Trying hard
"Sasamahan kitang magmall ngayon, Chicha." Napaangat ako nang tingin nang marinig ko ang sinabi ni mom.
"Why po?" Tanong ko habang umiinom nang mainit na tsokolate.
Kahapon ay di man lang ako nagkaroon nang pagkakataong makausap si Chrime. Lagi niya kasing kasama 'yong kakambal niya. Diniscuss din saamin kung anu-ano ang dapat naming gawin sa 'outreach program.
"We'll buy your things you need. Kailangan mong magdala nang mga importanteng bagay para sa pagpunta niyo nang Antipolo." Mommy explained.
"Kasama po ba kayo sa mga doctors na sasama samin sa weekends?"
Umiling naman siya. "Mga bagong doktora at intern ang sasama sainyo."
Pinagpatuloy namin ang pagkain hanggang sa matapos kami at nag-ayos para sa pagpunta sa mall.
I have my things listed on my notes. Kailangan kasi naming mamili nang aming personal na gamit. Kailangan rin nang first aid kit na madami naman sa bahay nun kaya hindi ako bibili. Magdadala rin ako nang groceries na ipamamahagi namin sa mga iilang mamamayan nang lugar.
Habang nasa sanitary section kami ay naisipan kong itext si Lala at magtanong na rin kung handa na ba siya para sa Sabado.
Ako to Lala:
Lala, morning. I'm at the mall ryt now. Nakapamili ka na ba nang mga dadalhin bukas?
"Anak, okay na ba 'tong mga tissues na 'to?" Tanong ni mom na ikinatango ko lang. "Let's go to the canned goods. Medyo marami-rami rin ang papamilhin natin." Dagdag niya at sumunod na lang ako.
Nang sa kalagitnaan na kami ay naramdaman ko ang pagvibrate nang aking phone. Napangiti ako nang makita ang pangalan ni Lala.
Lala:
OMO! SRSLY? Nasa mall din ako! Actually, nakita ko nga si Chrime with I don't know who. Kita tayo! Let's continue your mission!
Lala:
Hmmp... wait? Saang mall ka pala? Andaming mall sa Pilipinas eh. ':-)
Natawa na lang ako sa dalawang messages niya. Mabilis akong nagreply.
Ako to Lala:
'Yong mall malapit sa subdivision namin. Nasa supermarket kami para sa groceries na ikocontribute ko.
"After this, ano pang gusto mong gawin? Anong oras nga ba kayong aalis bukas?" Napalingon naman ako kay mommy habang itinutulak ang cart.
"Mom, ako na po." Agaw ko sa pushing cart na umaapaw na ang laman.
"Cha, okay lang ako. Let me handle this. Ako na ang pipila sa counter. Buti pa, maglakad-lakad ka muna. Sobrang haba nang pila oh. Itext muna lang ako." Mahabang sinabi ni mom.
"5 a.m po ay dapat nasa school na kami. Madami pa po kasing aayusin. Ilalagay pa yang mga groceries sa mga plastic at iseseparate pa po."
"That's a lot of work to do. Tandaan mo ha, wag kang magpapagod."
Ngumiti ako. "Ofcourse mom! Madami naman pong volunteer na sasama. Balita ko pa po pati 'yong mga staff nang iba't-ibang foundation nang mga Freyans ay tutulong din."
Tumango-tango si mommy. "I really like the Freyans with their good deeds. Ang dami nilang tinutulungan. Magpapatayo nga daw sila nang clinic sa mga piling probinsya."
