Chapter 54

227 4 0
                                    

Chapter 54

At dahil transferee nga lang ako sa school na 'to eh hindi ko pa kilala ang iba kong ka-eskwela. May mga kolehiyo kaming kasama sa school. Sina Darlene pa lang ang medyo matagal na dito.
Sila narin ang uma-alalay sakin.

Nagpunta na ako doon sa Gym para tignan kung tapos na sila.

Sakto lang ang pagdating ko. Tapos na nga sila.
Medyo nangngatog pa ako doon sa nangyari kanina.. At yung lalaking nagligtas sakin, hindi ko na nakita. Biglang nawala eh. Natatakpan kasi siya ng mga tao kanina sa harap ko kaya 'di ko masyadong maaninag.

Bumuntong-hininga ako, palapit sila sakin.

"Macy, ba't ang putla mo? anong nangyari sayo?"
Tanong ni Zeik

"Oo nga Macy. Nakakita ka ba ng multo ulit? hah! oh baka nakita mo na si Denver?? Hindi! iiwan mo na ba kami??!"

Nakatanggap ng batok si Darren mula kay Darlene.

"Sira-ulo ka. Paano niya makikita si Denver dito eh nasa school tayo. Sa Maynila. Wala tayo sa Bagui-

"Shh"
Awat ni Liza kaya natigilan si Darlene.

"Uhmm.. Sorry Macy"
"Ano ka ba. Ayos lang, alam niyo kasi kaninang nasa rooftop ako.. May dalawang babaeng naghahabulan noon tapos nabangga ako at, muntik na akong mahulog sa rooftop"

"Ano?!"
Halos sabay-sabay nilang sabi, dinig sa buong Gym kaya nagtinginan ang mga teachers na nandoon.

"Shh! wag kayong ma-ingay diyan!"
Saway samin.

"Sorry po ma'am!"

"Sa ibang lugar tayo mag-usap"

Nagpunta na lang kami sa bakanteng class room.
"So, ayos ka lang? anong nangyari?"
Nag-aalalang tanong ni Liza.

"Hmm.. Ayos lang. May humila kasi sakin para 'di ako mahulog. Kaso..Hindi ko nakita yung mukha niya. Medyo naharang kasi siya ng mga tao sa harap ko kanina. Hindi man lang ako nakapag-pasalamat"

"Haaayy, hayaan mo hahanapin natin yung nagligtas sayo"

"Eh sino yung dalawang babaeng naghaharutan? nasa rooftop pa ba? halika puntahan natin"
Hinila ako ni Darlene pero tumanggi ako.
"Wag na, hayaan mo na. Nag-sorry narin naman"

"Nag-sorry? eh pano kung walang nagligtas sayo at nahulog ka? tingin mo sapat ang sorry? alam nilang hindi dapat sila naghaharutan sa rooftop. Mga mahaharot sila!"

"Huminahon ka lang Darlene" Awat ni John

"Ang importante. Ligtas si Macy. Hindi ba??"
Bumuntong-hininga na lang siya.

"Oh siya, kumain na lang tayo"
"Oo, dali. Gusto kong mapagsabihan yung dalawang mahaharot na yun!"

Pinakain na lang namin ng marami si Darlene para makalimutan niya yung inis niya. Ako nga hindi nainis eh, siya pa? Mas mahal pa nila ako kaysa mas mahal ko sarili ko.

Natatawa na lang ako pag naiisip kong ginusto ko nga talagang mamatay dati pa.

Nagkakatuwaan kami sa cafeteria sa rooftop, halos puno na bibig ni Darren at sinasabayan niya pa ng salita. Saktong kaharap niya si John kaya lahat ng nabubuga niya sumasabog sa mukha ni John.

Nagpipigil kaming lahat ng tawa. Napakaraming tao noon kaya ayos lang kung tatawa kami ng malakas pero baka mapikon si John.

Nakatingin na ito ng masama kay Darren pero.. Wala lang pake yung isa dahil sa kakadaldal nito samin.

Fallen Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon