Chapter Three

258 18 1
                                    

Chrime

"Ano? Do you still remember their names?" Makulit na tanong ni Lala makalipas ang tatlong araw. Hindi ko namalayan na mag-iisang linggo na kaagad ang lumipas.

Sa totoo lang mahina talaga ako sa mga pangalan. Tss. It's not my fault, hindi ko rin alam kung bakit.

"Sige nga, let's see. Maya-maya lang ay dadaan dito ang ibang grade 11 and 12. Ituturo ko sa'yo 'yong ibang lalaki sa cafeteria tapos sasabihin mo 'yong pangalan." Tumango ako. Kasalukuyan kasi kaming nasa gilid nang field at nakaupo sa isa sa mga benches na nasa lilim nang malaking puno.

Hinayaan kaming lumabas muna nang room. Pinatawag kasi nang Dean 'yong mga major-subject teachers kaya pinagbigyan kaming lumabas dahil ang kasunod nama'y snack time na.

"Oh, there! Sino 'yon?" Excited siyang nagtanong sabay ang turo sa pinakamatangkad na lalaki noong isang araw. May kaakbay siyang nerd at balot na balot ang suot. Naalala ko tuloy 'yong usapan nila tungkol sa 'typical nerds. "What's with him and those nerds? Siya lang ata ang nagjojowa nang manang sa kanila?" Bulong-bulong niya kaya napahalakhak ako.

"A-Ali, hmp. Ali what? Basta something na ganun." Natatawa kong sagot. Ngumuso siya at mahina akong pinalo. Di ko tuloy mapigilan ang matawa.

"Kiox Ali Santos. Tsk! Palibhasa kasi si Chrime lang ang tinandaan mo."

"Oii! Hindi ah! Kaklase kasi natin siya at a-ano, amm.." Kinagat ko ang labi ko.

"Anong hmm? Don't worry I feel you. Hindi lang ikaw ang nag-iisang nagkakagusto diy-"

"Hoi! S-sinong may sabing gusto? H-hindi ah, paghanga lang naman." Umiling-iling si Lala sa sagot ko.

"Try to depend yourself when you're ready enough without hesitations and no stutterings. You're even shaking, girl." Halos humawak na siya sa tiyan niya sa kakatawa. Uminit bigla ang pisngi ko. Gosh! Lalo pa siyang natawa. "You know what, I really like him before." Nagulat ako sa sinabi niya. Tumawa na naman siya sa reaksyon ko.

"Seriously?"

"Oo nga, madami kami." Natatawang sagot niya. "Last year naging groupmates namin siya. Wala siyang pakialam man lang sa ginagawa namin. He's so cold but once he speak, parang bawat salitang binibitawan niya ay batas. Lahat dapat sundin, I tried my best to notice by him but I'd always failed. Tanging si Chrystal lang ang malapit sa kanya. Pwede din namang sila Sai, Zia at si Tip. Pinsan niya 'yon eh. Once a week siya magpalit nang girlfriends, ang sabi nila fuck buddies lang 'yon. Lahat naman sila, iba nga lang talaga si Chrime. Hindi niya na kailangang pumorma. Lagi ngang nagagalit ang mga kapatid nilang babae pero wala din naman silang magawa at di nila mapigilan."

"What did you do to noticed him, before?"

Nilingon niya ako at ngumiti. "Wala. Normal na pagpapapansin lang. I like Chrime before but it's just like that. Inlove ako kay Kiro." Walang hiya-hiyang pag-amin niya.

"Totoo?"

Tumango siya. "Sa kanya ako nagfofocused ngayon." Humalakhak siya, hindi ko tuloy alam kong seryoso ba siya sa sinasabi niya.

Tumayo na kami at pumunta nang cafeteria. Hindi na namin ulit nakita ang mga Freyan sa loob nang kainan simula nang unang pasukan. Ang sabi ni Lala ay di daw talaga sila kumakain dun dahil may sarili silang building. Tree House ata na nakatayo sa likod nang Junior Building. Hanggang ngayon din ay hindi ako kinikibo nang dalawa kong katabi. Kahit maingay si Syrene o tinatawag nilang 'Sai ay lumalapit siya kay Chrystal at nag-uusap sila. They really not that friendly.

Undying Heart (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon