Chapter Six

209 12 0
                                    

Friends

"Chicha, ba't lagi kang puyat? Kahapon ka pa." Puna ni mommy habang kumakain kami nang almusal.

"Mom, school stuffs lang po. Advance reading lang po." I lied.

Tss. Kahapon pa talaga ako puyat. At sinong hindi mapupuyat sa nangyari sakin nung isang araw? Gracious! Sa bawat pagpikit nang mata ko, labi ni Chrime ang nakikita ko.

CRAP!

Kahit ilang beses ko pang sabihin sa sarili ko, kulang na nga lang ay iuntog ko ang ulo ko para magising sa ilusyong nahalikan ako ni Chrime. Jeez! It is just a CPR! It's not a KISS! URGH!

"HEY! Cha, ano bang nangyayari sa'yo?" Napapitlag ako sa tanong ni Mommy. "Tell me the truth, Chaera? Is there something wrong?" Napalunok ako sa seryoso niyang tono.

Umiling ako. "I'm fine mom! May mga bago na po kasi akong friend sa school and I don't know how to handle it. Alam niyo naman pong tanging si Psyche lang ang naging kaibigan ko." Half of it was true!

Tumango-tango siya. "Alright! I understand but please try to be more friendly, anak. Mababait ba sila?"

"Opo. Kaya lang nakakailang po! They we're so rich."

Napatingin siya sa akin. "Uh-uh! Try to blend with them. Wag mo lang masyadong iaattach ang sarili mo sa kanila. You think, they're richer more than your mamita?"

"I dunno... Freyans." Nanlaki ang mga mata ko nang sunud-sunod na umubo si Mommy. "Omygad! Mommy! Are you okay?"

"Freyans, anak? M-May mga Narciso pa ba?" Napakunot ang noo ko. Ang alam kong Narciso ay si Tip? I'm not sure!

"Yeah, I guess. Why?"

"Narciso is the owner of the hospital I'm working at, anak." Nanlaki ang mata ko. "The only heiress of the Narciso married a man who's a Freyan. At alam mo bang isa ang pamilya nila sa pinakamayaman hindi lang sa bansa kundi in a whole wide world, anak. They even owned the Empire Groups." Hindi ako makapaniwala sa narinig. Sino kaya sa kanila?

Ilang araw ang lumipas nang naging malapit sa akin ang mga Freyans. Si Syrene ay lagi akong kinakausap sa room. Ganun din si Chrystal, nakikipagbiruan na siya sakin sa school at minumura ako nang malalalim niyang dimples sa magkabilang pisngi. Ngayon ko lang napansin 'yon, simula nang naging malapit kami. May mga dimples din kaya si Chrime?

Hindi ko alam kung ligtas pa ba ako sa paaralang pinapasukan ko dahil kung nakakamatay lang ang tingin nang mga estudyante, matagal na akong bumulagta.

"Care to explain?" Nakataas ang isang kilay ni Lala nang makita niyang hinalikan ako ni Syrene sa pisngi. Unang araw kung pumasok sa school matapos ang aksidente.

Ikinuwento ko ang lahat nang nangyari pwera lang sa CPR na naganap. Baka magalit siya dahil alam kong tulad nang iba ay dati rin siyang nabaliw  kay Chrime. Hindi ko rin nasabing may sakit ako sa puso. Mukhang hindi na kailangan.

"Just be careful." Nagtaka ako sa paalala ni Lala.

"What do you mean?"

"Did you notice how the way those freaking students look at you?" Tumango ako. "You can be the target of the bullying but I know the Freyans will take care of you."

Kinabahan akong bigla. "T-Totoo ba 'yan?" Utal kong tanong.

"Yup! I know our school won't tolerate that but bawal lang ang bullying kapag nahuli sila. Pero malawak ang school at hindi malayong makita ka nilang mag-isa. In that case, it can be their chance to attack you."

Undying Heart (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon