Chapter 18

235 8 0
                                    

Chapter 18

Nangatog ang buong katawan ko. Kakasabi ko lang na handa ako sa kahit anong pananakit na pwede niyang gawin sakin. Pero bakit bigla akong natatakot ngayon? Na parang hindi pa ako nasanay at hindi ako handa?

Iba talaga ang dating niya.

Nakatingin ako sa pula niyang mga mata na matalim na nakatitig sakin.

"Gaano kana katagal nakikipag-usap sakanila? Pano mo napasok ang kwarto na 'to? Paano!"

Nabigla ako sa pagsigaw niya. Na nagpa-istatwa sa katawan ko. Walang araw na hindi niya ako sinisigawan.

"H-hinatiran ko lang sila ng pagkain. K-kasi nagugutom sila"

"Wala akong paki-alam kung magutom sila! Hindi sila mamamatay! Wala kang karapatang galawin oh paki-alaman ang mga bagay na akin! Kailan ka pa natutong mag-desisyon na walang pahintulot galing sakin ha?!"

Lumapit siya sakin at hinawakan ako ng mahigpit sa braso ko. Sa sobrang higpit ay parang bumabaon na ang mga kuko niya.

"Ah! Ugh! A-aray! Masakit! tama na!"

"Hindi ba't sinabi mong handa ka sa kahit anong klaseng pananakit na ibigay ko sayo? Kaya ito.. Tiisin mo!"

Binaon niya ng malalim ang mga kuko niya, dahilan para mapaluhod ako..

"Ah.. Uh..nghh!"

Hawak-hawak ko ang kaliwang braso ko na may dugo na. Naiiyak nanaman ako. Ayoko na talaga dito, gusto ko nang bumalik samin! Hindi ko na kaya..

"Tama na yan! Wag mong sasaktan si Macy!"

Bigla namang pagsulpot ng matandang Yosei sa harap namin at balak pigilan ang demonyong yun.

Pero pinalo niya ito na parang lamok lang at tumilapon sa pader. Nakita ko ang pagkabali ng isa nitong pak-pak.

Natulala ako.

"H-hindi.."

Namumuo ang mga luha sa mata ko.
Hanggang sa lumabo ang paningin ko.

Sinubukan kong tumayo para puntahan at tulungan siya.
Pero hinablot agad ako ng demonyong yun sa braso na may sugat. Napasigaw ako sa sobrang sakit.

"Yan! Ganyan! Sumigaw ka! Napaka-sarap pakinggan! Ganyan talaga kayong mga tao ano? Kahit anong ulit na sabi sa inyo, na wag gumawa ng mga bagay na hindi dapat.. pero ginagawa niyo parin. Napakahilig niyong sumuway! Hindi ko alam kung bakit sa lahat ng nilalang eh kayo ang pinaka-paborito niya!"

Ano bang sinasabi niya? At sino tinutukoy niya?

Mas naging nakakatakot pa siya ngayon. Nanlilisik ang mga mata niya.

Pinitik niya ang daliri niya, hanggang di ko na namalayang nasa kwarto na kami.

Nanghihina ako dahil sa dugo. Bakit ganito? alam kong patay na ako.. Pero parang mamamatay pa ako ulit.

Inihagis niya ako sa kama ko kaya napadapa ako.
Hawak-hawak ko lang ang braso kong may sugat.

Naramdaman kong tumungtong din siya sa kama at hinila ako sa buhok patihaya, paharap sakanya.
Idiniin niya ako sa kama ko tsaka ako dinaganan.

Wala akong tigil sa pagluha.

"Bakit mo ba ginagawa 'to? Kasalanan na ba ang ginawa ko?! tinutulungan ko lang sila!"

"Manahimik ka!"

"Bakit ka ba ganyan! Hindi ba't dati kang Anghel?! Anong nangyari sayo?! Bakit.. bakit.. Naging demonyo kana? Bakit napakasama mo?"

Napa-awang ang bibig niya sa sinabi ko. Natigilan siya at bahagyang lumayo sakin.

"Marami ba silang kinuwento sayo? Gaano karami? Matagal mo na ba silang kinakausap? Magsalita ka! Ano pa ang mga nalalaman mo?"

Hindi ako sumagot. Pilit akong nagpupumiglas sakanya kahit na napakasakit ng braso ko.

"Bitawan mo ako! Umalis ka sa harap ko! Bakit ba ako nandito? Kung gusto mo akong patayin, gawin mo na. Ayoko nang maghirap. Nahihirapan na ako!"

"Sagutin mo ang tanong ko!"

"Wala akong sasagutin! Aghh!"

Diniinan niya ang sugat ko. Naghahabol ako ng hininga sa pag-iyak ko.

"Patayin mo na lang ako"

"Hindi ka mamamatay. Pero mahihirapan ka. Mahihirapan ng sobra"

Hinawakan niya ang dalawa kong kamay na hindi narin kayang kumilos.
Yung sugat ko. Kumikirot. Sobrang sakit.

Kumumpas siya at tila may bakal na malaki ang pumulupot sa dalawa kong kamay nang sa gayon ay hindi ako makapumiglas oh makatakas.

Ma, pa.. Tulungan niyo ako. Ayoko na dito. Gusto ko nang umuwi.

"Ngayon nagsisisi ka na sumama ka sakin? Gusto mo nang umuwi? Ganyan ba talaga kayong mga tao? Mangangako.. Pagkatapos.. Sisirain na lang? Sana pala pinatay ko na lang pati ang mga kaibigan mo sa eskwelahan na 'yon"

Halos hindi ko na iniintindi masyado ang sinasabi niya. Nabablanko na ang utak ko sa takot, hirap at kalungkutan.

Gagawin niya din ba sakin ang tulad sa ginawa niya sa mga Yosei? Na ikukulong ako dito? Hindi pakakainin? Mas pahihirapan?

Fallen Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon