Accident
Napamulat ako nang mata nang may marinig na kaluskos sa aking kwarto. Napaupo ako at binuhay ang lampshade sa aking tabi.
"Cha, I'm sorry anak. Nagising ba kita?" Tanong ni mommy na may hawak na puting sobre. Agad akong napalingon sa orasan. It's almost midnight.
"Kakauwi niyo pa lang po?"
"Yes iha, I'm sorry kung di kita masyadong nasasabayan sa dinner. Busy lang talaga sa work si mommy." Lumapit siya sa'kin at hinaplos ang buhok ko.
"It's okay my, sa New York din naman po eh. Kaya ko naman po."
"My baby is really now a big girl. I'm so proud." Napangiti ako sa kanya.
Ofcourse mommy, I want to do everything. Kung pwede nga lang at hindi ko ikakapahamak. But I know my limitations kaya alam ko din ang mga hindi pwedeng gawin. I'm just wondering, pwede kaya akong mainlove?
"Cha, what are you thinking?" Napapitlag ako sa tanong ni Mommy. Gosh! Why I am even thinking of this?
"Nothing mom, I just feel sleepy." Ngumiti siya at hinalikan ako sa noo.
"I'm sorry, naistorbo ko pa ata ang magandang tulog nang baby namin." Napanguso ako.
I'm not a baby! I'm 16 years old. Baby pa ba yun! Yes, 16 na ako dahil natigil ako nang isang taon nang dahil sa sakit ko.
"Sige na, goodnight na. Oh! I mean good mornight! Just tell me when you are having a hard times at school, alright?" Tumango ako at hinalikan siya sa pisngi.
Now, how can I go back at my dreamland, again? Siguradong mahihirapan na akong makatulog. Kinuha ko ulit ang tab ko at nagsimulang magsurf. Binuksan ko ang aking I.g, konting puso sa mga followers. Retweet at likes naman sa tweeter. Natuwa ako nang mabasa ang tweet ni Psyche.
IamPsyche:
"I'm missing someone. . I can't even sleep. . Missy, I miss you so damn much! *sadface.RETWEETED!
Namimiss ko na rin siya pero mukhang hindi ko namamalayan ang paglipas nang araw dito. Binuksan ko rin ang aking facebook. Nagulat ako sa dami nang notifications nito. Iniisa-isa ko ang mga pangalan pero wala akong kakilala, tanging si Lala O'neal lang. Pero kinonfirm ko pa rin lahat. Hindi ako nakaprivate account kaya madami talaga ang friends ko.
Madami nang may sabi sakin na 'maganda naman daw ako at muntik na akong maniwala sa kanila. Pero nung nakita ko ang mga estudyante sa school lalong lalo na ang mga Freyans, natauhan ako bigla. Walang sinabi ang pouted kong lips sa natural na pink na labi ni Lala. Ang straight kong buhok na lagpas hanggang balikat sa napakahabang kulot-kulot na buhok ni Syrene. At ang mga matang bilugan ni Chrystal na kaparehong-kapareho nang mga malalamig na mata nang kapatid niya.
They we're so gorgeous at mapapansin mo agad ang mahahabang pilik mata nila dahil sa sobrang itim nito. Jeez! Kailan pa 'ko nagkaron nang ganito katinding insecurities? Napabalik ako sa realidad nang may mag'pop-out sa aking messenger. It's Lala.
Lala O'neal: Still awake, huh? Stalking someone?
Napakunot ang noo ko. Stalking? Yun siguro ang ginagawa niya ngayon.
Lala O'neal: Seen? Ouch ha!
Natawa ako at umiling. Nagtype ako nang reply.
Me: Crazy! Hindi ako nang iistalk! Ikaw ata eh.
Mabilis siyang nagreply.
Lala O'neal: Hindi kaya! Kachat ko mismo si Kiro! Kyaah! Kinikilig ako. Mygad. . .