Take Part
Muli kong inilibot ang aking paningin sa paligid nang tahimik na bahay nila Chrime. Kahit siguro pumunta ako dito nang paulit-ulit ay mamangha at magugulat pa rin ako sa karangyaan at pagiging hi-tech ng bahay.
Meron talaga silang maze garden. Nakakatakot naman sumuot sa ganyan, kung ako siguro ang papasok diyan ay hindi na siguro ako makakalabas.
Tulad ng unang tapak ko rito ay bahagyang yumuko ang mga kasambahay nila Chrime. Napakamot na lang ako sa ulo dahil sa inaasta nila. Hindi rin sila basta-bastang tumitingin sa'yo. As if it's like a sin if you are going to stare at their master. Actually, ang daming arte.
Bago pa kami makaabot nang sala ay sinalubong na kami ng daddy niya. Binalot ako nang kaba nang makita ang seryoso niyang mukha.
"Vandrick Chrime!" Napapikit ako nang marinig ang pagsigaw niya.
Shit!
"Dad." Chrime bowed his head. Kaya nakigaya na rin ako.
"Why the hell are you not answering your damn phonecalls, ha? Hindi mo ba alam na nag-aalala sa'yo ang mga tao sa bahay na'to." Seryosong sinabi niya.
Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Chrime. Kanina niya pa hawak ang kamay ko.
"I am so sorry, dad. Nakatulog po ako." Laglag ang panga ko sa kalmadong boses ni Chrime.
Seriously? Hindi ba siya natatakot sa dad niya? Halos manginig na ang tuhod ko.
"At saang impyerno ka natulog?" Nanlaki ang mata ko sa narinig.
Oh God! Galit na talaga si Tito Christof! Alam kong grabe lang ang pagtitimpi niya.
Biglang binatawan ni Chrime ang aking kamay. "Dad, don't say that. I'm really sorry po." Nilingon niya ako. "I want to see her that's why I came straight to her when I'd landed at the airport." Ngayon ay namula naman ang pisngi ko at napahakbang papaatras.
"Stop scolding your son, Van Christoffer." Sabay-sabay kaming napalingon sa nagsalita.
Isang matandang lalaki ang papalapit sa amin habang gamit ang kanyang tungkod. Mahahalata rin ang pagiging maawtoridad nang aura nito. Pero sa kabila noon ay may palangiting mukha.
"Dad, I can't tolerate this. Pinag-alala ni Chrime ang mommy niya at ganun din kami. Kahit sana maisipan niya man lang na magsabing hindi pala siya uuwi nang bahay na'to." Daddy ni Tito Christof?
Napayuko ako at napaangat din ng marinig ang tawa nang Lolo ni Chrime.
"Ikaw sa lahat ang dapat nakakaintindi sa kanya, Christof. Mukhang nakakalimutan mo na mas malala pa ang mga ginawa mo noon nung kapanahunan mo." Muling tumawa ang Lolo ni Chrime. "Now, you finally realize how I feel when you're not going home. Atleast nga itong anak mo ay umuuwi rin kaagad. Eh ikaw Christof? Buwanan ka nga kung di bumisita sa bahay." May pangungutya sa boses nito.
"Tss. This is not about me, dad." Depensa ni Tito Christof. "Pinag-alala niya ang mommy niya. Vian almost freakout when his not answering his phone. Ang dami nang iniisip nun, dad. Ayokong madagdagan pa." Mariing sinabi ni Tito Christof.
Halos sabay na bumuntong-hininga si Chrime at ang Lolo niya.
"Sorry dad, hindi ko na po uulitin. Pangako po. I'll call mom too just to apologize po." Ngayon ay narinig ko na ang seryosong boses ni Chrime.
Dapat siguro hindi na ako sumama dito. Ang awkward! Trespassing ako dito!
Umiling si Tito Christof at bumaling sakin. Alanganin akong ngumiti.
