Letting go
"What did you do to her?" Narinig kong tanong nang isang pamilyar na boses.
"Tss. Wala akong ginawa. Dinala ko lang siya dito. She's sick?" Isang pamilyar muli na boses ang aking narinig.
Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. All I can see is white. Napailing ako. Nasa hospital na naman ako. Why the heck I am born to be a part of weaklings?
"C-Chaera? Omygad! You're safe? You're awake.." Pahysteric na bungad ni Chrystal.
Nagulat pa ako nang makita siyang nandito. Inilibot ko ang aking paningin at nakita kong nakasandal sa dingding si Ross. Tipid siyang ngumiti at bumuntong hininga. Why am I so disappointed? Dahil ba sa hindi ko nakita ang lalaking gustong makita sa paggising ko?
"T-thanks sa pagdala sa akin dito, Ross." Bago pa makasagot si Ross ay malakas na bumukas ang pinto.
Iniluwa nito ang aking luhaang ina. "C-Chicha... Oh God! Jesus! Pinag-alala mo ko nang sobra.. how are you feeling? Okay ka na ba? I told you to always drink your medicines.. papatayin mo'ko sa pag-aalala, baby.." Bumuhos ang luha ko nang makita ko ang nanghihina kong ina.
Someone patted her shoulder. "Don't be too emotional infront of her. Lalo siyang mahihirapan." Sabi nang isang may katandaang-doctor. Ngayon ko lang napansin na may kasama pala si mommy. Lumapit siya sa akin at sinuri ang heartbeat ko gamit ang kanyang apparatu. "You're making yourself so tired. Wala ka ring sapat na tulog, iha. You're stressing yourself to much too." Seryosong sinabi niya at ginalaw-galaw ang nakasabit kong swero.
"Mamala." I heard Chrystal approached the doctor.
Ngumiti ang doktora at niyakap siya nito. Mamala? Nagtataka kong nilingon ang dalawa.
"Are you the one who brought her here, princess?"
Umiling lang si Chrystal at lumingon sa akin. "She is Dra. Keanna Marie Freyan, she's my lola." Tila napansin niya ang pagtataka ko. Unbelievable! How can she read my thoughts? "Anyway Chaera, we need to go. Take care of yourself always. Bibisitahin ulit kita." Paalam niya at nagulat pa ako nang halikan niya ang aking pisngi.
Ilang sandali pang nanatili si Dra. Keanna. Nagtanong rin siya sa mga bagay na pinagkakaabalahan ko ngayon. Ang sabi niya ay dapat daw iwasan ko ang mga bagay na nagpapa-stress sakin. How can I say that one of the cause of it was her grandson?
Pinagmasdan ko ang aking sarili sa repleksyon ng salamin. Ang maputlang kulay nang aking kutis at labi. Ang malalim at namamaga kong mga mata. Halos magkulay lila na rin ang dulo nang aking mga daliri. Napapikit ako nang mariin. It means I am literally sick. Napapabayaan ko na ang sarili ko at si mommy. Jesus! Bakit hindi ko naisip na may nag-aalalang mga magulang sa akin?
I need to get back to my senses! Kailangan ko nang iwasan ang mga bagay na nagpapalala sa sinumpang sakit na'to! I really need to avoid him..
I really need to..
Tatlong-araw akong namalagi sa hospital. Lagi kong naririnig ang iyak ni mommy sa tuwing inaakala niyang tulog ako. And I feel so damn guilty! Kahit si dad ay ginusto pang umuwi buti na lang at nakumbinsi kong maayos na ako at magpapakatino ako. I made them very disappointed. Di bale, babawi ako! I promise, babawi ako!
"Chaera! Omygad! Namiss kita! Okay ka na ba?" Napalingon ako sa maingay na pagsalubong sa akin ni Lala nang nasa gate pa lang ako. "Nabalitaan ko 'yong nangyari. Pumunta ko sa hospital pero nakalabas ka na pala." Paliwanag niya at niyakap ako nang mahigpit.
