Chapter 19

241 6 0
                                    

Chapter 19

"Sinabi mong inaalay mo sakin ang kaluluwa mo, ang buong ikaw. Pero.. sumisira kana sa usapan!"

Nabigla ako nang lumapit siya sa mukha ko. Nakakatakot ang mga mata niya.
Nakakapangilabot.
Katulad nung una ko siyang nakita.

Kinagat ko ang labi ko dahil sa nagbabadyang luha muli.

Saglit siyang tumahimik.. At napayuko.
Pero nabigla ako sa sumunod niyang ginawa.
Hinila niya ang damit ko.. At pinunit iyon.

"Ahhh! A-anong ginagawa mo?! Bitawan mo ako! Ayoko sayo! Ayoko na dito! Pakawalan mo na ako, nakiki-usap ako.."

Naglili-likot ako pero di siya natinag.
Kita na ang pang loob ko.

Sinubukan kong ibuhos ang pwersa sa mga paa ko at pinilit kong maka-alis sa pagkakadagan niya. Hanggang masipa ko din siya. Dali-dali akong umupo sa kama at nagtakip ng kumot.

Nakabagsak siya sa sahig. Hindi ko alam kung bakit.
Hindi siya gumagalaw. Nakayuko siya at natatakpan ng buhok niya ang mukha niya.

Bigla siyang tumayo kaya napa-atras ako.
Natatakot na talaga ako..

Muli siyang lumapit sakin, sabay hila sa paa ko para makahiga ako ulit.

"Ahh!!"

"Ayoko sa lahat yung sinusuway ako! Ayoko yung hinahadlangan ang gusto ko! Ayokong.. pinipigilan ako kung saan ako sasaya! Ayoko.. ayokong mas may hihigit pa kaysa sakin. Ayokong inaabandona ako!"

Natigilan ako sa mga narinig ko.
Alam kong may pinaghuhugutan siya sa lahat ng mga sinasabi niya. Alam kong ang nilalang na nasa harap ko ngayon ay may kahinaan din. Pero ayaw niyang ipakita dahil problema nga talaga ay ang sarili niya mismo.

Ang pride niya. Mataas ang tingin niya sa sarili niya. Parang.. gustong mamalimos ng pagmamahal sa isang nilalang, pero hindi niya makuha.

Yun siguro ang dahilan kung bakit galit siya sa mga tao.

Muli ay dinaganan niya ako. Mukhang desidido siya.
Hindi ko na alintana ang sugat at dugo na unti-unting nanunuyo at dumikit na sa higaan at kumot.

Huminga ako ng malalim.. Tsaka inalis ang kumot na nakatakip sakin.

Ano pa bang mawawala sakin? Patay narin ako. Hindi na ako makakabalik samin. Nangako ako sakanya na iaalay ang sarili ko.

Kung sa ganitong paraan niya gusto.. Para lang sa ikakasaya niya.. Siguro, kailangan kong gawin.

Nakatingin parin siya sa mga mata ko na may matatalim na titig.

"Gawin mo na ang gusto mong gawin.. Kung ano ang ikasisiya mo. May mga bagay ka na gustong makuha, pero hindi mo makuha diba? Dahil sa mga taong katulad ko. Kahit wala akong ideya kung anuman yun. Gawin mo kung ano sa tingin mo ang makakapag-pakontento sayo ngayon. Ang makakapag-patahimik sa kalooban mo"
Sabi ko nang seryoso.

Hindi na ako nagpumiglas. Natulala siya bahagya sa mukha ko at unti-unti siyang lumapit sakin.

Pero nagtigil siya tsaka nagsalita..

"Gusto kong malaman kung bakit sa araw-araw, iba ang pagkaing hinahain mo para sakin? Bakit.. mo ginagawa ang mga yun? Bakit mo ako sinusuway ng paulit-ulit? Bakit kayo naging sobrang importante sakanya gayong wala kayong ibang ginawa kundi ang sumuway?!"

Sinuntok niya ng malakas ang kama, pero diretso lang akong nakatingin sakanya.

"Ginagawa ko 'yon, kasi gusto kitang tulungan.. Paulit-ulit kong nililinis ang buong-mansion kahit na alam kong babalik lang din sa dati. Tinatanggap ko lahat ng pananakit mo. Wala kang paki-alam kung masasaktan mo ako sa mga sasabihin mo.. Ayos lang.. Kasi dun ka masaya hindi ba? Kaya ngayon, gawin mo kung ano ang magpapasaya sayo. Gusto kitang tulungan na mapaganda ang lugar na ito. Gusto kong makita kung magbabago ka ba pag nangyari yun. Gusto kong makita mismo ng mga mata ko."

Nakita ko ang gulat niyang reaksyon.
Napalunok ako. Kahit papano ay nakakadama ako ng kaba.

"Kung sing-dali lang ng paglilinis ng mansion ang ikasisiya mo.. Gagawin ko yun araw-araw ng walang reklamo"

"Bakit?"
Tanong niya.. Biglang nag-iba ang aura niya. Yung pula niyang mga mata.. Wala na.

Naging maganda siyang muli.

"B-bakit?"
Ulit ko

"Bakit mo ginagawa lahat ng 'to? Bakit basta-basta mo na lang ipapa-ubaya ang sarili mo? Bakit hindi ka lumalaban kapag sinasaktan kita. Kahit anong gawin mo sa lugar na 'to, wala nang magbabago dito. Kaya itigil mo na ang mga ilusyon mo. Sinama kita dito bilang kabayaran dahil sa pagpunta niyo sa teritoryo ko. Dahil ang pinaka-plano ko talaga ay patayin kayong lahat"

Nagtaka ako sa bigla niyang pagtawa.

Umalis siya sa akin at tsaka umupo sa kama.

Hawak niya ang mukha niya habang tumatawa.

"Pero heto ka, sobrang tapang mo. Nagawa mo akong harapin kahit na nangangatog ang mga tuhod mo. Damang-dama ko ang takot mo sakin pero para sa mga kaibigan mo. Di mo alintana yun. Nakakamangha ka, hindi ko lang maintindihan na kahit alam mo nang wala nang ibabago ang lugar na 'to, patuloy ka parin nagpapagod sa wala.."

Napalunok ako. Umupo ako ng maayos tsaka nagsalita.

"K-kasi gusto kong makitang ngumiti ka. Tulad ng sinabi ko kanina, gusto kong makita kung magbabago ka ba. Maliban sa utang na loob at pangako ko sayo. Gusto kong gawin yun. Dahil gusto ko! Gusto kitang tulungan"

Dahil gusto kong makita ang pagbabago sa lugar na 'to.

Hindi ko alam kung saan nagmula lahat ng sinabi ko sakanya. Dahil ba sa awa na nararamdaman ko?

Natahimik siya at nanlaki ang mga mata niya sa narinig.
Habang ako.. nagpupunas ng luha.

"Kaya kung sasaya ka dito. Ibibigay ko ang sarili ko sayo! Ng buo!"

Kinagat niya ang labi niya. Bigla niyang hinawakan ang sugat ko.

"Ah!"

Akala ko.. Sasaktan niya ako ulit.. pero biglang gumaling ang sugat ko. Tinanggal niya din ang bakal na natali sa kamay ko.

Nabigla ako sa ginawa niya. Paanong.. Nakakagamot siya ng sugat?

Gulat akong napatingin sakanya. Pero siya.. Naka-awang ang bibig at seryosong nakatingin sakin.
Bakit ganun?

Bakit parang..
May kakaiba? Ito yung unang beses na naging gentle siya sakin. Kakaiba sa pakiramdam. Nakakatuwa.

"Simula ngayon. Ituturing kitang pagmamay-ari ko"

Hindi ba't yun din naman talaga pinag-kasunduan namin? Sakanya na kaluluwa ko eh.

"Hindi ka aalis dito sa mundo ko. Habang-buhay tayong magsasama dito"

Habang-buhay? Dito? Anong ibig niyang sabihin?

Tila ba may kung ano akong nararamdaman sa tiyan ko, hindi ako alam kung ano.

Hindi ko alam ang sasabihin.

Napalunok ako.
Hinawi niya ang buhok ko sa gilid ng tenga ko at hinigit ako palapit sakanya.

Hawak ang likod ng ulo ko ay marahan niya akong hinalikan sa labi ko. Nanglambot ang tuhod ko. Ang buong kalamnan ko. Hindi ko alam bakit bigla siyang naging ganito. B-bakit niya ako hinalikan?!

Naguguluhan na ako. Mas naging blanko ang utak ko. Gusto ko ng mga kasagutan sa lahat ng tanong ko.

Fallen Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon