Chapter 32

240 10 0
                                    

Chapter 32

"Hindi mo mapapabago ang isang Demonyong 'Denver' hindi kahit kailan. Hindi ikaw!"

Hindi na ako nag-abalang magsalita oh sumigaw pa para humingi ng tulong, dahil wala namang makakarinig at tutulong sakin.

Unti-unti akong nahuhulog, maging ang luha ko.. Nilulunod ako.

Naramdaman ko na lang na humampas ang malakas na alon sa likod at ulo ko, palubog sa ilalim.

Nakataas ang mga kamay ko, at nakikita ko parin si Zion mula sa taas. Hanggang lamunin na ako ng tubig.

Hindi ako makagalaw. Unti-unting na-paparalisa ang katawan ko sa isang iglap. Napaka-bilis.

Ano bang nangyayari sakin? Napaka-bata ko pa para maranasan ang lahat ng kalupitan na kagaya nito.
Ayos lang sa sakit sa katawan, pero ang sakit sa puso.. Mahirap alisin. Mahirap kalimutan, mahirap takasan.

Hindi ko na kinakaya.. unti-unting nawawala ang liwanag. Nilalamon ako ng dilim.

Hindi ko na kaya.. yung hangin unti-unting nawawala.

Tama.. bagay lang 'to sakin.

Ngumiti ako ng wala sa sarili.
Naibubuka ko ang bibig ko.
Ang dami ko nang naiinom na tubig. Hindi na ako makahinga.
Para akong sinasakal.

Mas mainam na 'to. Mukhang maaga kong makikita ang diyos. Pupwede ko kaya siyang kausapin? Paki-usapan na patawarin niya na si Denver?
Pwede kayang mangyari yun?

Na ibalik na siya sa langit, ipaparating ko na naging mabuti siya sa isang taong katulad ko.

Nakadama ako ng panghihina. Bumibigat ang mga mata ko, hanggang paunti-unti itong nagsasara. Katulad ng liwanag na galing sa taas ay unti-unting nawawala..

Liwanag..?

Mas dumilim.. parang may pasalubong sakin. Ano ang bagay na 'yon? Parang panaginip lang ang lahat.

Wala na ako sa sarili. Ang bigat na ng mga mata ko.

Hindi ko na kinaya at tuluyan na akong nawalan ng malay.

...

May humila sa mga kamay ko, hindi ko makita dahil nakapikit parin ako.
Nararamdaman ko, naparalisa ako pero hindi pa namamanhid ng buo ang katawan ko.

Hinawakan niya ang bewang at ang likod ng ulo ko.. tsaka mariin akong hinalikan sa mga labi ko.

Hindi ako tulog. Wala ako sa sarili. Pero kahit ganun, nararamdaman ko parin siya. At ang hangin na ibinibigay niya sakin.

Hindi ko namalayang umaangat na kami. Pagkadating sa taas ng tubig ay tsaka siya lumipad.. Buhat-buhat ako.

Nanghihina ako. Nakita ko doon si Zion na tulalang nakatingin samin.

"H-hindi! Ano bang ginagawa mo?! Bakit mo nanaman sinagip ang babaeng yan?! Ganun ba siya ka-importante sayo?! Sinisira niya lang ang lahat! Hindi mo ba naiintindihan?! Denver!!"

"Wag mo akong tawagin sa pangalan ko.. Wala kang karapatan"

Kita ko ang mabilis na pagkilos niya, ikinumpas niya ang mga kamay niya, dahilan para magkaroon ng bakal na posas si Zion sa kamay at paa. Hindi ito nakagalaw at nakapag-salita dahil kinokontrol na siya ni Denver. Pero nagpupumiglas ito.

Pagkatapos ay pumitik siya, tsaka tuluyang nahulog pababa sa dagat si Zion. Hindi makagalaw. Hindi makapag-salita, at nakagapos pa.

"Walang sinoman ang pwedeng manakit sa nilalang na dahilan kung bakit ako masaya"

Nanghihina akong tumitig sakanya.

Nilalang na dahilan kung bakit siya masaya? Ako ba yun?

Binuhat niya ako ng maigi tsaka madaling umalis sa lugar na 'yun.

Bakit niya pa ako sinagip? Dapat pinabayaan niya na lang ako..

-----

Hindi ko namalayang nakatulog na ako.

Nagising ako sa kwarto ko.
Yung napaka-ganda kong kwarto.

Marahan akong bumangon. Wala nang masakit sakin. Iba narin ang damit ko. Hindi na ako basa.
Parang walang nangyari. Parang ang ayos ko lang, wala akong sakit na nararamdaman.

Wala nga ba?
Eh siya kaya? Mukhang nasaktan ko siya. Anong nararamdaman niya ngayon? Nasaan na siya? Gusto ko siyang makita. Gusto kong humingi ng tawad.

Naluluha nanaman ako. Nakokonsensiya ba ako? Bakit paulit-ulit niya akong nililigtas? Importante ba ang isang alipin na mortal para sakanya?

Hindi niya inaamin kung may gusto ba siya sakin, pero bakit niya ginagawa ang mga bagay na 'to?

Maya-maya ay nakarinig ako ng pag-pagaspas ng pak-pak. Kasabay nun ang pagpasok niya sa loob ng bintana ko na nakabukas pala..

Nagkatitigan kaming dalawa. Saktong nagpupunas pa ako ng luha noon.

Pumasok siya sa kwarto na basang-basa, bumabakat ang katawan niya sa itim na long sleeve na suot niya . Anong ginawa niya?
Naka-awang ang bibig niyang lumapit sakin.

"Bakit ka umiiyak?"
Hindi agad ako nakapag-salita. Natulala ako.

"B-bakit basa ka-

"Sagutin mo ang tanong ko.. Bakit ka umiiyak?"

Bumuhos na lang bigla ang luha ko. Sa harap niya.

Mariin akong napapikit. Hindi ko kayang tumingin sa mga mata niya.
Napakasama kong babae.

Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang mga palad ko.

Naramdaman ko ang pag-upo niya sa kama.

"Umalis ka ng di ko alam, sumama ka sakanya ng di ko alam. Naniwala ka sakanya.. Macy-

"Sana pinabayaan mo na lang akong mamatay.. Sana hindi mo na ako nililigtas ng paulit-ulit. Sana hindi na lang. Hindi ako nararapat para iligtas dahil paulit-ulit lang ako sumusuway. Patawad kasi tao lang ako at nagkakamali. Pero, yung pagkakamali ko paulit-ulit na."

"Macy.."

"Hindi ako nababagay sa mundong ito. Wala akong silbi para sayo. Wala akong pakinabang, isa lang akong hamak na tao-"

Inalis niya ang mga palad na nakatakip sa mukha ko at pinaharap ako sakanya.

Nag-iwas ako ng tingin. Ayoko. Hindi ko kaya.

"Ano bang nangyayari sayo Macy? Bakit ka ba nagkakaganyan? May sinabi ba si Zion sayo para magka-ganyan ka? Sabihin mo!"

Hinawakan niya ang baba ko at pilit akong pinapatingin sa mga mata niya.

"Gusto ko nang umuwi sa amin"
Wala sa sariling sambit ko.

Fallen Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon