Cold Hearted
Isang araw akong lumiban sa school. Pakiramdam ko kasi talaga pagod na pagod ako. Ayokong ipilit sa sarili ang mga bagay na hindi ko naman kaya. Kailangan kong magpahinga para hindi na manghina pa. I need to be strong for the sakes of my family.
"Sure ka na bang okay ka lang? Papasok ka na bukas?" Napangiti ako sa paulit-ulit na pagtawag ni Lala. Masyado siyang nag-aalala. Hindi ko alam kung paano nila nalaman. Pero pakiramdam ko may alam si Kiro sa nangyari sa amin ni Chrime.
"Yup. Papasok na'ko. I'm fine, Lala. Salamat sa pag-aalala."
"Baliw ka talaga! Hindi mo kailangang magpasalamat. I am your friend. Sige, ibababa ko na'to para makapagpahinga ka na. Byee.. see you.." And she ended her call.
Iniwasan ko rin ang sumilip nang soci-accounts ngayon. Nakakastress lang kapag may nakita akong mga post. Kaya pansamantalang di muna ako magiging active.
Isang magandang umaga ulit ang sumalubong sa akin. Kailangan ko nang pumasok baka grades naman ang bumagsak sa akin. Sapat na ang pagtulog ko maghapon, kahapon. Kayang-kaya ko nang harapin ang lahat. Urgh! Sana naman makaya ko, please..
Bumaba ako sa aming sasakyan nang marating ang Highschool building. Tahimik ang paligid at nakakapagtaka ang walang estudyante akong makita. Seriously? May pasok ba? Sa huling text naman ni Lala ay excited siyang makita ako. Kinuha ko ang phone ko at dinial ang number ni Lala.
Sa pangalawang ring nito ay isinagot niya naman. Maingay ang narinig ko sa kabilang linya.
"Lala? Where are you?" Nagtataka kong tanong.
"Chaera? Nasa school ka na ba? Nasa Alumni Hall kami. Mygod! Chrime already lost his mind." Nanlaki ang mata ko.
"What do you m-mean?" Kinakabahan kong tanong at dumiretso na sa Alumni Hall.
"Kahapon niya pa pinagkakatuwaan si Mariz at Suzanne. 'Yong girlfriend ni Ali, I mean ex-girlfriend. Hindi namin alam kung bakit."
May ideya na ako kung bakit pero gusto ko pa ring makasiguro. "Sige papunta na'ko." 'Yon lang at ibinaba ko na ang aking phone.
Nanginginig ang tuhod ko nang umapak sa entrance nang hall. Damnit! Nagtipon-tipon ang halos lahat nang estudyante. At halos lahat sila ay tutok ang atensyon sa video'ng nagpiplay sa gitna.
"Sabi ko na nga ba, ginagamit lang nila ang mga Freyan para sumikat."
"Oo nga, yang Mariz na 'yan! Akala mo kung sinong mahinhin. Slut pala!"
"Grabe, ano kayang nangyari at bakit ginalit nila si Chrime nang ganyan!"
"Naalala ko pa noon kung panu niyang ipagtanggol si Mariz. Damn! Riz Margareth is a slut and whore!"
Rinig kong bulong-bulungan nang mga estudyante. Nakita kong seryosog nanonood si Lala sa gilid nang hall. Kaya tahimik ko siyang nilapitan. Nagulat pa siya nang kinalabit ko.
"Anong nangyayari?" Bungad ko at napatingin na rin sa video.
"Si Mariz. Inoffer niya pala ang sarili niya para makapag-aral sa university. Tss!"
"What?" Nanlaki ang mata ko nang makita na lumuluhod si Mariz sa harapan ni Chrime at nakasuot lang nang underwears.
"Please Chrime.. I'll pleasure you every night and then.. I want to continue my study.." Punong-puno nang kalandiang sinabi ni Mariz.