Chapter Seven

237 12 1
                                    

Feelings

Hindi ko alam kung paano ako pinayagan ni Mommy pero heto ako ngayon at nagsasaya kasama sila Syrene. I've been talking to Syrene a couple of hours now. Nakakaintimidate kasing kasama si Chrystal, si Zia naman at Tip ay malapit sa isa't-isa. Nagkakasundo silang dalawa sa mga bagay na gusto. Like 'manhunting daw kuno.

Nagtilian ang mga babae nang umahon ang tatlong lalaking aming kasama. Nakatopless sila Kiro na tanging boardshorts lang ang suot. Nakita kong nagsindi nang sigarilyo si Ali at tumigil sa gilid nang clubhouse.

Si Kiro at Dos nama'y patuloy sa paglapit samin. Nagtatawanan ang dalawa na mukhang may pinagtripan na naman.

"Boys will be boys. They're all jerks!" Mapait na turan ni Zia.

"Bitter ka lang. Move-on ka na kasi!" Tumatawang kontra ni Tip.

Natahimik silang dalawa nang nakarating na samin ang dalawang lalaki.

"Girls! What's with your fucking life! It's goddamn boring!" Umiiling si Kiro habang papaupo.

Bigla namang inagaw ni Dos ang hawak na juice ni Zia at diretsong ininuman.

"WHAT THE HELL?" Zia reacted. "That's mine, you bastard! Get your own, if you want too."

Umirap si Dos. "What's wrong with that?"

"Stupid! Kakainom ko pa lang diyan! Gago!" Humagalpak sa tawa si Syrene at Tip. Si Chrystal nama'y pailing-iling.

"So? We supposed to share our own saliva when we're kissing before." Nanlaki ang mata ko sa narinig. Malakas na tumawa sila Kiro at Syrene. Nag-apiran pa ang dalawa. Napatawa na rin ako, they're really funny.

Namula naman ang pisngi ni Zia at itinuro si Dos. "YOU! Just... fuck you! URGH!" Pumapadyak pa siya habang tinatalikuran kami pero nagsalita si Dos na nagpatigil sa kanya.

"Pikon! Where are you going?" Mapang-asar na tanong ni Dos.

"Kukuha nang sarili kong juice. Fucker!" Sigaw ni Zia.

"What? I didn't fuck you, Zia!" Humagalpak kami sa tawa nang binato ni Zia nang tsinelas na suot si Dos.

Nakailag si Dos at halos hawakan na ang tiyan sa kakatawa.

"TANGINA MO DOS!" Namumula ang mestisang mukha ni Zia sa galit at pagkapahiya. Umalis siya at tuluyan kaming tinalikuran.

"What happened?" Bungad ni Ali habang papalapit.

"Pinagtripan na naman ni Dos si Zia. Baliw na ata 'tong kapatid mo, parehab muna!" Si Sai na ngumingisi.

Napatingin sakin si Ali at ngumiti. "Buti at sumama ka na." Baling niya sakin bago umupo. Naamoy ko pa ang pinaghalong sigarilyo at mint sa kanya.

Naconscious akong bigla sa aking suot. Tulad nila'y naka-two piece din ako. Isang simpleng green ang kulay at may lace sa bawat linya.

"She's hot, too." Rinig kong pahayag ni Kiro at nagulat ako nang nakatingin 'to sakin. Ramdam ko ang pag-init nang aking pisngi.

Napayuko ako. Gosh! Nakakahiya naman!

"Fuckoff Kuya! She's off-limits!" Binatukang bigla ni Syrene ang kapatid.

Undying Heart (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon