Prologue

526 16 7
                                    

"Mommy, is everything alright?" Tanong ko sa mommy kung malalim ang iniisip.

"Cha, babalik na tayo nang Pilipinas. Natanggap na'ko sa hospital na inaaplayan ko. It's one of the biggest hospital in our country. They all says that this hospital has a hi-tech and complete facilities. Hindi daw 'to nalalayo sa U.S." Saglit akong natigilan sa sinabi niya. "Come to think of this Cha, matagal ko nang gustong makapasok sa hospital na 'yon. It's really famous. Kahit ang mga kilalang tao sa Pilipinas ay doon nagtitiwala. Marami rin silang successful doctors, halos lahat ay may magagandang credentials. Kung magtatrabaho ako dun, we might have a stable life. Makakapag-ipon tayo para sa araw na bawiin sa atin ang lahat. We can still provides your meds." Paliwanag pa niya.

She's into this and she's right.

It's almost how many years? I think almost 10 years of living here in New York, kahit isang beses ay hindi na kami umuwi nang bansa. I'm really glad to hear that, but I can't help but to feel nervous. Nasanay na ako sa simpleng pamumuhay dito sa foreign land.

"Are you sure, mom? Where are we going to live?"

"Iha, kailangan na nating gamitin ang bahay na ibinigay sa atin nang iyong Mamita. The caretaker says, it's getting old. Sayang naman yun, it's quite big and located at the most exclusive subdivision in the Philippines. We need to take care of it, magtatampo na ang Mamita mo. Baka multuhin pa tayo."

"How about schools, mom?"

"Cha, did you already forgot about your trust funds? Your Mamita provided you that before she passed away. Ang sabi niya'y kahit sa pinakamamahaling eskwelahan ka pa mag-aral. We can afford it."

"So, it's finally decided mom? Si dad, pumayag ba siya?" Nakangiti siyang tumango. Alright, wala na akong magagawa. I need to adjust myself.

My mom works in New York as a private nurse. She met our Mamita. She's an old-maid lady. Noong una ay nahirapan si Mommy sa pag-aalaga sa kanya. Sobrang tigas ng ulo niya at hindi rin siya nakikinig sa bawat sabihin ni mom. Wala na siyang pamilya, one time she confessed that her family left her. She's very uptight and strict. Kaya iniwan siya nang pamilya niya at pinabayaan. She's very rich, lahat nang kayamanan niya ay nasa Pilipinas. Sa sobrang pagtitiyaga ni Mommy ay lumambot ang puso nito.

They become so close na kahit ang mga ari-arian nito ay pinamana nang lahat. Kahit ako ay itinuring niyang tunay na anak. She gave all my needs and capriches. Very cliche, right? Ganun talaga eh.

Mommy never wants those things. Naghintay kami nang mga kamag-anak niya na i-claim ang mga ari-arian pero walang dumating. We tried our best. Communications, contacts and such pero ayaw nila itong tanggapin at kinamumuhian nila si Mamita nang sobra-sobra. Until Mamita died, naghintay pa rin kami pero walang dumating. So, she doesn't had a choice. Ipinangalan niya lahat kay Mommy. That's why we're very LUCKY.

My dad is a doctor too. Medicines run in our blood. May mga tita at tito akong physicists at chemists. But despite of everything, I am the UNLUCKY one. I have some heart failure. Maswerte pa rin ako at naabot ko na ang edad na ganito. Kaya nawalan na rin kami nang choice kundi ang gamitin ang ibinigay sa amin ni Mamita. I'm really not healthy pero hindi naman ako mahina tulad nang ibang may sakit. Nasusustentuhan kasi ako nang gamot araw-araw.

It's been a while bago ako inatake ulit nang sakit na ito. Nacurious ako kung ano ang feeling nang maglaro nang volleyball noon, kaya sinubukan ko. Ang galing kasi nang bawat player mag-spike. Pero wala pang ilang minuto nahirapan na akong huminga. That's why I never ever tried those outdoor games, masyadong delikado.

Mahirap talikuran ang mga nakagawian mo na. Kahit ang pagpapaalam sa mga naging kaibigan mo ay sobrang hirap din. But I can say NO to this. Kakailanganin din naman talaga naming umuwi sa bansang aming pinanggalingan.

"Chicha, I'm going to miss you so much... why'd you decided to go?... I can't accept this... you are so unfair... aren't you going to miss me? Why a-are you so cruel?..." Luhaan ang kaibigan kong si Psyche habang nagpapaalam ako.

"Missy, ofcourse I'm gonna miss you. My mom decided this thing. She's been waiting for the opportunity to work at this hospital. We can't turn this down. I'm so sorry, missy. We have skype and internets now, we can communicate at all." Ngumuso siya at tumango.

"I'm going to visit you every summer... mahal na mahal kita." Natawa ako sa pilit na tagalog niya.

Psyche is my bestfriend, siya lang ang ka-close ko sa buhay ko dito. She's a half american and half british. Nakakaakit ang mga mata niyang green. She's a typical cheerleader and a bitch. Naging malapit kami sa isa't-isa dahil nagpapakatotoo siya. Okay na 'ko sa isang kaibigan, less hassle, less problem.

I really wonder what will happen to me in that place. It is not like I am degrading our country but Philippines is one of those countries who are into bullying. I hate those kind of kids, they're a bunch of spoiled bratts. Sana lang wala akong maencounter na ganun sa school na papasukan ko. Sa hina nang puso ko, malamang hindi ko maipagtatanggol ang sarili ko. But I will try to, magsusumbong na lang siguro ako sa mga school personnels.

Number one target pa naman nila ang mga transferee. Well, based on the books I read. Then, biglang ipagtatanggol ka nang prince charming mo at magiging kayo. In the end, you will live happily ever after.

Fairytales, indeed.

"Passengers please all be ready. . We are taking off now in the Philippines."

I deeply sighed. Ano kaya ang mangyayari sa bagong buhay namin dito? I'd already adopted the westernized culture. Sana lang, lahat nang problemang kakaharapin ko ay malagpasan namin.

Vhie's note:

This story is unedited. Sorry for the typos, wrong grammar and so fort. Trying hard lang po ako sa English. Thanks sa pag-appreciate!!

Spread Love

Undying Heart (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon