Goodbyes
Everything goes so fine and smoothly in the next following month. Chrime never forget about our monthsary. Lagi na siyang may nakahandang surpresa para sakin.
Nagdala siya ng basket na punong-puno ng pagkain at kumain kami sa rooftop ng highschool building. Nag-hesitate pa nga akong pumunta dun dahil naalala ko 'yung nadatnan kong eksena niya kasama 'yung babae.
Gawd! For pete's sake they're having an one night stand. Night? Hindi naman night 'yun eh. Okay, one day stand?
But then again, Chrime does change. Ang sabi niya nama'y noon lang 'yun dahil hindi niya pa ako lubos na nakikilala. He even admit that I captured his attention the day we first met but he can't just believe and keeps on denying it. It's also the reason why he tried a lot of girls para ma-divert ang atensyon niya sa iba at balewalain ang damdaming bago sa sarili niya. See? Nakakakilig nang sabihin niya sakin 'yun. All I thought is ako lang ang nahumaling sa kanya nung una ko siyang nakita.
But maybe, that's what we called connections. We already met when we are young and now that we met again, there's a familiar feelings that catch ourselves from looking at each other eyes. Narinig ko pa lang ang pangalan na Chrime that sounds like Krimen ay may kutob na talaga akong kakilala ko siya.
One month after I knew that CX has illness ay every weekends na akong pumupunta sa park para makausap siya. Hindi ko siya nadadatnan dun. Maybe, he's busy healing his self. Ilang beses ko din siyang tinawagan pero out of coverage ang number niya.
Sa sunod pang Sabado ay nagbaka-sakali ako. One week na lang ay mag-sesembreak na. I don't know what's our plan. My daddy wants me to come back in New York for atleast one week. Pero pag-iisipan ko pa, I still want to know what is Chrime plan about the vacation.
Tahimik kong inilibot ang aking paningin at napangiti ng matanaw ang nakaupong si CX sa dati niyang inuupuan.
Dahan-dahan akong lumapit sa kinaroroonan niya. Nang makalapit ako ay tinakpan ko ang kanyang mga mata.
"Shit." I heard him cussed. Napangisi ako. "Stop it. Let go of me. Sino ka ba?"
Inalis ko ang aking kamay at humarap sa kanya. "CX." 'Yun lang ang nasabi ko.
Kumunot ang noo niya. "Do I know you, Miss?" Nawala ang ngiti sa aking labi dahil sa narinig. WHAT? "Sorry pero hindi kita kilala." Dagdag niya na nagpanganga sa akin.
Seriously? Paanong hindi niya ako kilala? Ako ba niloloko niya?
"CX, what the hell? I am your friend! Wag mo nga akong pagtripan!" Sinuri ko siya ng tingin at ganun na lang ang panlulumo ko ng mapansin ang pagiging estranghero ng pagkatao ni CX.
He really looks so strange.
"Sorry, miss ah. But I don't have friends so maybe I didn't know you."
Natigilan ako ng maalala ko ang sakit niya. May tendency ba ng pagkakaroon ng amnesia ang may brain tumor?
"CX naman. I'm Chaera, kaibigan mo ako. Calix Genesis Alcomendas." I emphasize his full name but his reactions never change.
"Miss, I'm sorry but I really don't know you. Mabuti pa ay umuwi ka or leave me alone." Malamig niyang sinabi.
Muli ko siyang tinitigan. "Are you having some kind of amnesia? Hindi ba ay brain tumor ang sakit mo?" Naluluha akong nagtanong.
Why does he need to forgot me? Hindi ba ay kaibigan niya ako? Iilan na nga lang silang kaibigan ko, itatanggi niya pa ba ako?
Nanlaki ang mata niya sa narinig. "H-How did you know?" Hindi makapaniwalang tanong niya.