Hates
"Where are we going to hangout this time?" Tanong ko kay Syrene na katabi ko habang nasa loob nang sasakyan nila. Nakasunod lang din sa amin ang dalawa pang SUV na lulan naman sila Chrystal at ang iba pa.
I don't get it! Nasa mini-stop lang naman sila nang subdivision pumunta. Why the hell they need a car for each one of them?
Tulad nang gusto nila ay hindi na muna ako umuwi at sumama sa jamming nila. They said, they miss me so much so..
"Kala Chrystal!" Excited niyang sinabi na nagpanganga sa akin. "Dumating na din kasi sila Tita Vian! Gawd! I am so excited to see her!" Sabik ngang sinabi ni Syrene.
"A-Ayos lang ba talaga? I.. mean, is it okay for me to c-come?" Nauutal kong tanong.
Oh gawd! I've never been to their house! Ayokong pumunta dahil sobra-sobrang nakakahiya! At pakiramdam ko wala akong karapatan dun.
Natawa naman si Sai sa tanong ko. "Gosh! Ofcourse! Bakit hindi pwede? You're a friend of us." Sabi niya at tinapik-tapik ang balikat ko.
Imbes gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi ni Sai ay lalo pa akong kinabahan. Shit! Pwedeng bang umalis na lang? Uuwi na lang ako!
Mommmmyyy!!!!!
Gusto ko sanang mag-isip nang palusot nang biglang tumigil ang sasakyan nila. Damnit! Napalingon ako sa bintana at nanuyo ang lalamunan ko nang makita ang mga bantay na tila may kinakausap. Napansin ko rin na wala ata silang bitbit na baril ngayon. O baka meron pero nakatago lang?
Jeez! Behave Chaera! Wag na wag kang lilingon kay Chrime! Baka pagnalaman nilang ginawa mo sa kanya ay ratratin ka nila.
Huminga ako nang malalim at pumikit nang mariin.
Naramdaman ko ang pag-akbay sakin ni Sai. "Calm down, Chaera. Those guards are harmless." Napangiwi na lang ako sa sinabi niya.
Really, huh?
Binuksan na nang isang makisig na lalaki ang pinto nang sasakyan. Nagulat pa ako nang bigla itong yumuko. Hindi naman siya pinansin ni Sai at dire-diretsong lumabas. Sumunod naman ako at alanganing ngumiti sa bantay na mukhang sariling valet nang bahay.
Oh damn! Sobrang gara! May sariling valet talaga!
Inilibot ko ang aking paningin at tumambad sa akin napakalaking bahay sa aking harap. Napanganga pa ako nang makitang gawa ito sa salamin. Oh my GOD! Bahay pa ba 'to?
Nilingon ko rin ang aking likuran at hindi ko na natanaw ang malaking gate na pinasukan namin kanina. Sa halip ay bumungad sa akin ang isang garden na mukhang maze!
T-Tangina...
Palasyo ata ang napasukan namin? Mala-palasyo pala ang bahay nila?
Nagpatianod na lang ako nang hinawakan ni Sai ang aking kamay at nagsimulang naglakad. Ilang sandali pa ay dumating na rin ang iba pa naming kasama. Nagsihilera naman ang mga kasambay at kusang itinigil ang mga ginagawa bago yumuko nang makitang naglalakad na si Chrystal at Chrime.
Napatunganga na lang ako at hindi ko talaga alam kung totoo pa ba ito?
Nagtaas nang kilay si Chrystal sa akin. "Welcome to our house." Pahayag niya at iginiya sa akin ang kanyang braso. Nahihiya naman akong kumapit rito.
House? Bahay ba talaga 'to?
Nagtatawanan naman na dumating ang mga lalaki. Muli kong pinigilan ang aking sarili na lumingon sa gawi nila. Halos matigilan rin ako nang papasok na kami sa kanilang bahay.