Chapter Fifty-six

267 8 2
                                    

Resentment

Tahimik akong umuwi ng bahay. I miss my pink room so much. Sa dumaang panahon ay naituring ko na ring tahanan ang bahay ni Mamita. Hindi na kaya talaga 'to kukunin ng mga kamag-anak niya.

Pumikit ako ng mariin ng maalala ang nangyari kanina sa hospital. Hindi na ako nakapagpaalam kay Chrime pauwi. Hindi ko rin siya maitext dahil alam kong si Chrystal ang may hawak ng cellphone niya ngayon. Siya ang katext ko kanina para magkita kami sa parking lot.

Ganun ba talaga niya ako kahate?

Tinitigan ko ang itinapon niyang papel kanina sa aking dibdib. It's a plane ticket. Siguro ay nakita niya ito sa mga gamit ni Chrime.

Chrime is so reckless or talagang wala naman siyang balak itago sa kapatid niya ang pagpunta sa New York para sa akin. Kahit pala masaya kayo sa relasyon niyo hindi niyo pa rin maiiwasang malungkot kapag nalaman niyong may mga taong salungat sa kaligayahan niyo.

I don't know what will I do with Chrystal. I am all ready to please her. Kaya kong gawin ang lahat para matanggap niya lang ako para kay Chrime. Ako lang ba talaga ang inayawan niya?

Ang tahimik kong kwarto ay binulabog ng maingay na tunog ng aking phone. Nilapitan ko ito at kinabahan ng makita ang mukha ni Chrime.

Siya na ba talaga ito? Baka si Chrystal na naman?

I deeply sighed again and I close my eyes tightly when I feel the same pain again. GOD! Heto na naman 'yung sakit. Akala ko ay nawala na 'to ng nasa New York ako. Ilang araw na rin itong di ko nararamdaman.

Muli kong inulit ang malalim na paghinga at napahawak na lang ako sa aking dibdib ng kumirot ulit ito. Shit! Am I dying? Malala na ba talaga?

Natigil sa pagtunog ang aking phone. Ako na lang mismo ang tatawag kapag kumalma na ang pakiramdam ko.

Tumayo ako para sana uminom ng gamot nang mapailing na lang ng maalalang wala pa pala sa akin ang mga gamit ko. Nasa SUV pa nila Chrime at hindi pa naihahatid dito.

Sumandal ako sa headboard ng aking kama at pilit na nagpahinga. I need to rest. I think not attending my third session in my therapy is not a good idea. Mukhang mapapahamak ako. The fact that, pinilit ko lang si dad na payagan akong sumama kay Chrime.

But I want to be with him! Gusto kong kasama ko siya palagi. I want to treasure every moment with him. Dahil alam ko kung hindi man ang mga taong kontra sa akin ang hahadlang samin ni Chrime ay baka pati si kamatayan ay makaharap ko.

Muling tumunog ang aking phone sa aking gilid. It is Chrime's number again. Iniwasan ko ang huminga ng malalim at agarang sinagot ang tawag niya.

Hindi ako nagsalita at pinakiramdaman ang nasa kabilang linya.

"Hello? Chaera, are you there?" Nakaramdam ako ng ginhawa ng marinig ang boses ni Chrime.

"Chrime.. it's you." Pumikit ako para mapigilan ang sariling magsumbong. "Sorry kung umuwi kaagad ako. I fell so tired after.. you left me. Hindi na kita nasabihan dahil alam kong busy ka rin." Sa huli ay napagtanto kong hindi na kailangang malaman ni Chrime ang nangyari. Magiging komplikado lang ang lahat.

"Are you okay? What happened?" Kinabahan kaagad ako. Alam niya na naman ba ang nangyari? "Are you sure you're fine? Nahirapan ka bang huminga?" Nakaramdam ulit ako ng ginhawa.

Gawd!

"Uh? Y-Yes, I'm fine. Nagpapahinga lang ako." Naalala ko ang gamit kong nasa kanya pa. "Kelan mo ipapadala dito 'yung gamit ko? Nandun pala sa loob ang mga gamot ko."

Undying Heart (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon