Chapter Thirty-two

255 7 0
                                    

Suspicions

Hindi ako nagpasundo kay Chrime tulad nang napag-usapan namin. Kinailangan ko pang magpatulong kay mommy para lang mapapayag siyang sa school na lang kami magkita. Guess what? That guy almost tricked my mom. Muntik na niyang bilugin ang ulo ni mommy para pumayag na sunduin ako sa school.

Gosh! He really can control someone. At kahit ako alam kong susundin ko si Chrime isang salita niya lang. But not now, sa nalaman ko kay Patricia hindi dapat ganun. Diba? May nadamay nang iba, lalo na 'yung family at business nila. I can't still believe that Chrime can do it.

Nakakatakot talaga 'yun!

Buti at in the end pumayag siyang sa school na lang kami magkita at ngayong kausap ko siya dito sa tree house nila na tila tinatamad lang.

Tss! Nakakainis!

"I don't understand you. She deserve it, Chaera. Sinaktan ka niya." Paulit-ulit niya na ring sinasabi 'yan.

At ako paulit-ulit rin sa mga salitang. "Chrime, hindi naman dapat ganun. You can't just punished her with her corrupting business. Nadadamay ang family niya."

Ilang beses ko nang sinabi 'to sa kanya pero ni hindi niya man lang ako nilingon. Nakatuon lang ang pansin niya sa harapan nang isang t.v na kasing laki ata nang bintana sa kwarto ko. Tss! He's very busy concentrating of this game called ROS.

Hindi ko naman maintidihan. Humalukipkip na lang ako at tahimik na tumayo sa gilid nang couch nila. Habang siya ay tahimik lang rin at patuloy pa rin sa paglalaro.

Hindi ko maiwasan ang di mainis. Seryoso ako dito sa gusto kong mangyari. Sana itigil na lang niya ang pagpapahirap sa pamilya ni Patricia. Ni hindi ko pa nga naitatanong sa kanya si Mariz. At higit sa lahat kailangan ko pang pag-aralan ang topic na irereport ko sa Physics. Tss! Ni hindi ko maalala ang title nun.

Bukod sa limang gamot na dapat kong tandaan na inumin araw-araw ay sobrang dami na talaga nang inaalala ko. Dumagdag pa kasi 'tong kagagawan ni Chrime. Ang hirap niyang pasunudin. Hindi ko nga alam kung susunod ba siya o kahit makinig man lang sana. Pero tingnan mo, parang nakikinig lang sa isang guro na nagtuturo tungkol sa isang napakaboring niyang lesson.

I don't know how to handle him.

"Is that the reason why you don't want me to pick you up this morning?" Nagulat na lang ako nang nasa harapan ko na siya.

Napatitig ako sa malalalim niyang mga mata. Sobrang itim talaga nang bilog niya sa kanyang mata. Kahit ang mga pilik-mata niya ay sobrang expressive din.

Nag-iwas ako nang tingin. Seryoso nga kasi Chaera, nagpapantasya ka na naman eh.

Bumuntong-hininga na lang ako. "I-I'm just worried. Halos hindi ako makatulog kagabi dahil sa kakaisip kay Patricia. Sumugod siya sa bahay para-"

"What? What the fuck is she doing at your house? You should've told me." Mariin niyang sinabi.

Muli ay humugot ako nang malalim na hininga at napaupo na lang sa kanilang sofa. "Chrime, that's enough already. Tama na. Stop sabotaging their business. I don't even know that you have the ability to manipulate some businesses. The girl is crying and begging. She keeps on asking me to tell you na itigil mo na."

"Tss! She should've think about it before she touched you." Pigil ang galit niyang sinabi.

"But Chrime please. She also told me that her mother is pregnant. Chrime, can you please think about the innocent child? Naapektuhan na ang mommy niya dahil sa nangyayari. Bawal sa mga buntis ang ma-stress, Chrime. Please leave their business alone."

Undying Heart (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon