Chapter 24

226 8 1
                                    

Chapter 24

Dalawang-linggo narin akong nandito. Mag-tatatlo na nga ata.

At malamang dalawang-linggo narin akong patay. Iniisip ko kung kailan ako mapupunta sa langit. Sa langit nga ba?

May mapupuntahan ba ako sa dalawa?
Mukhang na-stuck na ako sa mundong ito kasama siya.

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit niya ako hinalikan noon. Yun pa naman ang una kong halik sa buong buhay ko. Gusto ko sanang ibigay yun sa taong mahal ko, pero patay na nga pala ako at kaluluwa na lang, wala nang taong nararapat para sakin.

Hinalikan niya ako bilang tanda na kanya na ako? Ano bang ibig-sabihin nun? Tsaka habang-buhay na kaming magsasama dito.

Habang-buhay kong titiisin ang ganoong ugali?

Bumuntong-hininga ako habang nakadungaw sa bintana. Mabuti hindi niya na ako pinagbabawalang buksan ito. Bawal lang lumabas. Tsaka di ko alam kung sang sulok siya ng bahay na 'to nagsusuot. Baka sa kwarto niya lang siya magdamag. Nakakabagot naman yun.

Pilitin ko kaya siyang lumabas? Tsaka tutal matagal ko naring di nakikita yung mga munti kong kaibigan.

Kumusta na kaya sila?

Sayang ang ganda ng araw ngayon. Gusto kong lumabas.

Eh kung lumabas ako? Pero di lang ako magpapa-alam, babalik din naman ako agad eh. Hm! tama.

Napagdesisyonan kong lumabas. Alam kong medyo delikado ang gagawin ko dahil pinagbawalan niya ako. Pero saglit lang naman ako eh.

Marahan kong binuksan ang pinto sa kwarto at sumilip sa magkabilaang direksyon. Maging sa baba ay sinilip ko.

"Mukhang wala siya sa sala. Ayos 'to"

Maingat akong bumaba na di gumagawa ng kahit konting ingay.

At dahan-dahang lumapit sa pinto palabas, tsaka ito binuksan.
Bumungad sakin ang isang malakas na hangin na halos nakapasok na sa buong bahay.
Dali-dali akong lumabas at isinara yun.

Tsaka marahang humakbang papunta sa dagat. Mabagal ang pagkilos ko dahil tulala ako. May nagawa rin siyang kahit isang magandang tanawin sa lugar na 'to. Yung dagat.
Nakakamiss ang amoy.
Yung hangin na dumadampi sa buhok at pisngi ko.

Lumapit pa ako ng konti doon hanggang maka-apak ako sa maitim na buhangin.
Nakakalungkot. Halata talaga ang lungkot sa lugar na 'to.

Inilapit ko ang mga paa ko sa dagat sa dalampasigan at dinama ang tubig.

"Hay, ang sarap sa pakiramdam"

Iginala ko ang mga mata ko sa paligid, puro puno ang nakikita ko at yung nasa likod ng bahay ay isang malaking bundok.
Bundok na kalbo. Mga punong walang dahon.

Naisip ko bigla kung paano nakaka-kain ang mga kaibigan ko? Yung mga Yosei? Pano sila Elsa?

Nagpalinga-linga ako, napakatahimik ng lugar.

Tumakbo ako papunta sa dulo ng dalampasigan. Hindi na ako pwedeng lumagpas pa dahil masyadong magubat na ang nandoon.
At baka hanapin din ako ng lalaking yun.

Hindi ko alam kung saan sila hahanapin.
Saglit akong sumilip sa mapunong parte ng lugar.

"H-hello? May tao ba- ibig kong sabihin.. May nakatira ba dito?"

Walang sumasagot.
Sabi niya dito niya dinala sina Elsa.

Pero asan na?

"Elsa?! Asan kayo?"

"Ang ingay naman!"

Halos mapatalon ako sa gulat doon sa nagsalita.

"S-sino nandiyan? M-magpakita ka!"

"Hay, wag ka ngang maingay. Natutulog ako eh!"

Tumingin ako sa taas ng isang puno, doon sa may malaking sanga. May nilalang na nandoon.

Nag-unat siya at tumayo. At hindi ko inaasahan ang mga sumunod na nangyari.

May malakas na hangin na humampas sa mukha ko at nakita ko ang isang napaka-laking itim na pak-pak mula sa likod ng lalaking yun.
Tsaka siya unti-unting umangat na mas nagpalakas ng hangin, tinakpan ko ang mukha ko.

Naririnig ko ang pagpagaspas niya. Pero ilang sandali lang yun at nawala din.
Kaya sumilip ako.

"Ikaw, Mukhang hindi ka anghel. Hindi ka kasi magandang nilalang"

Nakadama ako ng inis sa sinabi niya, tsaka ko siya tinignan ng diretso.. pero natigilan ako..

Itim at pulang damit ang suot niya at mahaba rin ito.
May maitim pero maigsing buhok. May hikaw sa magkabilaang tenga.
At may mala-anghel ding mukha. Pero hindi gaya ng lalaking yun, mas gwapo siya.

Iniling-iling ko ang ulo ko.
Ano bang sinasabi ko??

Itinupi niya ang mga pak-pak niya.

"Teka.. Wag mong sabihing ikaw yung taong dinala ng pinuno dito?"

"H-huh?"

"Tama, isa kang kaluluwa. Ibang klase. Totoo nga ang sinabi ng mga insektong yun"

"Insekto? Sina Elsa. Alam mo ba kung nasaan sila?"

"Oo, ibinigay sila samin ng pinuno para maging alipin"

"A-ano?!"

"Gusto mo silang makita?"
Nakangisi niyang inilahad ang kamay niya.

"Sumama ka sakin"

"Alipin?? Bakit ginawa niyo silang alipin??"
Itiniklop niya ang inilahad na palad.

"Lahat ng nilalang na nilikha namin ay purong mga alipin namin. Mapa-hayop, halimaw oh Yosei.. Oh.."
Sabay tingin sakin mula ulo hanggang paa.

"Maging ang isang tao"

"Hindi niyo ako nilikha. Kaya hindi niyo ako alipin"
Natawa siya

"Pero alipin ka ng pinuno hindi ba?"

"Huh? paanong-

"Gabi-gabi niyang sinasabi samin. Lumalabas siya ng mansion niya tuwing gabi. Hindi niya ba nasabi sayo? Oh, kung sabagay. Bakit niya sasabihin sayo eh alipin ka. Isang taong walang utak na nagpresentang sumama sa isang demonyong gaya niya. Nakakatawa"

"Demonyo? Pero hindi siya Demonyo. Anghel siya, at maging ikaw rin hindi ba? Isa ka ring Anghel noon"

Natigilan siya sa sinabi ko.

"Hindi na ako magtataka kung pano mo nalaman yan, malamang marami nang naikwento sayo ang mga insektong yun. Tsaka.. Sinabihan kami ng pinuno na.. ibibigay ka samin pagkatapos ng isang buwan. Bilang isang alipin. Gaano ba kagaan ang trabaho mo doon at mukhang hindi ka nahihirapan? Bakit di mo subukan samin? Tatlo lang naman kaming pagsisilbihan mo.. Ah! nga pala ako si Zion"

Naglahad siyang muli ng kamay niya pero tinapik ko lang yun.

"Oh!"

"Asan na sila? Ibalik mo sila sakin!"

"Masyado kang matapang.. Gusto ko yan. Pasensiya na lang, hindi ko sila pwedeng ilabas dahil makakawala lang sila samin"

Naikuyom ko ang mga kamay ko.

"Hindi ko akalaing magsasama siya ng tao. At isang babae pa talaga. Pampalipas-oras niya lang ang mga tao. Teka, baka ikaw na yung ginagawa niyang pampalipas-

Hindi niya na naituloy ang sinasabi niya dahil sinampal ko siya ng malakas. Hindi ako nakapag-pigil sa inis ko. At sobrang daldal niya. Hindi ko na inalintana kung demonyo oh anghel ba ang sinampal ko.

Pero tumitig siya sakin na namumula na ang mga mata.. Sabay pagbuka ng pak-pak niya at paghila niya sakin. Binitbit niya ako tsaka mataas kaming lumipad

"Yyyaaahhhh!! Ibaba mo ako! Tulong!!"

Halos mapalabas ang puso ko sa sobrang takot.

Fallen Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon