Chapter Thirty-seven

238 11 0
                                    

Unexpected

Mabilis na lumipas ang mga araw. Chrime can't go home yet because of his Grandma. Halos mag-iisang buwan na rin ang pananatili niya sa Korea. We still communicate so well. Hindi siya pumalya sa pagtetext at pagtawag sakin. And I am contented on it. Kasi kahit malayo siya, pinaparamdam niya pa rin sakin ang pagiging maalaga niya.

Chrystal already came back after a week. Si Chrime ang nanatili dun. And for now, Chrystal never did anything. She's always pre-occupied and always keeping her attention at her phone. Siguro ay mino-monitor niya rin ang kalagayan nang kanyang Lola.

Ali always brought me a lunch pack. Walang palya ang paghatid niya sakin nang baon. Chrime always asked me kung nauubos ko ba ang ibinibigay ni Ali. And I appreciated it so much.

Pero nang dumating ang araw nang Wednesday, August 10. Hindi ko maiwasan ang magtampo. That's the day our foundation ball happened. Ibig sabihin, 'yan ang araw na napagkasunduan namin ni Chrime. It is supposed to be our monthsary. Ang sabi niya alam niyang importante sa mga babae ang okasyong ganyan pero bakit wala man lang akong narinig galing sa kanya.

He called me a while ago. Tinanong niya lang ako kung okay lang ako? I also give him a hint that this day is our monthsary pero wala talaga siyang anumang sinabi. He really forgot it or maybe he doesn't even know that this is our special day.

Akalain mo 'yun kahit papano ay umabot na kami ni Chrime nang isang buwan kahit malayo siya. He promise me he will come back and I am holding on his promise. Alam kong babalik siya, he never said a promise to anyone, sa akin lang. Kaya wala akong duda na babalik siya.

Malungkot akong pumasok sa school.

"Hoy! Problema mo, ha?" Pansin ni Lala habang kumakain kami sa cafeteria.

Kahit siya hindi niya rin naalalang espesyal ang araw na'to para sa amin ni Chrime. Badtrip naman oh! Bakit ko ba 'to iniisip? Haist! Nakakainis!

"Bakit ngayon ka lang pumasok, Isabella?" Tanong ko rin sa kanya matapos ang pagliban niya kanina sa two subjects namin.

Ngumuso siya at nakangiting umiling. "Kasama ko si Kiromylabs." Tinaas-taas niya pa ang dalawang kilay niya tila nang-iinggit.

Umirap ako na ikinatawa niya. "Edi ikaw nang may lovelife."

"Wag kang ampalaya, Chae. Pagbalik ni Chrime babawi 'yun sayo. Ang swerte mo nga eh." Sabi niya na punong-puno nang pagkamangha.

Napailing na lang ako. Tss! Badtrip naman kasi si Chrime. Sa lahat ba naman nang kakalimutan eh! Pero hayaan na nga, hindi ba dapat dahil naalala ko naman ako na lang ang unang bumati? Ehh.. paano? Nahihiya ako!

Gracious!

Batiin ko na nga lang siya sa facebook? Mas nakakahiya 'yon! Public pa naman ang account ko. Wag na lang baka isipin nila, nagpipiling ako!

"Chae, anong oras ka uwi later? May dadaanan ka ba?" Napalingon akong muli kay Lala.

Nag-isip ako. Dumaan kaya ako sa simbahan at magsindi nang candle? Ngee? Ano 'yun parang birthday lang ganun? Paano ko nga ba icecelebrate mag-isa ang monthsary namin? Ang loner naman!

"Why?"

Nagkibit-balikat siya. "You're thinking so deep. Baka mamaya ikalunod mo pa 'yan. Ang lungkot mo pa."

Bumuntong-hininga ako at umiling na lang. Nakakainis na ah! Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko maiwasan ang mainis sa mga taong nakakainis sa paligid ko. Diba, angulo?

Undying Heart (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon