door entrance nun. Pagpasok ay dilaw na ilaw ang makikita mo sa buong paligid dahil sa isang malaking chandelier.
At sa bungad ang isang Cattering.
May mga waiters na nakatayo doon at nakatingin sa stage.Malakas ang tugtog. Marami nang mga estudyante ng nasa loob. May nakatayo, may naka-upo. May sumasayaw.
May malaking wall-clock doon.
"5:50 PM Malapit na mag-umpisa"
1 year ko din siyang hindi nakita. 1 year siyang hindi nag paramdam. At kailangan pagkatapos nito.. Magpaliwanag siya sakin. Lahat-lahat ng mga hindi ko alam, dapat sabihin niya sakin. Para mapanatag na ako.
Naghanap na kami ng mauupuan.
Maganda ang pagka-organize. Yung stage, malinis. Walang kung ano mang nakasabit sa pader nito. Maliban sa mga music instruments na naka-ready doon. May part sakin na na-eexcite, makikita ko na yung tatlo. Isa rin yun sa gusto kong malaman. Ano ang nangyari sakanila?Sakto para saming anim ang isang mesa, dahil sa laki nito. Tag-aanim bawat mesa. Kaya napaka-dami namin.
Maingay na sa loob at mukhang lahat ng estudyante ay nandito na.
May nakita akong lalaki na umakyat sa stage, at nag-announce.
"Good Evening students! or should i say Good Evening Angels!"
Nagtawanan lahat.
Ito yung head teacher namin."We were now celebrating our Anniversary here in Paradise Hotel, maliban diyan. We're here to welcome our new Owner of the school. Our Very Very handsome Owner. Oo, mas gwapo pa sakin"
Aniya sabay tawanan ulit."Pero! wag kayong ma-eexcite! hold your breath for the Fallen Angels!!"
Doon na nagsihiyawan halos lahat. Maging si Darlene. Ang sakit sa tenga ng boses niya.
"Mamaya pa sila lalabas. Relax lang kayo"
"Aww..."
Halos sabay-sabay nilang reklamo.
Nawala ang hiyawan.."New boy band sila. Pero kahit bago pa lang sila, marami na ang nakapansin sakanila dahil sa angkin nilang kagwapuhan! tama! mas gwapo pa sakin! masakit pero dapat tanggapin!"
Halos 'di na ako nakikinig, tumunog na tiyan ko. Naalala kong 'di pa pala ako naka-kain sa bahay bago umalis.
Sana kainan muna pagkatapos niya mag-announce."At lahat ng yan ay maya-maya lang! sa ngayon let's enjoy the night muna. Let's eat and Let's Party! Angels!"
May narinig akong "eat" so mukhang pwede nga. Doon lang talaga ako nagfocus.
"Grabe! hindi ko maiwasang 'di kiligin! makikita na natin sila mamaya!"
Kasama ko si Darlene na kumuha ng pagkain.Ang lakas parin ng tugtog. Yung iba nagkakasiyahan na, sobrang ingay pero ako.. Kakain na muna ako bago mag-enjoy mamaya.
Oo, mag-eenjoy ako mamaya sa kung anuman ang itutugtog ng tatlong yun. Pakiramdam ko magiging masaya ang gabing 'to.
BINABASA MO ANG
Fallen Angel [Completed]
Fantasy[FIL/ENG] The Devil is Real. And he's not a little red man with Horns and Tail. He can be Beautiful. Because he's a Fallen Angel. And he used to be God's Favorite. **** A Fantasy Horror Story Wrote by The Common Writers. Some of the places are real...