A

326 7 1
                                    

Sa buong buhay ko ay akala ko madali kong makukuha ang lahat. Even with girls, akala ko rin madali kong makukuha ang babaeng magugustuhan ko. But fuck, Chaera is an exception.

Naisip ko ang picture niya noong bata pa siya. Siya pala 'yon, siya ang babaeng unang naging girlfriend ko. Tss! This is how the destiny plays, huh.

Sa nalaman kong 'yon ay lalo akong nagkaroon ng lakas ng loob para suyuin siya. I am damn serious about her. This time Chaera, I will really make my promise to you. Gagawin kitang girlfriend ko, for real.

Pero ang lahat ng 'yon ay naglaho pagkabalik ko galing Korea. Dad wants me to help him para magkaayos sila ni mommy. After the sport fest, he called me at nagmakaawang sundan ko siya sa Korea. I can't say no to my dad. My family is my first priority.

Matinding pag-aalala ang naramdaman ko ng malaman ang balitang inatake siya sa puso. I want it to flight back to the Philippines immediately. Gustong-gusto ko siyang puntahan kaya ng magkaroon ako ng pagkakataon ay mabilis akong lumipad pabalik ng Pilipinas.

Pero tatlong salita, ang halos dumurog sa puso ko. O kung totoo nga ba? Ngayon ko lang nalaman na literal palang naninikip ang dibdib kapag nasasaktan ka.

"We need to.. stop this." Pahayag niya na nagpagulo sa isipan ko.

Sinabi niyang gusto niya rin ako pero gusto niyang tumigil ako dahil gusto niyang maging kaibigan ang kapatid ko. I know, Chrystal is a little bit teritorrial pero hindi ko inaasahang siya ang magiging dahilan ng pag-ayaw sakin ni Chaera.

I tried to explain myself. Nag-ngitngit ako sa galit nang marinig na isa sa mga dahilan ng atake niya ay si Mariz. Did she set her up?

Bullshit! Bakit kailangan niyang umabot sa ganito?

"That's not my point here, Chrime. I can't take too much emotions. Your dangerous to.. me. Your too much. Nagselos lang ako pero inatake na'ko." Sa sinabi niyang 'yon ay natauhan ako.

Sa unang pagkakataon ay nakaramdam ako ng takot para sa ibang tao. Hindi ko ata mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya. Maybe she's right, I am too much for her.

But I don't understand her! Bakit kailangan niyang problemahin ang kapatid ko? I'm sure Chrystal won't touch her kapag nalaman niyang gusto ko ang babaeng kinakalaban niya. I am all ready to fight her in everything but she won't. Kahit handa mong ipaglaban siya hindi sapat ang nararamdaman niya para samahan ka sa labang 'yon.

Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang galit ko. Tanginang 'yan! Ni hindi niya man lang ako binigyan nang pagkakataon! Fuck it!

Nanginig ang aking kamay at halos maibato ko ang lahat ng gamit na mahawakan ko. I even punch our glass wall many times. Hindi ako makontento at gustong-gusto kong saktan ang sarili ko. I want to feel the pain physically. I can't take it emotionally.

"CHRIME!" Mabilis akong pinigilan ni Chrystal sa pamamagitan ng pagyakap sa aking likod. "What the hell? Anong nangyayari? Why are you acting like this?" Nag-aalalang tanong niya.

Halos manghina ako sa yakap niya. Ayoko ng pakiramdam na ganito. Ayoko nang subukan pa. Nakakadala ang walang kwentang pakiramdam na 'to!

Fuck! Why do I need to be this pathetic? This feeling not really suits me. Dapat ay pumirmi na lang ako sa kung ano ako noon.

"It's fine, dude. Ang mahalaga sinubukan mo. Atleast you won't regret this later. Siya pa ang magsisisi." Pinayong muli ni Ali ng mag-inuman kami minsan sa bahay nila.

Napansin ko ang pagkunot ng noo ni Kiro habang lalong lumalapit kay Ali. "Damn! Ano bang pinag-uusapan niyo? Chrime, bro! I thought I am your bestfriend here. Bakit kay matandang Ali ka nagsisikreto diyan?" Madramang sinabi niya.

Undying Heart (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon