Chapter Sixteen

238 13 0
                                    

Trouble

"You've met someone, huh?" Napapitlag ako sa benches na aking naupuan nang marinig ang boses ni Chrime.

Nagtataka ko siyang nilingon. "W-What?"

Umiling siya at bumuntong-hininga. Umupo rin siya sa tabi ko kaya bahagya akong umusod. "Are you gonna watch our game?"

"H-Hindi ko alam eh."

Magsasalita pa sana siya nang biglang magring ang kanyang phone. Kinuha niya ito sa bulsa at kaagad na sinagot. "Mom?" Naaninag ko ang may kasiyahang tono niya. "Dad is gonna be home?. . . We're fine mom, don't worry. . . Are the both of you we're alright?. . . We miss you too. . . Ofcourse, you don't need to remind me that. I'll always take care and  look for my sister. . . Okay, let skype when I got home. . .Saranghe." Umiiling niyang ibinaba ang cellphone.

Naisip ko tuloy kung paano magmahal ang isang tulad niya. Mahal na mahal niya ang kapatid niya at ganun din ang kakambal niya. Bakit nanloloko pa rin siya nang mga babae?

"Hey!" Napairap ako nang bahagya niyang itinulak ang aking noo. "You're thinking deep." Bored niyang dagdag.

"Wala ka bang practice?" Sinuri ko ang suot niya. Nakaputi siyang t-shirt na may nakasulat na Supreme sa gitna. Naka-khaki shorts din siya nang plain gray. Buti pa sila nakakapag-civillian!

"Wala eh."

"Where is your mom?" Biglaang tanong ko. Nacurious kasi talaga ako.

"Korea." Maikling sagot niya.

"Hindi ba siya nagbabakasyon?"

Tumingin siya sakin nang nakakunot ang noo. "Ofcourse she is. Every six months." Bored niyang sagot.

"CHRIME!" Napalingon kami sa pagdating ni Dos. Humahangos itong tumigil sa aming harapan. "Dude! Kailangan mong pumunta sa gym! Kisha and Pat are having some cat fight! Come on!" Nagtataka akong nilingon ni Dos. Hindi ata makapaniwalang ako ang kasama ni Chrime.

Naramdaman ko ang pagtayo ni Chrime sa aking tabi. Umiling siya at humugot nang malalim na hininga. "Ka-ja. (Let's go)" Hindi ko naintindihang usal ni Chrime bago tumalikod pero muli ay nilingon ako. "You wanna come?" Nagulat ako sa tanong niya at nagtaas naman nang kilay si Dos.

"Uhmm. . ."

"Sumama ka na." Hindi na ako nakatanggi nang biglang hinawakan ni Dos ang aking balikat.

Mabilis kaming nagtungo sa gym at nakita namin doon ang nagkakagulong mga estudyante. Nakapamewang din sila Zia at Tip na mukhang nag-eenjoy pa. Bahagya akong natigilan at inilibot ang aking paningin.

She must be here!

"Stay away from him. Nandito si Chrystal." Seryosong usal ni Dos na nagpakaba sa akin. Ngumuso siya sa bandang unahan at doon ay nakita ko si Chrystal na abala sa kanyang phone. Tamad lang ang ekspresyon niya na parang walang komosyon na nagaganap. Katabi niya si Sai na tumatawa at umiiling pa. "Avoid. him." Tiningala ko ang katabi kong si Dos sa kanyang sinabi.

"W-what?" Utal kong tanong. Parang nagwawala ang puso ko sa sobrang bilis nang tibok nito.

Ngumisi si Dos at umalis. Nakahinga ako nang maluwag nang pumunta siya sa gitna. Kusang nagbigay nang daan ang mga estudyante at doon ko nakita ang nagkakagulong dalawang babae.

Halos mapahawak ako sa aking dibdib nang makita ang magulong buhok nung Patricia. Nakasuot siya nang berdeng t-shirt at may nakasulat na 'Animo. Si Kisha nama'y halos nakalantad na ang suot na cheering's outfit.

Undying Heart (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon