K

291 9 3
                                    

Nagsimula ang pasukan nang Grade-9. Panimulang pambabae din ang inatupag namin nila Kiro. Actually, wala naman talaga akong balak mambabae. Nadadamay lang ako dahil kapag pumupunta kami sa maingay na bar na pagmamay-ari nila Zia ay nanahimik lang ako sa isang tabi.

Kusang may lumalapit na babae kahit naglalaro lang naman talaga ako nang word games sa cellphone ko.

"Hi, Chrime." Napalingon ako sa babaeng lumapit sakin. She's hot. Sa pagkakaalam ko ay siya ang cheerleader ngayon sa highschool dept.

Dahil mabait naman talaga ako ay nginitian ko siya. "Hey!" Bati ko rin.

"Hindi ka sasayaw kasama 'yong mga pinsan mo?" She curiously asked.

"Obviously no. Ayokong mapagod." Tamad kong sagot. Ayoko rin namang maging bastos kaya. "Wanna join me here?" Offer ko sa bakanteng upuan sa aking tabi.

Matamis siyang ngumiti. "Okay lang ba?" Tanong niya pero umupo na rin naman siya. "By the way, kilala mo ba 'ko?" Nagtaas siya ng kilay.

Shoot, Chrime! Sino nga ba siya?

Bahagya akong nag-isip. Teka nga, hindi naman siya ganun kasikat para makilala ko hindi ba? Pero maganda talaga siya kaya dapat ay kilala ko siya. Pero hindi rin naman ako interesado sa kanya. Ngayon lang dahil nilapitan niya ako.

Ang gulo!

"I'm Kisha." Napalingon ako sa kanya. I saw her pouted at hindi ko alam kung bakit napatitig na lang ako sa labi niya. Mas lalong lumawak ang kanyang ngiti.

Oh God! Bakit ba may mga babaeng nakakatukso?

"Kisha. Nice name." Puri ko na mabilis na lumapit sa kanya at hinalikan siya sa kanyang mapulang labi.

It tastes like a metallic fluid and a sweet cherry. She's really hot and she's a damn good kisser.

Lumipas ang araw na 'yon na walang ibang bukambibig si Kiro kundi ang kaseksihan ni Krisha.

"Fuck, bro! You really done it! Kisha is so hot and perfectly my type." Umiiling-iling pa siya.

Dos smirked. "Siya pala ang dahilan nang pagpupumilit mo saming pumunta sa bar na 'yon?" Pang-aasar niya.

"You shouldn't let Chrime joined us, dude. Naagawan ka tuloy ng chicks." Sabat naman ni Ali.

"Court her if you really like her." Sinabi ko na lang at tawa lang ang narinig ko sa kanya.

"No way, bro. She really likes you and I don't like girls who doesn't like me back. Ayoko nang komplikado." He reasoned out.

Tinapik ko siya sa balikat. "That's a deal. Walang samaan ng loob."

Ngumuso lang si Kiro habang nag-apiran naman kami nila Ali at Dos. Ang sarap talagang pagtripan ni Kiro kung minsan.

Naglakad kami papuntang basketball court nang biglang makaramdam ako nang kakaiba. Napahawak ako sa aking dibdib at pinakiramdaman ang bawat pagtibok nito.

Why the crap am I suddenly fell nervous?

Isang tunog nang cellphone ang bumalabog sa amin.

"It's my phone." Si Kiro ang kumuha ng cellphone niya. "Si Syrene." Sabi niya at sinagot ang tawag. "Yes, my little sister? May kailangan ka ba sa gwapo mong kuya?" Napailing na lang ulit kami sa kalokohan niya. "Ano? Anong naaksidente? Fuck! Sige papunta na kami!" Taranta niyang sinabi.

Undying Heart (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon