Chapter 17
Nung kinagabihan nun.. Hindi ako makatulog.
Tutal wala naman yung lalaking yun dito sa kwarto, kaya binuksan ko ang kurtina.Nakita ko kung gaano kabilog at kaganda ang buwan ngayong gabi.
Napangiti ako.Bakit ayaw niyang lumabas ng bahay? Ayaw niya bang masikatan ng araw?
Tsaka anong meron sa labas nito? May iba pa kayang nilalang dito? Maliban samin?Gusto kong lumabas.
-----
Makalipas ang isang-linggo.. Sa tingin ko mga nasa isang-linggo na ako.
Kung ano ang sinabi sakin nung mga Yosei or what kung anuman sila, Yun ang ginawa ko. Araw-araw ko siyang hina-inan ng pagkaing luto ko. Walang hilaw.. Siniguro kong masarap lahat yun.
Pero ang resulta. Kadalasan tinatapon niya. Nagbabasag siya ng pinggan.
"Ito nanaman ang hinain mo sakin? Hindi ba't sinabi ko na ayoko nito?!"
Hindi ako nagsasalita. Nasanay na akong araw-araw niya akong sinisigawan. Tinatapunan ng kung anu-ano.
Tinutulak.
Sanay na ako sa sakit.
May isang pagkakataon pang sa sobrang-inis ko sakanya kaya napa-iyak na ako.Lahat ng galit ko, ng inis ko .. Lahat ng nangyayari sakin ay kinukwento ko sakanila.
Hindi ko akalaing totoo sila.
Pero mabuti naring may mga kakampi ako kahit papano.
Lagi ko silang hinahatiran ng makakain ng di niya nalalaman.Isang gabi, bigla akong nagising dahil may tumatawag sakin.
"Macy.. Macy.."
Sa may bandang tenga ko.
"Nggh? S-sino yan??.."
Wala pa ako sa katinuan.".. Ako ito.. Si Elsa"
"Huh? Elsa?"
Siya yung batang babae na lumapit sakin.
Napabangon ako, lumipad siya sa mga tuhod ko.
"B-bakit ka nandito? Pano ka nakalabas?"
"Pasensiya na po.. Nagugutom na kasi ako.. Bukas po ang pinto, naiwan niyong bukas kanina, kaya lumabas na ako"
"Patay, naiwan ko pala. Wala bang nakakita sayo? Ibig kong sabihin.. Hindi ka niya nakita?"
"Hindi. Walang nakakita sakin. Kaya lumabas ako. Di ko na kasi kaya yung gutom, pasensiya kana"
Napakamot ako sa ulo ko. Malalagot ako kapag nalaman niya.
"Nagugutom kana ba talaga?"
Tumango siya kasabay ng pag-tunog ng tiyan niya."Hay, oh sige. Sumunod ka sakin"
Dahan-dahan kaming lumabas ng kwarto. Baka kasi biglang sumulpot siya sa kung saan.. Nakakatakot.
Marahan akong bumaba ng hagdan.. Napakalayo pa ng kusina dahil sa 1st floor pa yun. Nasa 4th ako.
Hanggang makarating kami sa pinakababa. Marahan kong isinara ang pinto ng kusina at kumuha ng makakain.
Pina-una ko na siya sa kwarto nila dahil baka mahuli kami.Pagkatapos kong kumuha, tsaka ako lumabas at nagpunta sa kwarto nila. Nakita ko silang lahat na gising pa.
"Heto na ang pagkain niyo"
Sabi ko.Masaya silang nag silapitan sakin.
"Maraming salamat sayo Macy. P-pero bakit ka nagdala ng pagkain dito sa dis-oras ng gabi?"
"Si Elsa.. Pinuntahan niya ako sa kwarto.."
Sabi ko"Elsa?! Bakit ka lumabas?"
Nagkibit-balikat ito."Nagugutom na kasi ako. Pasensiya na"
"Paano kung nakita ka niya? Mapapahamak ka!"
"Pa..ta..wad p-po"
Mangiyak-ngiyak na ang batang Yosei na yun."Ah tama na po. Wag niyo na siyang sisihin. Ako rin naman ang may gusto na dalhan siya ng makakain, at kayo"
"Paano kapag nakita ka niya?"
"Bahala na.. Halos lahat na yata eh natanggap ko na mula sakanya. Masasakit na salita. Pagmamalupit. Tinanggap ko naman lahat. Kaya kung mahuli niya ako.. Kahit anong klaseng pananakit pa yun ay titiisin ko"
Nakangiti kong sabi"Kahit anong klaseng pananakit??"
Biglang tumayo ang mga balahibo ko sa katawan nang marinig ang malalim na boses na yun.
Maging ang mga Yosei ay nabigla kaya nagsitago silang lahat.
Napalingon ako sa likod ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong muli ang nakakatakot niyang mukha.Naiwan ko nanamang bukas ang pinto! Napaka-engot ko talaga! Pahamak ka Macy!
Nakita niya ako, patay na!
BINABASA MO ANG
Fallen Angel [Completed]
Fantasy[FIL/ENG] The Devil is Real. And he's not a little red man with Horns and Tail. He can be Beautiful. Because he's a Fallen Angel. And he used to be God's Favorite. **** A Fantasy Horror Story Wrote by The Common Writers. Some of the places are real...