I love you
Dahan-dahan akong pumasok sa bahay naming tahimik. Nahagip nang aking mata ang aming kusina at nakita ko si mommy na may suot na apron. Andito pala siya?
Saglit akong tumalikod at inayos ang aking sarili. Naglagay din ako nang konting face powder para magmukhang maayos ako. Ayokong mapansin ni mommy ang pamamaga nang mga mata ko.
Nang makuntento sa aking itsura ay dumiretso ako sa kusina. I am really suprise that she is her. Ang akala ko ay mamayang 8 p.m pa ang out niya sa hospital.
"Mom?" Bungad ko at nakita ko siyang abala sa harapan nang oven?
What is she doing?
Nilingon niya ako. "Chicha, anak." She gladly greeted. Hinalikan niya ako sa noo. "How's school? Nagdayoff ako this day just to baked a cake. I really miss baking." Nakangiting pahayag niya.
Wala sa oras akong napangiti. This is what I don't want to happen. I don't want those smiles faded. At isa lang ang ikinalulungkot ni mommy ko, 'yun ay pag nasa hospital ako.
"Why are you baking? May importanteng okasyon po ba?" I faced our nook and comfortably sat on a high chair.
Mom shrugged her shoulder. "Hindi kailangan nang okasyon para magbake ako." Tinaasan niya ako nang kilay at humalukipkip. "Why are you here? Dapat ay magbihis ka muna." Istrikto niyang sinabi.
Umiling ako. "Mom, I maybe feel so sticky but I'm sure I'm not stinky." Inamoy-amoy ko pa ang sarili ko. "I want to watch po and I also want to taste it. Nakakamiss po ang cake niyo." Pakiramdam ko kasi sa lahat nang nangyari kailangan ko nang sweet desserts. Gusto ko lang maging happy kahit sa simpleng pagkain lang.
Sumimangot si mommy. "No! I want you to change your uniform. Please be presentable. Ngayon na nga lang ako magbibake, basag trip ka pa. Hala, sige! Go to your room and change." Seryosong sinabi niya at tinulak-tulak pa ako papalabas nang kitchen.
"Mommy naman!"
"Change, Chaera Lyn." Napanguso na lang ako sa pagtawag ni mommy. Seryoso ba talaga siya?
When did she started being so maarte when it comes to our clothes? Pati ba naman sa pagkain, ipagkakait ang kasiyahan ko?
Haist! Mabilis kong ipinilig ang aking ulo. Stop it, Chaera! Kalimutan mo muna ang nangyari kahit ilang oras lang.
Napabuntong-hininga ako at sumandal sa pinto nang aking kwarto. I don't know how will I talk to Chrime. Should I tell him what happened? Kaya ko ba siyang kausapin nang hindi nagtatampo?
Kinuha ko ang aking phone bago ko binuksan ang aking kwarto. Nadismaya lang ako nang walang makitang kahit isang messages. Wala na bang nakakaalala sakin? Dati naman ay maraming nagtetext nang kung anu-ano dito ah? Anong nangyari at kahit isang mensahe ay wala akong matanggap? Sira ba 'tong phone ko? Kainis naman! I want to throw this thing!
Pabalya kong binuksan ang aking pintuan at gusto ko na lang ang mahiga. Bukas na lang ako kakain nang cake ni mommy. Pero bago ko pa man magawa ang balak ko ay bigla akong natigilan..
Unti-unting nagsink-in sa aking utak ang mga heart balloons na nakalutang sa aking kisame. My bed we're full of rose petals and composed the words. . .
"HAPPY 1ST MONTHSARY"
Ano 'to?
Nanlalaki ang aking mata nang makita ang sari-saring pictures na nakasabit sa dulo nang tali nang mga lobo.
