Chapter Fifty-three

312 10 0
                                    

Sweetness

Inilibot ko ang aking paningin sa garden kung saan kami unang nagkakilala ni Chrime. Napalingon ako sa kanya at hindi pa rin ako makapaniwalang sinundan niya ako sa New York.

Kampante siyang umupo sa bagong benches. Noong bata pa kami ay wooden chairs pa ang nandito. At bakit ba sobrang kalmado niya? Ako nga, para akong aatakihin sa kaba.

"Sit here, Chaera." Utos niya at tinapik ang pwesto sa tabi niya.

Napalunok ako at sinunod ang kagustuhan niya. Umupo ako, sa dulo nga lang nang mahabang upuan. Sobrang layo pa rin nang distansya.

"How can we talk properly? Come closer." Nagbabanta ang boses niya. Kinagat ko ang aking labi at dahan-dahang umusog papalapit sa kanya.

This is awkward! Damnit!

Nang halos isang dipa na lang ay nagulat ako nang bigla akong hinila ni Chrime papalapit sa kanya. Gawd! Our legs are almost touching! No! Actually magkadikit na talaga.

"A-Ang lapit masyado, C-Chrime.." Pero napapikit na lang ako ng bigla niya akong inakbayan.

OMYGAD!

"I want us to be like this. Gusto ko ganito lang tayo kalapit sa isa't-isa. Hindi 'yung nasa magkabilang panig tayo ng mundo." Ibinulong niya. Halos magtayuan ang balahibo ko nang maramdaman ang mainit niyang hininga. Jesus! I miss him so much! "Why did you left the Philippines? You supposed to wait for me yesterday. Until, I saw your tweet. Nasa New York ka pala." May hinanakit na sinabi niya.

Ramdam ko rin ang titig niya at pakiramdam ko sasabog sa init ang pisngi ko nang inilagay niya gilid ng aking tenga ang aking buhok na tumatabing sa aking pisngi.

Now, I wonder how was my face? Ni hindi nga ako nanalamin bago lumabas ng aking kwarto. Gawd, Chaera! Pasalamat ka na lang dahil naghilamos at nagtoothbrush ka kahit papano!

"How can we fix this if you're far as this?" Kalmado na ang boses niya.

Bumuntong-hininga ako at muntik ng mapapikit ng bahagyang kumirot ang dibdib ko. Jesus!

Sinubukan kong kumalma at dahan-dahang humarap sa kanya. Nagpagupit na siya ng buhok. Malinis na rin at maaliwalas na ang kanyang mukha. Lalo lang siyang gumawapo!

"H-Hindi ka rin naman nagpaalam sakin ng umalis ka eh." Sa huli ay nag-iwas ako ng tingin. How can he be this so gorgeous?

I heard him sighed. "I need to cool down myself. I don't want to be mad at you. I texted you but you didn't reply. Noong pagkatapos ng araw na huli tayong nag-away. Nagparamdam ka rin ba? Nagtext ka ba? Or tumawag man lang? Diba, you never do anything para makausap ako. Dahil kung ako Chaera, kahit anong mangyari kung gusto kong makausap ka ay gagawa ako ng paraan. Kahit nasa malayo ka pa." Sa sinabi niyang 'yon ay napagtanto kong tama siya.

Wala akong ginawa para makausap siya. I should have try my best para humingi ng tawad sa kanya.  Ang tanging ginawa ko lang ay ang takbuhan ang problema ko.

But I just thought he want some space. Binigyan ko lang siya ng panahong makapag-isip.

"Y-Your text is confusing." Naibulong ko rin.

"Confusing?" Umiling siya. "My text is an assurance. May plano na talaga akong umalis. I want to spent my vacation beside my Lola. Magpapaalam na sana ako noong nakita ko kayo nang pangit na lalaki mo. But I can't, Chaera. I just can't. That scene was not a joke to me. He damn kissed you. Kailangan kitang tiisin Chaera, kahit pa mahal kita."

Undying Heart (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon