F.R.U (Freyan University)
Hindi ko na alam kung anong magiging reaksyon ko nang pumasok ako sa school. Tama lang at bumisita ako sa website mismo nang school kaya nagkaroon ako nang kopya nang mapa nito.
Sa main gate pa lang ay kakailanganin mong ipakita ang isang silver na card na nagsasabing enrolled ka sa paaralang ito. Bukod pa sa personal i.d mo naman na kailangang ipakita sa gwardiyang nagbabantay mismo sa parking lot. Hindi tumigil ang aming sasakyan at dumiretso sa may isa pang gate kung saan nakalagay ang 'High School Corner'. Sa dinaanan namin ay bumungad na sa akin ang napakalawak na 'track n field. Tumigil kami sa parking lot at nanlalaki ang mata ko dahil halos lahat sila ay magarang sasakyan ang ginagamit na service.
Anong 'say nang Silver naming Strada. Gosh!
Tumapat ako sa isang building na binubuo nang limang palapag. Pumunta ako sa ikatlong palapag kung saan matatagpuan ang mga rooms nang Grade 9. Dinaanan ko rin ang assigned locker room para sa amin. Napalingon ako sa mga estudyanteng nakakasalubong ko.
They we're talking silently at purong bulong lang. May mga pasimpleng tumitili pa at kinikilig. They're all looks so excited na parang isang napakalaking-karangalan ang mag-aral sa paaralang ito.
Pinatayo kami nang aming adviser para maiayos na ang aming seating arrangements, which is alphabetical. As usual, pero kakaiba dito dahil nasa unahan ang mga babae at nasa likuran naman ang mga lalaki. That's good, I guess.
"Fortuno?" Halos mapabalikwas ako nung marinig ko ang aking apelyido. "Another F, huh. Are you a transferee?" Seryosong tanong sakin ni Mr. Andres Sedeño.
"Y-yes, sir." Halos kagatin ko na ang labi ko sa kaba. Nakatingin rin sakin ang aking mga classmates.
"Hmp.. so, you must seat between the two Freyans." Napalunok ako sa narinig. FREYAN na naman? "What are you waiting for, Ms. Fortuno. Go to your own seat now!" Nagmadali akong pumunta sa gitna nang dalawang babae na sumisigaw sa ganda.
Ang isa ay tahimik na nilalaro ang ballpen, malapit siya sa bintana. Nakabun ang kanyang buhok na di ko alam kung sinadya niya bang may itinirang buhok sa gilid nang kanyang mga tenga. Sobrang puti nang kanyang balat, parang pang chinese o koreana.
Yung isa nama'y nakakunot ang noo habang nakatingin sa aming guro. Nakalugay naman ang kulot-kulot niyang buhok na hanggang baywang. Katamtaman lang ang kulay nang balat niya pero napakakinis nito.
Napalunok ako, they are so pretty.
"Psst." Napalingon ako sa aking kanan pero hindi naman siya sa akin nakatingin kundi pilit na nililingon ang nasa aking kaliwa. "Why the hell did he separated us? Is he crazy?" Bulong niya na di ko maiwasang marinig. Umatras ako nang kaunti para magkaroon sila nang way makapag-usap.
"That's because you're too noisy." Bored lang na sagot naman nang isa. Ngumuso lang ang nasa aking kanan. Ano kaya ang mga pangalan nila?
"So, it is true? This old hag already lost his mind? Didn't he knew the proper alphabetical orders? Tss. He's idiot! I hate him to the core!" Napakagat ako sa aking ibabang labi para magpigil nang tawa.
"Crazy!" The other girl murmured.
Tahimik ang mga kaklase ko matapos ang tatlong subjects na nagdaan. Hindi na kinailangan pang magpakilala dahil mukhang magkakakilala na sila. Ganun naman daw talaga pag nasa top section. Ako naman bilang transferee ay nagpapasa lang nang kapirasong papel kung saan nakasulat ang aking buong pangalan at last school attended.
