PlayOffs
Tinitigan ko ang kwintas na ibinigay sakin nang batang si Chrime. Ngayon ko lang napansin ang naka-engrave na pangalang 'Chrime sa cross na pendant nito. Ang lock din nang kwintas ay salitang Freyan ang binubuo.
Ngayon ko lang naappreciate ang ganda nang pagkakagawa. I am six years old nung magkakilala kami ni Chrime. Natawa rin ako nang mabasa muling ang sulat niya na isinulat lang sa reseta na ibinibigay nang doktor.
Wala ba siyang ibang masulatan? Ang cheap ha!
Pero sa totoo lang hindi talaga ako makapaniwala na nagkita kaming muli. Grabe! Who would have thought na makikita mo siya after a long time. Parang ganito yung nababasa ko sa mga novel eh. Destiny talaga kami!
KYAAHH!
Iniligay ko sa aking bulsa ang kanyang kwintas. Ibabalik ko 'to sa kanya mamaya sa school. Patuloy pa rin ang selebrasyon nang aming foundation day. Ngayon din gaganapin ang playoffs nang mga varsities. Buti nga at naabutan ko pa dahil sa dalawang araw rin akong nawala.
Natigilan ako sa pag-aayos nang maalala si Chrystal. Ano kaya ang mangyayari? Kinakabahan ako! Feeling ko kasi ibubully ako sa school lalong-lalo na nang mga estudyanteng humahanga kay Chrystal. Hindi ko alam ang gagawin ko kasi ayon din sa nabasa kung mga novel laging binubully ang mga mahihinang babae. Lalo na't nagawan ko siya nang kasalanan. Kaya ko ba talagang harapin ang galit niya?
Gracious! Wag naman sana! I hope it turns out well.
Pero, bakit kaya hindi man lang ako tinext ni Chrime ngayon. Kahit kaninang umaga hindi rin. Busy ba siya masyado?
Bumuntong-hininga na lang ako at lumabas nang kwarto. Nagulat pa ako nang makita si CX na naghihintay sa aming sala. Nakasuot na siya nang school uniform niya.
"H-Hey, Chaera! Magandang umaga." Bati niya at nagkamot nang ulo.
"Good morning din. Anong ginagawa mo dito? Wala kang pasok?" Napataas ako nang kilay.
Tumikhim lang siya. "Kukumustahin lang kita. Okay ka na ba? Di ka na nagtext eh."
Pumunta ako sa harap niya. "Sorry. Nawala sa isip ko eh. Anyway, okay na naman ako. Pupunta ako ang school dahil foundation namin."
Tumango siya. "Everyone knows it."
"Ha?"
"Sikat sa lahat nang universities ang foundation day niyo. Inaabangan din nang mga taga ibang school ang pag-open gates niyo. Last day ngayon, hindi ba? Paniguradong ang daming tao sa school niyo para panoorin ang Playoffs."
Namangha ako sa sinabi ni CX. "Whoa! Ang dami mong alam tungkol sa school namin."
Tumawa si CX. "Madaming alam? Baka wala ka lang kamung alam. Tss! Isang taon ka nang nag-aaral diyan, parang bago ka lang." Umiiling niyang sinabi at tumayo. "Dumaan lang talaga ako. Papasok na rin ako sa school."
Tumango rin ako. "Sige. Hatid na kita sa gate. Papunta na nga rin ako sa F. R. U." Nangislap ang mata ko nang maalalang papanoorin ko pala si Chrime mamaya.
Gosh! Alam kong madaming nagkalat na higad at hipon ngayon dun para mapanood siya. Well, yaan na sila. Hanggang tingin na lang naman sila.
"HOY!" Napapitlag ako sa biglang paggulat ni CX. "Tulala? Pumupuso 'yang mata mo. Aba! Anong meron?" Mapang-asar niyang tanong.
Uminit ang pisngi ko at kinusot ang aking mga mata. "Secret lang muna baka mapurnada pa pagni-kwento ko sa'yo." Tinawanan ko siya habang binubuksan niya ang gate.
