Words
I was shaking so badly when I got home. Hirap na hirap akong maproseso sa sarili ko ang nangyari. Ano kayang reaksyon ni Chrime when he saw my surprise?
Hinalughog ko ang cellphone ko para makita sana kung may text siya pero saka ko lang naisip na naitapon ko nga pala 'yon at hindi ko na napulot pa.
"Cha?" Narinig ko ang pagkatok ni mommy. Pinunasan ko ang aking luha at pilit na kinalma ang aking sarili.
Dahan-dahang nagbukas ang pintuan ng kwarto ko. Napapikit ako para sana mapigilan ang luha ko pero mukhang hindi na talaga kayang magpigil pa at sila na mismo ang may kagustuhang lumabas.
Binuhay ni mommy ang ilaw sa kabuuan ng kwarto.
"What happened, baby? How was your surprise?" Sa tanong pa lang ni mom ay muli akong napaiyak.
Mabilis siyang lumapit sakin at niyakap ako ng mahigpit. "Sshhh.. Chicha, calm down anak. Masama sa'yo ang labis na pag-iyak." Naramdaman ko ang paghagod niya sa aking likod.
Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko.
"M-Mommy..." I cried. "I-It's all worthless.. Hindi po d-dumating si Chrime.. a-ang sakit-sakit po eh.."
Iniharap ni mommy ang aking mukha. "Sshh.. stop crying, Chicha. Please.. baby, this is not good for you. Ilang beses ko ng sinabi sa'yo na hinding puro kasiyahan at hindi lahat ng mangyayari sa relasyon niyo ay aayon sa kagustuhan mo. Sometimes, we learn to understand our love ones. Maybe Chrime have his reason. Maybe Chrime's mind is clouded with something kaya hindi niya naalala. Hindi maaaring bumitiw ka kaagad sa mga ganitong pagsubok, Chicha. Just be strong baby."
Napatango na lang ako sa mahabang pahayag ni mom. I know, I understand everything. Alam kong hindi rin ako ang nag-iisang iniisip ni Chrime. But as long as I want to let this pass ay hindi sumasang-ayon ang kalooban ko.
Alam ko namang papatawarin ko siya pero gusto ko rin namang palipasin muna ang sama ng loob na bumabalot sa pagkatao ko.
"Take a rest, Chicha. You need to rest badly. You look so pale. Gusto mo bang dalhin kita sa hospital?" Hinaplos ni mommy ang aking pisngi. Pinagmasdan niya ako bago umiling. "I'll prepare my things. Dadalhin kita sa hospital." Mariin niyang sinabi bago ako hinalikan sa aking noo at lumabas ng kwarto.
I was so weak and full of disappointment. Sobra-sobra ang nararamdaman ko. I can't contain any of this. Gusto ko na lang ang magpahinga.
Tumango ako. Sa unang pagkakataon ay gusto kong magpadala sa hospital. I don't know what could be the possibility will happen to me. Pero alam ko, hinang-hina na ako.
Mommy prepared everything. Unti-unti na ring kumalma ang sarili ko. Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan. I heard Ate Bebang and mommy talking. Nanigas ako sa aking kinatatayuan.
"Tumawag si Young master Chrime, Maam Lyn. Gusto niya pong makausap si Chaera."
Nagkubli ako para hindi nila mapansin ang presensya ko.
"Just tell him my daughter wants to take a rest. Pagod na pagod ang anak ko. As long as I want them to talk about their problems, I don't think this is the right time, Ate Bebang. Kawawa ang anak ko." Seryosong pahayag ni mommy.
Nangilid ang luha ko.
"Sige po, maam. Ang sabi niya rin po ay pupunta daw siya dito para makausap mismo si Chicha. Mukha nga pong nagmamadali."
I saw my mom shooked her head. "Kapag tumawag siya ulit sabihin mong dadalhin ko sa hospital si Chicha. Or if he come here tell him na I need to admit Chaera. Bago pa siya tuluyang atakihin ng sakit niya. Hindi na niya kami maaabutan. His condo unit is quite far from here." Nang makita ko si Mommy na papaakyat ay nagmadali akong bumalik sa kwarto ko.