Forever
Kanina ko pang paulit-ulit binabasa 'tong text ni Lala na nabasa niya daw sa isang magazine. Ang title daw ay 'GUY SECRETS A GIRL MUST KNOW'.
Lala:
We have trouble apologizing, but most of the time we know that we're wrong and your absolutely right.
Natawa ako sa text na 'to. Totoo ba yun? Mahirap para sa mga lalaki ang mag-sorry? Must be their pride, huh?
Lala:
Heto pa.
We will always terrible at remembering dates and details. So we need you to remind us.
See? Dapat naintindihan mo si Chrime, Chae. He's busy lalo na ngayon. Oo nga't nasayang 'yung hinanda natin but it's fine. Atleast he realize kung gaano ka kaeffort paghandaan siya. Stop the bad vibes.
Nangingiti akong nagreply sa kanya. Mahirap naman kasi sa part ng mga babae 'yun, diba? It looks like those guy doesn't aware of the girls feelings if they forget those important dates.
To Lala:
Oo na! Bias ka lang ni Chrime eh. Naintindihan ko na and we're fine, really!
Hindi niya daw ako mabibisita sa hospital dahil abala pa din sila ng Tita niya sa pagsecure sa mga properties nila. Hindi na rin naman kailangan dahil uuwi na ako mamaya.
But while I am still here, naisipan kong maglibot-libot sa iba't-ibang ward ng hospital. Si Chrime ay tulog na tulog sa kwarto ko. Mukhang pagod na pagod nga talaga siya and to think na, kailangan niya pang mag-ojt daw? sa kompanya nila kaya ay ramdam ko talaga ang pagod niya.
Tuwang-tuwa rin ako ng madaanan ang mga cute at himbing na himbing sa pagtulog na mga new born babies. Gawd! They we're so cute and adorable. They look like an sleeping angels.
Sa paglalakad ko ay nanlaki ang mata ko ng makita si CX. Omygad! Si CX nga!
Binilisan ko ang paglalakad para maabutan siya. Kasama niyang muli ang nakababatang kapatid niya. Lumiko sila sa kaliwang-bahagi kung saan mangilan-ngilan lang ang pasyente.
This is not crowded like the others hallway. Tumigil sila sa isang glass na pinto at pumasok sila doon.
Nagtataka kung pinuntahan ang pinto at nangunot ang noo ko ng mabasa ang pangalan sa harapan ng pinto.
Dr. Philip Sancho Martirez
(NEUROLOGISTS)
Saglit akong natigilan. Anong ginagawa nila dito? Tama ba ang hinala kong may sakit si CX? But what is it?
Omygad! Don't tell me. Bago pa ako makapagreact ay bumukas ang pinto at nagtataka ang matang lumabas ang kapatid ni CX.
What is her name again? Izy?
Nakakunot ang noo niya bago muli akong sinuri ng tingin. "I-Ikaw 'yung kaibigan ni Kuya CX, hindi po ba? Anong ginagawa mo dito?" Tahimik niyang ni-slide pasara ang glass door.
"Asan si Kuya mo? Okay lang ba siya?" Sinakop ako ng pag-aalala.
Naglakad si Izy palayo sa hallway na 'yon kaya ay sinundan ko siya.
"For now po, he's fine." Malungkot siyang ngumiti.
"M-May sakit ba siya?"
Tumango siya at napansin ko ang pangingilid ng luha niya. "He has a brain tumor." Bumigat ang pakiramdam ko sa aking narinig.
W-What?
