Distances
Maaliwalas at magandang umaga ang bumungad sakin pagmulat ng aking mga mata. Ilang saglit pa akong napatulala bago marealize na nasa Heart Rehab na pala ako.
Pumunta ako rito dalawang araw na ang nakakalipas. Pinayagan ako ni mommy at malungkot siya dahil hindi siya nakasama. Sayang daw kasi ang oras at ang trabaho. I know it, they're been doing this because of my upcoming surgery.
Our heart-surgeon says that if we can't find my heart donor immediately, I can undergo on a bypass surgery. Ooperahan lang para mapigilan ang mabilisang paglaki ng puso ko. It will take atleast a year. Ibig sabihin kapag opera lang ang isinigawa, isang taon lang ang itatagal ko?
Seriously? May taning na ba ang buhay ko? Next year pa naman ang 18th birthday ko. It's Feb. 10.. debut ko na pala? Siguro naman aabot pa ako dun.
"What are you thinking?" Nagulat na lang ako ng may biglang nagsalita sa gilid ko.
Ang nakangiting si Pysche ang bumungad sakin. Mabilis niya akong nilapitan at niyakap ng mahigpit. Nasa vacation siya pagdating ko kaya hindi niya agad ako napuntahan.
Natawa na lang ako.
"Oh God!! I can't belive this! You're really here! Infront of me! Omygad! I miss you!" Madrama niyang sinabi.
Humalakhak ako. "You're being o.a. I'd been here last vacation."
Kumalas siya ng yakap. Tila napagtanto ang sinabi ko.
I saw her pouted. Pinagmasdan ko siya at nagtaas ako ng kilay ng makita ang malaking pinagbago niya.
"You look like a hot-chic!" Ang Psyche na kilala ko ay simple lang kung pumorma. She likes wearing like a nerd one. But now, mukha siyang aspiring cheerleader.
Lalo lang siyang ngumuso. "Wait until you see Kelly. She's damn hot!"
"Looks like someone found a new best buddy, huh?" Pang-aasar ko.
Inirapan niya lang ako. "What? You're kidding me, right?" Disgusted show in her angelic face. "Iww! As in duh.. I still don't like Kelly. I just don't have a choice. She keeps on tailing me. She's very creepy."
Lalo lang akong natawa. "Why so defensive?" Tinampal niya ang braso ko.
"Having a heart failure doesn't mean I can't hit you." Nagtawanan na lang kami.
Tumayo ako sa hospital bed at nagpaalam na magbibihis muna. I hate wearing hospital gowns. Para akong nasasakal and besides staying here doesn't mean I'm at stake. Kagustuhan ko ang pumunta dito.
Si Psyche naman ngayon ang masinsinan akong pinagmasdan. Nagtaas siya nang kilay at humalukipkip.
"You change a lot." Maiksi niyang komento. "You look so cold and your aura is intimidating." Dagdag niya pa na ikinagulat ko.
"What?" Natatawa kong sinabi.
"That's what you learned from your friends, huh?" She emphasized the word friends literally with a long s.
Naalala ko si Chrime. I did not reply back at his text. Hindi sa nagagalit ako but for now, I want to think first about myself. I made my world only revolved at him. Si Chrime kasi 'yon. Haist! Saka ko na lang siya poproblemahin kapag ka maayos na ang sarili ko.
I've been experiencing a lot. Heartbreaks, hatred and bullying. Lahat 'yon naranasan ko na and all I want for now is to have a rest. I know that it's my fault though but I'm done blaming myself. Magpapahinga na muna ako.