Chapter 20

225 8 0
                                    

Chapter 20

Hindi ko na maalala kung ano nang sumunod na nangyari pagkatapos niya akong halikan dahil bigla na lang akong nakatulog. Anong ginawa niya sakin?

Umaga na noon.. Nagising ako dahil sa isang liwanag. Medyo nakakasilaw.

Kaya napabangon ako agad at nagkusot ng mata. May damit narin akong suot nun. Hindi na punit, siya ba nagpalit ng damit ko? Wala naman sigurong malisya yun sa mga Anghel.

Tumingin ako kung saan nanggagaling ang liwanag.

Galing sa bintana. Nakabukas ang kurtina.

"Sino ang nagbukas nito?"

Sumilip ako sa labas at nakitang muli ang magandang karagatan. Pero wala paring kabuhay-buhay ang mga damo sa labas.

Bumuntong-hininga ako at napahawak sa labi ko. Bigla kong naalala ang paghalik niya sakin. Noon ay uminit ang pisngi ko.

"H-hindi.. Hindi pwedeng mangyari ang iniisip ko. Hindi pwedeng.. may nangyari ba samin? Ahhh! Hindi! Hindi! Hindi!"

Ako at ang demonyo na yun? Hindiii!
Tao ang gusto ko, hindi kahit na anong elemento!

"Ang aga-aga ang ingay mo"

Biglang sulpot niya sa likod ko.
Kaya napalingon ako agad.
Nakatali ang mahaba niyang buhok at natatakpan ng konting bangs ang side ng mata niya sa kanan. Nakasuot siya ng light blue na polo na nakabukas ang butones sa may dib-dib na parte.

Wow! Bakit parang ibang-iba siya ngayon? Anong meron? Slow ba ako masyado? Di ko talaga magets.

"Uh.. Ikaw! k-kanina kapa ba nandiyan?"

"Kakarating ko lang. Pumasok ako para sabihing nagugutom na ako. Ipaghanda mo ako ng makakain. Bilisan mo"
Aniya

Lalabas na sana siya pero pinigilan ko.

"T-teka! May gusto lang akong itanong"
Hindi siya nagsalita pero tumingin siya sakin.

"Uhmm.. a-ano kasi yung k-kagabi?"

"Ano yung kagabi?"
Seryoso parin ang mukha niya.

"Uh.. Ano kasi.. H-hinalikan mo ako kagabi.."

Napangisi siya bigla. At marahang naglakad palapit sakin. Biglang kumabog ang dib-dib ko.

"Ah.. baka panaginip ko lang! p-pasensiya na!"

Napa-atras ako at napasandal sa salamin ng bintana nang makalapit siya. Tinakpan ko ang mukha ko ng nga palad ko.

Nakakahiya!!

"Oo, hinalikan kita kagabi"

Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pag-init ng mukha ko.

Napaka-diretso niya.

"P-pero bakit?" Inalis ko din ang palad sa mukha ko.

"Hindi ba't sinabi ko na simula kagabi ay pagmamay-ari na kita. Akin kana. Maliban sa mundong ito, isa ka sa mga pag-aari ko na di pwedeng kunin kahit nino. Yung halik na yun ang palatandaan ng kasunduan natin. Hindi kana makaka-alis pa kahit na anong gawin mo at kahit magmaka-awa ka pa. Hindi ka ba natutuwa? Ikaw lang ang taong dinala ko dito"

Kasunduan? Di pa naman ako pumapayag ah? I mean, Oo kusa akong nagpadala dito sakanya kasi inaalay ko nga ang kaluluwa ko kapalit ng mga kaibigan ko. Anong pinagkaiba nung inalay ko kaluluwa ko sakanya, at pag-aari niya na daw ako simula ngayon? Ang gulo, ayoko nang isipin. Bahala siya, gawin niya gusto niya.

Tsaka may dapat bang ikatuwa doon?

"Meron"

"Uhh.. Pwede bang wag mo nang basahin ang iniisip ko?"

Umiiling siya habang nakangisi.

Itinukod niya ang mga kamay niya sa gilid ng balikat ko at inilapit ang mukha niya sakin.

"Gusto mo bang ulitin ko? Yung kagabi?"

"H-huh?"
Para akong na-istatwa. Natataranta ang isip ko. Parang gusto ko na lang kainin ng lupa! Ano ba nangyayari sakanya? Nakaka-kilabot! Tsaka kailan pa siya natuto mang-asar nang ganyan??

Pakurap-kurap ang mga mata kong nakatingin sakanya at hindi ako makapagsalita sa sobrang kaba.

"Bakit ka kinakabahan?"
Hindi. Nabasa niya ang iniisip ko. Anong gagawin ko?

"Oo nga, anong gagawin mo?"
Napangisi pa siya. Iniwan kong tumingin sakanya, wag ka mag-isip ng kahit na ano Macy Noreen.

Uh..Uh.. Yung dapat na itatanong ko.. Hay, bahala na.

Sumeryosong muli ang mukha niya.

Pero paano kung.. m-may ginawa siya sakin habang tulog ako? Anong gagawin ko? May nangyari ba???
Ughh!! Hindi ko mapigilang hindi mag-isip!

Nagulat ako sa biglang pagtawa niya. Ang paghalakhak niya.

Napa-awang ang bibig ko. Yung tawa niya na walang halong bahid ng kasamaan. kundi purong kasiyahan. Pero parang tipong minamaliit niya ako kahit sa pagtawa lang.

Kakaiba yung pakiramdam, kahit pagtawa niya inaalipusta niya parin ako.

Nakapikit siya at nakahawak sa tiyan habang tumatawa.

May naka-agaw ng atensyon ko.. Yung kwarto.. Marahang lumiwanag at.. nag-iba ng kulay kaunti.

Mas lalo akong napa-nganga.
Ito na ba yun? Kailangang maging masaya siya. Ganito kasaya. Nakita ko ang ilang pagbabago sa kwarto na hindi niya napapansin.

"T-tumawa ka?"

Nagpunas siya ng luha sa mata niya pagkatapos tumawa.

"Nakakatawa yang mga iniisip mo. May nangyari satin? Bakit naman kita gagalawin? Tsaka pwede ba.. Hindi ako nagnanasa sa tao. Baka ikaw ang nagnanasa sakin"
Aniya

Kasabay ng pamumula ng mukha ko ang pagkunot ng noo ko.

"A-anong sinabi mo? Ikaw pag nanasahan ko? Hah!" Napaka-taas naman ng tingin mo sa sarili mo.

"Bakit hindi? Eh kung makatitig ka sakin kanina. At yung mga sinabi mo sakin kagabi. Gusto mo akong maging masaya? Yun ba ang paraan ng pagtatapat mo ng damdamin para sakin?"
Pang-aasar niya pa.

"Ano? A-ko magtatapat? Hindi! bakit ako magkakagusto sa isang De-

Natigilan ako sa dapat kong sasabihin. Mariin kong pinikit ang mga mata ko para huminahon saglit. Baka magalit siya pag tinawag ko siyang demonyo at baka bumalik ang lahat sa dati. Oh baka mas lumala pa. May kaunti nang pagbabago, baka mawala pa.

Nakatalikod ako habang iniisip yun. Para di niya mabasa.

Nakakapagtaka siya ngayon.

"Ganyan talaga kayong mga tao, napakarupok, napaka-hina. Puro kayo pagmamahal. Wala kayong mapapala kapag nagmahal kayo. Kayo padin ang talo sa huli. Tapos tatraydurin niyo rin ang isa't-isa, nakakatawa kayo." Aniya

Sabay labas ng kwarto ko.

Nakakainis. Napaka-ilusyonado. Tao ang gusto ko hindi katulad niya. Hindi ko naman kakayaning mamuhay dito na kasama siya habang-buhay. Hindi ganito ang pinangarap ko. Gusto ko pang magka-pamilya sa taong mamahalin ko balang-araw. Magka-anak at magka-apo. Hindi sakanya, at hindi sa ganitong lugar.

Fallen Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon