Chapter 50
Hindi naman nakatali ang mga kamay ko kaya, kaya kong lumaban. Pero para san pa't lalaban ako? Ito naman gusto ko.. Ang mamatay na. Siya pa mismo ang mag-aalay sakin sa demonyong 'yon. Ilalapit ko ng kusa ang sarili ko sakanya.
"Patayin mo na lang ako. Paki-usap"
"Darating din tayo diyan mamaya"
"Hindi! ngayon na! patayin mo na ako! gusto ko nang mamatay! Nakiki-usap ako!"
Hindi ako natatakot, pero bigla na lang akong naiyak.
"Para makasama ko na si Denver!"
"Manahimik ka! ako ang mag-dedecide kung kailan kita papatayin, pero sa ngayon.."
Bigla niyang hinila ang paa ko papunta sakanya. Sumadsad ang likod ko, sobrang sakit.
Nakita ko siya nasa ibabaw ko na. Ngiting-ngiti at nanlilisik ang mga mata. A-anong gagawin niya sakin?? H-hindi.Ayokong magalaw ako ng iba. Inaalay ko lang kay Denver ang lahat. Ang lahat-lahat sakin!
Ini-angat niya ang kamay niya na para bang sasampalin pa ako. Sige lang, dapat yung malakas para diretso patay ako agad.
Ngumiti ako sakanya. Pero kumunot ang noo niya.
"Bakit ka ngumingiti?"
"Patayin mo na ako.."
Mahinahon kong sabiKita ko sa mukha niya ang pagka-inis. Ibinaba niya na lang ang kamay niya, tsaka ako kinwelyuhan.
Halos masakal ako, pero mukhang hindi ang pagsakal sakin ang pakay niya. Hinihila niya ang kwelyo ko. Pupunitin niya ang damit ko!Hinawakan ko siya sa balikat niya at pilit na tinutulak. Ang hirap!
"Ako ang magdedesisyon kung kailan ka ma- Ughhk Ahkk!"
Halos mapasigaw ako sa nakita ko. Napatakip ako sa bibig. Ang daming dugo na tumalsik sakin. A-anong-May nakatarak na mahabang patalim sa katawan niya. Tagos sa tiyan niya mula sa likod. Dali-dali akong bumangon paatras. Sumuka na ng dugo ang si Mr. Gonzales habang nakatingin sakin. Nakahawak parin ako sa bibig ko.
Hanggang tuluyan itong bumagsak..At mula sa likod nun..
Nakita ko siyang muli..
Si Denver.."Sinabi ko nang walang ibang pwedeng umangkin sayo. Kundi ako lang. Akin ka lang"
Aniya habang nakatingin sakin na may mapupulang mata. Yung mga matang yun. Hinding-hindi ako magsasawang titigan yun.
At kahit ilang ulit mo pa akong angkinin, buong puso kong ibibigay lahat. Makasama lang kita ulit.
"Walang ibang pwedeng umangkin sa pag-aari ko"
Uminit ang mga mata ko at tuluyan nang napaiyak. Sobrang namiss ko siya. Hinintay ko ang pagkakataong ito.
Akala ko hindi ko na siya makikita pa.
Kakaibang saya ang nararamdaman ko, ibang-iba kaysa nung nalaman kong buhay nga talaga ako.
Sakanya lang ako sasaya.Hindi ko sasayangin ang pagkakataon. Sasama na ako sakanya. Patawarin sana ako nina mama at papa.
"Denver?.."
Sunud-sunod ang pag-agos ng luha sa mata ko."Totoo ba ito? akala ko h-hindi na kita makikita"
Noon ay ngumiti siya. Para bang napawi ang lahat ng sakit sa dib-dib ko.
"Hindi pa tayo tapos.. Macy"
Tumatagos lahat ng sinasabi niya sa puso ko.
Tumayo ako agad at lumapit ako kung nasaan siya. Gusto kong tumakbo papalapit sakanya.
"Tandaan mo.. Hindi pa tapos ang lahat satin. Macy, susundan kita kahit saan ka magpunta"
"Denver.."
Aakma ko na siyang yayakapin pero bigla akong nabangga. Nabangga?
Nasa harap ko lang siya.. Pero hindi ko siya mahawakan. Parang may malaking salamin na nakaharang sa pagitan naming dalawa. Nakikita ko siya mula sa kabila.. Nagsasalita siya pero hindi ko na naririnig.Kinabahan na ako.
"Denver! ano ito?! hindi kita marinig! Denver!!"
Bigla na lang nawala ang reaksyon sa mukha niya at para bang unti-unti siyang napupunit sa harap ko. Nagkakapira-piraso siya na parang papel at nililipad ng hangin. Hindi ko kinakaya ang nakikita ko.
"Anong nangyayari sayo?! Wag mo akong iiwan! Denver! wag!"
Napahagulgol na ako.Sinisiko ko ang salamin, gusto kong basagin.
Nawawalan ako ng lakas dahil sa pag-iyak.
"Denveeerr!!!!"
Unti-unting nawala siya, parang abo na nilipad ng hangin sa kung saan. Napa-upo na ako..
Napansin ko noon na wala na ang bangkay ni Mr. Gonzales.
Bakit ganito? nakaramdam ako ng takot.Napahawak ako sa dib-dib ko.
Hinahabol ko na ang hininga ko. Anong nangyayari?
Kasunod ng paglaho ni Denver sa harap ko at maging ni Mr. Gonzales. Ganun di ang nangyayari sa buong eskwelahan.. Parang papel na napupunit katulad ni Denver na nililipad ng hangin sa kawalan.
Walang tigil ang agos ng luha ko.
"Anong nangyayari?!"
Tumayo akong muli at sinubukan kong tumakbo. Maging ang kadena sa paa ko ay nawala narin. Nalilito na ako!Lumabas ako ng classroom at pinilit na tumakbo palabas. Sa kakapunas ko ng luha ko ay hindi ko namalayan ang malaking butas sa sahig. Napakalaki. Unti-unting kinakain maging ang daanan. Ang buong eskwelahan!
Maging ako. Nahulog ako mula sa malaking butas na yun, na naging bangin na. Sobrang dilim sa ilalim. Sino na ang magliligtas sakin mula dito? Nawala na si Denver. Ano pang dahilan at bakit nangyayari ang lahat ng ito?!!
.
.
.
."Dahan-dahan ang baba! Nasa Baguio na tayo! paki-check maayos ng mga gamit niyo kung walang nawala!"
"Ughh!"
Parang naalog ang ulo ko. Napahawak ako sa ulo ko at marahang dumilat.Nasa bus parin ako?
I-ibig-sabihin.. Panaginip?
Nagmadali akong tinignan ang upuan sa tabi ko. Walang naka-upo."Huh?!"
"Miss, bumaba na po kayo. Tsaka wag kayong umiyak dito sa bus, wag kayong masyadong manuod ng mga drama na yan. Mga kabataan ngayon, Oo!"
"Umiyak?"
Kinapa ko ang pisngi ko. Basa nga ng luha.
Ibig-sabihin..P-panaginip lang ang lahat?!!
BINABASA MO ANG
Fallen Angel [Completed]
Fantasy[FIL/ENG] The Devil is Real. And he's not a little red man with Horns and Tail. He can be Beautiful. Because he's a Fallen Angel. And he used to be God's Favorite. **** A Fantasy Horror Story Wrote by The Common Writers. Some of the places are real...