Chapter 10
Patakbo kaming umakyat papuntang rooftop. Nakita na namin ang hagdan.
"Sa wakas! Makikita ko na ulit ang araw!"
"Oo! Bilisan natin! Gusto ko nang maka-uwi!"
Sabik na bulalas ng ilang estudyante.
Nang marating namin ang pinto, binuksan agad iyon ni Zeik.
Lahat kami ay umaasang makakalabas na..
"B-bakit ganito? Asan na ang rooftop??"
Nanlaki ang mga mata ko sa pagka-bigla.
Sa likod ng pintong iyon ay isang matibay na semento.
Lumapit ako dito at sinubukan ko pang hampasin ng kamay ko dahil baka harang lang."Wag Macy!"
"Ugh! Ang sakit! Semento talaga!"
Nagasgasan ang palad ko.
"Paanong nagkaroon ng semento ang pinto ng rooftop?"
Hinawakan kong muli ang semento.
Hindi ako makapaniwala.Bakit niya ginagawa samin 'to?
Hindi na ako nagpaalam pa sakanila, tumakbo ako pababa.
"Macy! Macy saan ka pupunta?!"
Kung pupwede lang, gusto ko siyang makita ulit. Gusto kong malaman kung bakit niya ginagawa samin 'to.
Naisip kong magpunta sa isang madilim na class room dahil baka doon ko siya makita. Baka sakaling makita ko siya, at maka-usap. Makiki-usap ako na tigilan niya na kami.
Sana.. Sana..
Madilim ang classroom na pinasok ko. Kahit na konting liwanag ay wala.
Sinara ko ang pinto at kinuha ang phone ko. Sinindihan ko ang flashlight.
Patingin-tingin ako sa paligid na napaka-dilim, kahit na maliwanag parin sa labas. Para bang may nakabalot na maitim na aura sa buong building kaya napapalibutan ng kadiliman. Hindi ko mawari.
"Ikaw! Yung nagpakita sakin kanina! Alam kong ikaw ang may gawa nito samin! Bakit?! Anong kasalanan namin sayo?! .. M-magpakita ka!"
Oo, natatakot ako. Pero ano pang magagawa ko? Ito lang ang naisip kong paraan. At ako lang din ang nakakita sakanya.. Ng harapan.
Naghintay ako ng ilang segundo.. pero wala parin..
"Gusto kitang-
Pigil ang hininga ko nang makita ko ang namumula niyang mata na nagliliwanag sa dilim. Parang biglang nagkaroon ng napaka-itim na usok at doon siya nanggaling.
Pero nawala siya bigla.
"Hhh!!"
Pigil ang hininga ko.
Palinga-linga, at iginagala ang liwanag sa cellphone ko."Nasan ka?!"
Naramdaman kong hinawakan niya ako sa balikat at lumapit sa tenga ko. Gusto kong sumigaw. Dito pa lang ay gusto ko nang umiyak. Natatakot ako.
Hindi ako makagalaw!"Ang lakas naman ng loob mong tawagin ako.."
Bulong niya sa tenga ko na halos magpatayo ng balahibo ko sa katawan.
Gusto kong magsalita.. pero walang lumalabas na boses. Nanghihina ang mga tuhod ko sa takot.
"Bakit ko ginagawa ito sainyo? Tinanong mo kung bakit?!"
Noon ay sumigaw siya sa tenga ko, dahilan para mapapikit ako.
Inalis niya ang kamay niya sa balikat ko at biglang naglaho.
Doon ako nagising.
"T-teka!"
Sa gulat ko nang bigla siyang sumulpot muli sa harap ko ay napa-upo ako sa sahig.
Nakatingin lang siya sakin.
At ngumisi."Handa kana bang mamatay??"
"I-ikaw!"
Buong lakas loob akong nagsalita."B-bakit mo.. Ginagawa 'to? A-anong kasalanan namin.. Sayo?"
"Kasalanan?"
Hinila niya ako sa buhok para makatayo.
"Kasalanan niyo? Gusto mong malaman? Pumunta kayo sa lugar na 'to! Yun ang kasalanan niyo! Tapos ngayon, magtataka ka? Kung bakit nangyayari lahat 'to?"
Mas hinigpitan niya ang hawak sa buhok ko.
"Ughh!" Napapikit ako sa sakit
"Ano yang nasa leeg mo? Binalutan mo ang sugat na ginawa ko?"
Sabay ngisi"Hindi na mawawala yan, kahit-kailan"
"Ano bang.. S-sinasabi mo?!"
"Hindi ba't sinisisi ka nila dahil ikaw ang dahilan ng lahat nang ito? Kung bakit kayo humiwalay ng kaibigan mo?"
Noon ay ngumisi siya.
"Pinapanuod ko ang lahat.."
Naalala kong bigla si Liza. Nawala sa isip ko.. Masyado akong nawala sa sarili.
Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa buhok ko.
"N-nasan si Liza??!"
Ayokong makaramdam ng takot ngayon. Buhay namin ang nakataya dito.
"Sabihin mo kung nasaan siya?!"
Binaon ko ang kuko ko sa kamay niya.
Pero walang bakas sakanya na nasasaktan siya.Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya sa buhok ko at sinampal ako ng napakalakas.
Napasub-sob ako muli sa sahig.
Umalog ang ulo ko. Napakalakas, para akong mababalian ng leeg. Ang sakit.
Nangangatog akong paunti-unting bumabangon. Hinawakan ko ang ilong ko na ngayon ay may dugo. Tuluy-tuloy ang pagtulo."Napakatapang mo rin talaga para magpakita ng ganyang ugali. At para tawagin ako. Bakit sino kaba??! Isa ka lang hamak na tao! Hindi ba? Wala kang magagawa sa ganitong sitwasyon!
Ah! Meron pala! Magdadasal ka sa Diyos mo. Bakit 'di mo na umpisahan ngayon? Tutal mamamatay kana rin lang""Sabihin mo sakin kung nasan ang kaibigan ko. Saan mo siya dinala?"
Natawa pa siya bago magsalita.
"Sa kabilang-buhay.."
BINABASA MO ANG
Fallen Angel [Completed]
Fantasy[FIL/ENG] The Devil is Real. And he's not a little red man with Horns and Tail. He can be Beautiful. Because he's a Fallen Angel. And he used to be God's Favorite. **** A Fantasy Horror Story Wrote by The Common Writers. Some of the places are real...