Chapter Twenty-Five

325 15 2
                                    

Camping

Halos manginig ako sa lamig habang patungo sa school. Madilim pa at napakatahimik pa nang paligid dahil saktong alas-singko ako umalis sa bahay.

Nakahilera na ang mga Urvan at HiAce van sa loob nang aming school grounds nang makarating ako sa university. The higschool department are composed of six sections per year. Every sections naman ay binubuo nang 35-40 students kaya hindi na ako nagtataka sa dami nang sasakyan na nakapark sa aming school.

Sinilip ko ang aking phone at napangiti nang mabasa ang isang text message na inaasahan kong matanggap.

Krimen:

Hey! Saw your car, already.

Nagtaka ako sa text niya. Ngayon lang 'to at nakita niya daw ang sasakyan ko. San kaya siya banda? I don't think we can talk, siguradong laging nasa tabi niya si Chrystal. Walang ibang Freyan ang kasama namin bukod kay Syrene kaya siguradong silang tatlo lang din ang magkakasama.

Iniscroll ko ang aking phone at nag-init ang aking pisngi sa palitan namin nang text messages kaninang madaling araw. He texted me exactly at 4 a.m in the morning.

Krimen:

Morning. Wake up sleepyhead.

Unang mensaheng nabasa ko pagdilat nang aking mga mata. Nagmadali pa nga akong bumangon at magreply sa kanya kasi lumipas na nang 30 mins. 'yung text niya bago ko nabasa.

To Krimen:

Gud morning too! Sorry, nag-ayos pa aq papuntang school. Nu gawa mo?

Papasakay na ko nang sasakyan nang matanggap ko ang reply niya.

Krimen:

It's fine. You don't need to say sorry, though. Did you eat your breakfast?

Syempre, kinikilig akong nagreply sa tanong niya. Co'z I find it very caring, parang ang sarap niyang mag-alaga.

To Krimen:

Yup! Ako lang mga mag-isa sa dining table eh. Mom is still at her work. Ikaw? Anong ginagawa mo? Kumain ka na?

Naisend ko na ang message ko bago ko naisip na masyado naman yata akong mausisa. Asar, Chaera! Ang dami mong tanong!

Napabalikwas ako nang matanggap ko ang reply niya.

Krimen:

I already did. Dad doesn't allow us to skip our meals. You should eat a lot. Dapat sinabi mong mag-isa ka, sinamahan sana kita.

Di ko alam kung ilang beses akong pinagtawanan ni Tatay Teban dahil sa pagtili at pagtawa ko sa loob nang kotse. Gawd! Can you blame me? Nakakakilig si Chrime!

Nanginginig ko pa siyang nireplyan.

To Krimen:

Ayiee! Bolero! Madami naman akong naubos eh. I need some extra strength.

That's the last message he sent to me. Sunod na itong nakita niya na daw ang sasakyan namin. Lumabas ako nang sasakyan at inilagay ang aking mga kamay sa magkabilang-bulsa nang aking hoodie.

Ang lamig talaga!

Kinuha ni Tatay Teban ang mga gamit ko at sinamahan pa ko patungo sa aming silid. Doon kasi kami magkikita-kita bago pumunta sa assign van namin.

"CHAERA! GOOD MORNING!" Maligayang bungad ni Lala di pa man din ako nakakapasok sa loob. "Kumusta, ha? How was your scathed, huh? Napansin ba ni Tita?" Sunud-sunod niyang tanong.

Undying Heart (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon