Tricked
"Krimen.." Naibulong ko at napamulat nang mata.
Sumalubong ang mataas na sikat nang araw at malaking tulong ang mararambong na dahon na siyang tumatakip sa amin. Naalala ko ang aking panaginip.
Hindi ko maintindihan! Anong ibig sabihin nang panaginip na 'yon? Naalala ko ang mga panahong 'yon pero bakit..
Mabilis na nilingon ang ngayo'y nakatitig saking si Chrime. "You finally remembered it." Hinaplos niya ang aking buhok at mula sa pagkakasandal sa kanyang dibdib ay mabilis akong napatayo.
Hindi ako makapaniwalang tumitig sa kanya. Paano nangyaring siya? Siya ba talaga yung batang nakilala ko?
"It's hard to believe, right?" Tumayo siya at pinagpagan ang sarili. Isinuklay niya rin ang kanyang mga daliri sa kanyang buhok. Tila slow mo naman sa paningin ko at literal akong napanganga. Kung wala lang sanang gasgas sa kanyang pisngi at maliit na hiwa sa kanyang noo.
Napalunok ako. Patay kang Chaera ka!
Narinig ko ang mahinang pagtawa niya kaya napalingon ako. Nagtaas siya nang kilay at lumapit sakin. Kinuha niya ang aking dalawang kamay.
"I want to show you something." Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi nang inilapit niya ang kanyang mukha.
"H-Hoy! Hoy, C-Chrime! A-Anong ginagawa mo?" Utal-utal kong tanong nang inilagay niya sa ilalim nang kanyang damit ang aking kamay. Nanginig ang aking tuhod at nanlaki ang aking mga mata. "C-Chrime, ano ba!! Bitiwan mo 'ko! What do you think y-you're doing?" Napapikit ako nang dumapo ang aking kamay sa matigas niyang tiyan. T-Tiyan?
Abs! Pakshet!
"You're blushing." Ngiti niya at pilit kong inagaw ang aking mga kamay.
Damn! Susmaryosep! Hindi ko 'to inexpect! Aatakihin ata ko.. Gracious!
Pinaglakbay niya papataas ang aking mga kamay patungo sa kanyang dibdib. WHAT THE?
Kokontra pa sana ako nang bahagya niya itong pinahaplos. Oh God! Is this heaven?
Umihip ang hangin at nanindig ang balahibo ko sa tigas nang kanyang dibdib. Napapikit ako hanggang sa maramdaman ko ang parang kakaiba sa kanyang balat. Napadilat ako nang mata at napatitig sa kanya.
"This is the scar I'd got from the heart operation." Napatulala ako sa gwapo niyang mukha. Naramdaman ko ang mahabang peklat nang sugat sa gitna nang kanyang dibdib. "Kaya sa murang edad ay pinayagan na ako ni mom na magpalagay nang tattoo. My tats hide my scar. Wanna see it? Hmmp..? Say something, sweetie." May pilyong ngiti sa kanyang mukha kaya mabilis kong hinila ang aking mga kamay sa loob nang kanyang shirt.
Mabilis akong umiling. Kahit nakakatempt ang sinabi niya wag na! Gawd! Aatakihin na talaga ako.
"K-Kung ikaw yung batang nakilala ko. B-Bakit sobrang laki nang pinagbago mo? And paano mo nalamang ako 'yung batang babae sa hospital?"
I heard him sighed. "When I first came to your house. I saw your childhood pictures same as the little girl I'd met in the hospital. Well, I already fell it the day I first met you. The day you saved my sister. Doon pa lang may pakiramdam na akong kilala kita. But I just don't mind it until I saw your pictures and I've got the chance to know you better. And I didn't change. Nagbago ba ako? Ang sabi nila Kiro isang malamig na puso raw ang ipinalit sa batang puso ko noon." Mabahang paliwanag niya na nagpatulalang muli sa akin.
I don't know what to say!
Lumapit siya sakin at hinaplos ang aking pisngi. Sinalubong ko ang matiim niyang titig. "Did you kept my letter? My necklace? Huh? Girlfriend?" He whispered at halos maduling na ang aking mata sa lapit nang kanyang mukha.
