Chapter 11
"S-si Liza?..."
Para bang nabingi ako ng mga sandaling yun. Unti-unting tumulo ang mga luha ko.
Si Liza. Bakit si Liza. Bakit.. hindi na lang ako.
Kung.. Sana hindi ako pumayag na humiwalay kami.
"Handa ka na ba?"
AniyaNakatalikod ako sakanya. Hindi ko alam kung anong gagawin niya sakin.
Dahan-dahan akong tumayo at humarap sakanya.
"B-bakit.."
Nakayuko ako, hanggang hilain ko ang damit niya, hindi ako makapaniwalang hinahawakan ko siya.
"Bakit si Liza?!! Bakit siya??!"
Inalis niya ang kamay ko sa damit niya at hinawakan ako ng mahigpit na parang babalian niya ako.
Pero wala na akong paki-alam. Nagpupumiglas ako."Bakit si Liza pa?!"
Nakaramdam ulit ako ng sampal sakanya kaya napaluhod ako.
Dumugo na ang labi ko. Wala na ako sa sarili. Naramdaman kong bigla niya akong ginapos at inihiga sa sahig tsaka ako dinaganan.
Hawak ng isang kamay niya ang dalawang kamay ko. Napakalakas niya.Itinaas niya ang kamay niya na may maiitim at matutulis na kuko. Mukhang papatayin niya ako gamit yun.
Patuloy lang ako sa pag-iyak.
Ang takot ko, napalitan na ng galit."Halimaw ka! Ang sama mo! Napakasama mo! Hindi ko alam kung anong klaseng nilalang ka! Mapunta ka sana sa impyerno!! Demonyo ka!!"
Kahit na wala na akong kalaban-laban ay pinilit kong sabihin lahat ng yun sakanya.
Nakita ko ang mas lalong pagpula ng mata niya. Ang pagtubo ng mga ugat sa mukha niya. Mas lalo siyang naging nakakatakot.
"Manahimik ka!!"
Aambahan niya na ako ng saksak pero bigla akong nagsalita.
Bigla na lang.."Sana ako na lang ang kinuha mo!"
Nagtigil siya noon. Halos nakadikit na sa leeg ko ang kuko niya. Pupwede niya na akong gilitan.
"S-sana ako na lang. Sana hindi na si Liza.."
Nabigla ako sa pagtawa niya ng malakas.
"Seryoso ka? Ikaw? Papayag ka na kunin kita? Hindi ako makapaniwalang ang isang taong tulad mo ay magsasakripisyo para lang sa isang walang kwentang kaibigan. Bakit ka ganyan? Eh tatraydurin ka din naman ng kaibigan mo. Hindi ba't ganyan kayong mga tao. Tinatraydor niyo ang isa't-isa. Maging ang sarili niyong kadugo. Kaya isa kang napakalaking hangal!"
"Nakiki-usap ako.. Ako na lang.. Kahit alipinin mo ako. Kahit patayin mo na lang ako. Isama mo ako kung saang impyerno ka nakatira.."
Sumeryoso ang mukha niya na noon ko lang nakita. Umalis siya sa pagkakadagan sakin tsaka ako marahan na umupo.
"Seryoso ka ba sa hinihiling mo? Alam mo ba kung ano ang gusto mong pasukin? "
Nakikita ko sa mukha niya na hindi siya makapaniwala na humihiling ako ng ganitong bagay."Hindi ko alam. Wala akong ideya. Ang gusto ko lang... Ibalik mo lang si Liza, palabasin mo ang mga kasamahan kong na-trap dito. Nakiki-usap ako"
Lumuhod na ako sa harap niya. Bilang isang napakahinang nilalang ay kailangan kong gawin ito.. para mabuhay ang mga kasama ko.
Patawarin sana ako ng mga magulang ko.Mariin akong pumikit at tahimik na umiyak.
"Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo? Dahil kapag binalik ko ang kaibigan mo at pinalabas ko ang iba mo pang kasamahan.. hindi kana babalik kahit kailan dito sa mundo niyo"
Dahan-dahan akong tumayo at tumingin sakanya.
"Basta ipangako mong ligtas silang makakalabas lahat.."
Natawa siya sa sinabi ko.
"Hindi ako mahilig mangako eh. Tao lang ng mahilig mangako. Pero tumutupad naman ako sa usapan"
Kumumpas siya bigla at nakita kong lumitaw si Liza sa harap ko at bumagsak sa sahig, wala itong malay.
"L-Liza!"
Pinigilan niya ako nang lalapitan ko sana ang kaibigan ko.
"Hindi kana pwedeng lumapit, sinabi mo pwede kitang gawing alipin, kung ganun.. ako ang magdidikta sa lahat ng gagawin mo. Lahat-lahat. Ang mga hahawakan mo. Ang mga pupuntahan mo. Ang mga iniisip mo. Malalaman ko lahat. Gusto kong i-alay mo sakin ang sarili mo. Ang kaluluwa at katawan mo. Ang buong pagkatao mo. Dahil nakikipagkasundo ka sa isang "Demonyo", "Halimaw" At "Napakasamang" gaya ko. Yan ang usapan"
Nang marinig ko lahat yun. Merong parte sakin na nagsisisi ako kung bakit pa ako nagsakripisyo. Pero nandito narin ako. At para sa mga kasama ko. Sana makalabas silang ligtas lahat.
Paalam sa inyo.
"M-may isa lang akong hiling.."
"Pasensiya na pero.. Ayoko sa mga kahilingan.."
"T-teka lang.. K-kaya mo bang buhayin ang mga namatay naming kasama?"
Noon ay humalakhak siya ng malakas, napaka-demonyong tawa.
"Siyempre hindi, hindi ko kayang bumuhay ng patay. Kaya kong pumatay. Kahit sino kaya, kahit ikaw. Pero ang magbalik ng buhay? hindi.. Diyos lang.. Ang makakagawa nun"
Huminga ako ng malalim.
Nakakapanlumong malaman na halos lahat samin ay wala na.
Maging ako ay mawawala narin."Ano pang hinihintay mo? Akala ko ba sasama ka sakin?"
Gusto kong umatras. Parang hindi ko kaya..
Pero bigla niya akong hinila. Tinabunan niya ako ng mahabang itim na damit na suot niya. Biglang naglaho lahat. Biglang nag-iba.
Simula dito.. Mag-iiba na.. Ang buhay ko.. Nakipag-kasundo ako.. Sa isang.. Demonyo.Kung ganon, mamamatay narin ako? Saan niya ako dadalhin? Sa impyerno ba talaga? Ano na lang ang magiging buhay ko doon?
Pinaparusahan ba ako ng Diyos?
BINABASA MO ANG
Fallen Angel [Completed]
Fantasy[FIL/ENG] The Devil is Real. And he's not a little red man with Horns and Tail. He can be Beautiful. Because he's a Fallen Angel. And he used to be God's Favorite. **** A Fantasy Horror Story Wrote by The Common Writers. Some of the places are real...