Chapter 52
Nagpasalamat ako kay Manong ng nagpahatid ako sa malapit na hotel. Binayaran ko siya ng nararapat na halaga para sakanya, kahit na maliit lang ang hinihingi niyang bayad. Nakakatuwa kasi.. Nakinig siya sa problema ko.
Ibinigay niya na sakin ang bimpo at pumasok na sa loob ng hotel. Basang-basa parin ako. Nang magcheck-in ako, Madali kong hinanap ang kwarto ko at tsaka naligo agad. Pina Laundry ko ang damit ko. May damit naman doon sa hotel na pansamantala lang. Maging yung mga damit ko sa bag, pinatuyo ko lang para may magamit ako.
Yung cellphone na bagong bili ni mama para sakin nang makalabas ako, mabuti at hindi nabasa. Naka-plastic kasi.Kinontak ko si Liza.
"The number you have dialed is either busy or out of coverage area please-
"Ugh! bakit di kita makontak Liza? nakapatay ba cellphone mo?"
Si Darlene na lang ang tinawagan ko. Nag-ring naman kaagad.
Di 'pa naka-register number ko sakanya kaya siguradong magtataka yun."Hello? sino 'to?"
Sungit niya sumagot."Darlene.. Si Macy 'to"
"Woaah! Macy! ikaw pala. Bago mong number? i-save ko ito mamaya. Oh kumusta? pasensiya na hindi pa kami nakakadalaw sa Ospital. Medyo busy pa kasi"
Hindi ko napigilan ang paghikbi ko.
"Macy? ayos ka lang? umiiyak ba?"
"Darleeene.. Kailangan ko kayooo"
Para akong batang nagsusumamo."Huh? bakit anong nangyari? pupunta ako agad diyan sa Ospital wait lang! wala ba diyan sila tita?"
"Wala na ako sa Ospital.."
"Huh? Nakalabas kana? sige puntahan kita sa bahay niyo ha"
"Wala rin ako sa bahay.."
"Ano? eh kakalabas mo lang? asan ka ba?"
"Sa Baguio"
"Baguio???!"Halos mabingi ako sa lakas ng sigaw niya. Umiiyak parin ako.
"A-anong gingawa mo diyan?! huh?"
"P-pumunta ako s-sa lumang eskwelahan""Bakit?? doon? Macy! delikado doon! Sasabihin ko ito kaila tita"
"Alam nila na nandito ako. Pero di nila alam na ako lang mag-isa. Ang sabi ko kasi isasama ko kayo. Para payagan ako"
"Ano ba naman yan Macy. Ako kinakabahan sayo. Kailan kapa nakalabas?"
"Kahapon"
"Kahapon lang?!""Hmm.. Darlene, please wag mong sasabihin kina mama na pumunta ako ng mag-isa dito. Please"
"O-Oo na sige na, ako natataranta sayo eh! pupuntahan kita diyan ngayon. At dapat mong sabihin ang dahilan kung bakit nandiyan ka. Okay?"
"Hmm.. Sige"
"Asan ka ngayon?"
Binigay ko ang address ng hotel at ang pangalan ng hotel para madali niyang makita."Isasama ko pa ba sila Liza? At yung tatlo?"
"Hindi na muna. Ikaw lang muna Darlene. Teka, kaya mo ba mag-isa?"
"Oo naman! ako pa ba? basta hintayin mo ako huh?"
"Oo, salamat"
Nakatulog na ako kakahintay kay Darlene. Ayoko pang umuwi samin kahit na sinabi kong isang-araw lang ako dito. Nagtext na lang ako kina mama na baka bukas pa ako makaka-uwi.
BINABASA MO ANG
Fallen Angel [Completed]
Fantasy[FIL/ENG] The Devil is Real. And he's not a little red man with Horns and Tail. He can be Beautiful. Because he's a Fallen Angel. And he used to be God's Favorite. **** A Fantasy Horror Story Wrote by The Common Writers. Some of the places are real...