Chapter Fifty-seven

256 8 2
                                    

Preperations

Napamulat ako ng mata at hindi namalayan ang pag-idlip. Omygad! Nakatulog na pala ako. Tumayo ako at nagpagpag ng aking uniform. Hindi ko akalaing makakatulog ako sa punong ito.

Nilingon ko ang kabilang puno at naalala ang nakita kong pag-uusap ni Mariz at Chrime kanina. Pumikit ako at pilit na ngumiti.

'Okay lang 'yun, Chaera! Wala silang ginagawang masama. Chrime is just being a brother to her. Okay lang at wag kang mag-iisip ng masama!' Bulong-bulong ng isipan ko.

Naglakad na ako para makabalik ng room. Sobrang taas na ng sikat nang araw. Nagulat pa ako ng makitang 11 a.m na pala ang oras sa wrist watch ko. What the heck! Halos dalawang oras akong natulog.

Saglit akong napaupo sa nadaanan kong upuan. Hinawakan ko ang aking dibdib at pinakiramdaman. Halos hindi ko maramdaman ang tibok ng puso ko. Bakit pakiramdam ko hindi naman ako nakatulog? Nawalan ba ako ng malay? Inatake ba 'ko? Pero bakit ako nagising?

Jeez! Ano bang nangyayari sakin? Nababaliw na ata ako!

"CHAERA!" Napalingon ako sa pagsigaw ni Lala. Lumapit siya at halos yugyugin ang balikat ko. "Shit ka! Kanina ka pa namin hinahanap! Saan ka ba nanggaling? Halos suyudin namin ang buong campus!" Alalang-alalang sinabi niya.

Saglit pa akong natulala. "N-Nakaidlip ako." Niyakap ko si Lala para maibsan ang pag-aalala niya. "Sorry." Tipid kong sinabi dahil pakiramdam ko pagod na pagod ako.

"Okay ka lang ba? Ang putla-putla mo! Dito ako napadaan kanina pero wala ka naman eh. Saan ka ba nakatulog?" Taranta niyang tanong habang lumilinga-linga.

"Sa malaking puno ng narra."

Lala deeply sighed. "Wag mo na kaming pag-aalalahanin ng ganun." Inilabas niya ang kanyang phone at may tinawagan dito.

"Kiro, I already saw her. Kasama mo ba si Chrime? Nasa may college department kayo? Bumalik na kayo dito. Sabihan muna lang din sila Zia. Nasa harapan kami ng capilla." Nagtataka akong tumingin kay Lala.

"Anong sinabi mo, Lala?"

Lumapit siya sakin at tumabi sa upuan ko. "Kanina ka pa hinahanap ni Chrime. After our break time ay nilapitan niya ako para hanapin ka. Ang sabi ko ay hinahanap mo din siya. Naghintay kami ng kalahating-oras sa'yo hanggang sa wala ka pa rin. Hindi na siya nakatiis at nagsimula ng maghanap. I help him tapos ng mag-isang oras na kaming naghahanap humingi na rin siya ng tulong kay Zid, Zia at Ali. Pupuntahan na nga sana niya si Chrystal para magtanong kung may kinalaman sa pagkawala mo buti na lang napigilan siya ni Ali at Zia. Kundi baka nag-away pa ang magkapatid." Mahabang paliwanag niya.

Bumigat ang pakiramdam ko. "Sorry talaga. Hindi ko alam kung bakit ako nakatulog dun." Paghingi ko ng tawad.

Ngumiti si Lala at ilang sandali pa ay dumating na ang humahangos na si Kiro at Zid.

"Damn girl! Nandito ka lang pala." Kiro shooked his head.

"Ate Chaera, sa susunod na mawawala ka. Pakidala naman ang cellphone mo. Halos patayin na kami ni Kuya Chrime sa pag-aalala." Matinding hiya ang naramdaman ko sa sinabi ni Zid.

Nakakahiya talaga! Naabala ko pa sila!

Sunod na dumating si Zia at Ali. Mabilis akong nilapitan ni Zia. "Where the hell have you been? Grabe ka! We thought something bad happened to you!" Reklamo niya rin.

"Uminom ka muna ng tubig. Ang putla-putla mo." Nag-abot ng bottled water si Ali. Siya pa mismo ang nagbukas nito para sa akin.

"Andito lang pala siya. Inistorbo niyo pa ang tulog ko." Halos mabilaukan ako ng makita ang nagkakamot ng ulo na si Dos. Kahit siya ay naghanap din?

Undying Heart (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon