Freyan
Literal akong napanganga nang makapasok kami sa bahay or I must say 'mansyon' ni Mamita. Holy cow! It's really. .really BIG and a jaw-dropping. Kahit si Mommy ay hindi makapaniwala sa ganda at laki nang mala-Victorian Mansion na ito. Sinalubong din kami nang dalawang lalaki at tatlong babae na napag-alaman kong driver at maids pala. Now, I cannot believe this! Is it even true? Am I not dreaming?
Gracious!
Nakangiti kaming binati nang mga tauhan ni Mamita nang makapasok kami sa loob nang bahay. Hindi ko maiwasang igala ang aking paningin.
"Madamme, ako nga po pala si Esteban. Ang personal na driver po ni Ms. Karina Monreal." Tukoy niya siya Mamita ko. "Ito naman po ang aming hardinero si Alex na anak naman ni Ate Bebang isa sa mga matagal nang katulong dito sa bahay. Tinuturing na po siyang mayordoma rito. Si Loisa at Agnes naman ang dati niya ring katulong nang nandito pa namamalagi ang senyora." Inisa-isa niya ang bawat sumalubong samin.
"Magandang umaga sainyong lahat. Wag niyo na akong ituring na amo dito dahil pareho-pareho lang naman tayong hindi kadugo si Ms. K, eh. Wag na po tayong masyadong pormal." Giit ni mommy. "Ako pala si Honeylyn Fortuno at eto naman ang anak ko si Chaera Lyn Fortuno." Tipid akong ngumiti.
"Ikinagagalak po namin kayong makilala maam. Wag na po kayong mag-alala, matagal na nga po namin kayong hinihintay para magkabuhay naman po 'tong bahay eh. Kahit ang mga sasakyan po ay kailangan na ring gamitin at nasisira na po." Pahayag naman ni Ate Bebang. "Welcome na welcome po kayo sa mansyon." Dagdag pa niya.
Nagtagal pa nang ilang minuto ang pagpapakilala at kamustahan nila mommy. Kinailangan ko nang magpahinga nang maaga dahil sa kalagayan ko at tuwang-tuwa ako nang marating ko ang aking kwarto. Goodness! It's all pink. Kahit ang simpleng poste nito ay pink. Mukhang binahayan 'to ni Hello Kitty noon.
Humiga ako sa kama na Queen-size bed. Oh my! I can't help but to love my room. Mukhang magiging paborito kong spot nang bahay ang kwarto ko dahil bukod sa napakagandang ayos nito may bookshelf din, study table at napakadaming libro. This is my paradise.
Sa ikalawang-araw namin sa bahay ay nagpaalam akong maglalakad sa labas. Nakakahalina rin ang infinity pool nang bahay kaya mamaya lang ay lalanguyin ko ito. Hindi ko alam kung totoo pa ba 'tong nangyayari samin o isang panaginip lang.
Napakalawak nang subdivision! Purong bermuda grass ang nasa paligid at iisipin mong nakatira ka sa isang paraiso. Mga iba't-ibang uri nang bulaklak, matatayog na punong-kahoy at napakatahimik pa. Kapansin-pansin rin ang malalaking bahay rito. Iniisip ko tuloy kung nasa loob ba niyan ang mga may-ari nang bahay.
Ang sabi ni mommy ay ito raw ang pinakamalaking subdivision sa bansa. Matataas na pader muna ang bubungad sa'yo at napakalaking gate na may nakapangalang "EMPIRE LANDS". Kulay ginto pa ang gate kaya talagang iisipin mo kaagad na hindi 'to basta-basta.
Sa aking paglalakad ay hindi ko napansin na napalayo na pala ako sa bahay. Gracious! How can I always forget that I'm literally stupid when it comes to a direction? Kinabahan ako nang mapagtanto kong naliligaw na nga ako. So much for sight-seing!
Jeez!
Inilibot ko ang aking paningin, mukhang napadpad ako sa isang 'minipark dahil nakasulat ito mismo sa lugar. Pero hindi ko maisip kung mini park nga ba itong maituturing gayo'y napakalawak nito. Madaming bata ang naglalaro na may kanya-kanyang kasama. Their nanies. . Pare-pareho kasi silang nakauniform ng pang kasambahay. Richkids! I wonder where are they parents. Sigurado akong hindi nila nakakasama madalas ang mga magulang nila dahil busy sa mga negosyo.