Blurry Dream
Nanginginig akong napahawak sa isang matayog na puno. Oh God! San banda ko hahanapin dito si Chrime? Tinanaw ko ang aking pinanggalingan at nanlumo ako nang makita ang madilim na lugar. Hindi ko na rin alam kung paano ang makabalik sa taas na 'yon.
Oh God! Chaera, you want to kill yourself!
Dumiretso na lang ako sa baba para maghanap nang tindahan at makabili man lang nang tubig na maiinom.
Ilang minuto pa akong naglakad at napabuntong-hininga ako nang makita ang mga ilaw na nanggagaling sa kabahayan nang lugar. Thank God, I reach the downtown area.
Nagpahinga akong saglit bago nagpatuloy. Hindi tulad nang sa syudad ay tahimik ang lugar. Tulad nang mga nadaanan namin papunta dito ay sinisimulan pa lang itayo ang mga building dito.
Sa paglakad-lakad ko ay may nadaanan akong tindahan. Natigilan ako nang marinig ang apat na lalaking nag-iinuman sa harapan nito. Nakaramdam ako nang kaba nang sabay-sabay silang mapatingin sa akin.
Oh shit! This is bad!
"Wow, pare! 'Yong diwata nang bundok ay bumaba." Lasing na sinabi nang lalaking kalbo.
Napangiwi ako at unti-unting umatras.
"Pare, isa siguro 'yan sa mga estudyante na nagsagawa nang program kanina. Pare, jackpot 'yan. Yayamanin 'yan." Sabi naman nang isang puno nang balbas.
Mabilis akong tumakbo pabalik nang nagsimula na silang lumapit sakin. Oh God! Kailangan ko nang tubig. Shit! Kakapusin ako nito!
"Wag kang tumakbo, iha. Kahit saan ka pa magpunta, maabutan ka namin." Sabay-sabay silang nagtawanan at lalo akong kinabahan.
Nagsimula nang tumulo ang luha ko at wala na akong ibang makita kundi ang nagdidilim na paligid. God! Chaera! Calm down! Kung iiyak ka ay lalo kang mahihirapan.
Bago ako pumasok sa gubat papaakyat sa camping site ay nagpahinga muna ako sa isang puno. I need to stop! Pero masusundan nila ako. But I need to rest dahil hindi ko na talaga kakayanin kung magpapatuloy ako. Napapagod na ako at bumibigat na ang hininga ko.
"Pota! Nandiyan ka lang pala!" Nanlaki ang mata ko nang palibutan ako nang apat na lalaking humahabol sakin.
"W-Wag po.. maawa k-kayo sakin.. ano pong kailangan n-niyo?" Nagsimula na akong mataranta at halos idikit ko na ang aking katawan sa puno na aking pinahingahan.
Sabay-sabay silang tumawa. "Iha, h-hindi kami baliw para s-saktan ka. P-Pagkakakitaan ka l-lang namin. Kaya wag ka nang magpumiglas at tumakbo pa. S-Siguradong napakayaman nang mga m-magulang mo." Lasing na sinabi nang isa pang lalaki na may malaking tiyan.
Shit! Bagsakan ba talaga ako nang kamalasan? No! No!
"M-Milyon-milyon ang halaga nang batang 'yan. Igapos niyo na at nang madala natin sa bahay."
Nanginig ang katawan ko at hindi ko na talaga alam ang gagawin. Matinding takot ang bumalot sakin lalo na nang maglabas nang isang patalim ang lalaking hindi pa gaanong lasing.
"N-no! D-Don't touch m-me po. H-Hindi po m-mayaman ang m-magulang ko. P-please... po m-maawa na k-kayo.." Napapikit ako nang maramdaman ang magaspang na kamay nang lalaking kalbo. "P-Please po wag n-niyo kung h-hawakan..." Nahihirapan na akong huminga at unti-unti nang bumibigat ang aking mga mata.
"Dahan-dahanin mo ang paghawak sa batang 'yan pagnagkasugat 'yan ay baka maantala pa ang pagyaman natin." Narinig kong sinabi pa nang isa.
