Meds
Mabilis na lumipas ang panahon hanggang matapos namin ang isang taon. I spent my whole vacation in New York. Bumalik ako dun para magpahinga, I never thought that coming back there will really help me from all the problem I'd encountered.
Napangiti ako nang pumunta ulit sa park na lagi kong tinatambayan. It's only just two-months that I left the country at hindi ko maiisip na sobra ko 'tong mamimiss. Despite of everything happened.
Nagulat ako nang may biglang tumakip sa aking mga mata hindi pa man din ako nakakaupo sa damuhan. Natawa na lang ako nang maamoy ko ang pamilyar niyang pabango.
"You jerk! Bitawan mo nga ako, CX!" Asik ko at mabilis niya naman akong binitawan.
"Ang daya naman. Nakilala mo kaagad ako?" Hinarap niya ako at ginulo ang aking buhok. "Ano? Bakasyon ka! Asan ang pasalubong ko?" Makulit niyang tanong na nagpatawa sakin.
"Ewan ko sa'yo! What do you want? Chocolates?"
Umiling siya. "Ang dami niyan sa duty free." Tumawa ako. "I want something other than that but as sweet as a chocolate." Nagtaas ako nang kilay sa pagiging seryoso niya.
"Like what?" Tinitigan niya ako at bahagyang ngumuso. Kumunot lang ang noo ko. "Say it directly!" Hindi siya nagsalita sa halip ay lalong humaba ang nguso. Itinuro niya pa ang kanyang labi at nanlaki ang mata ko nang marealize ang ibig niyang sabihin.
"Kiss! I want your kiss!" Inilapit niya ang seryosong niyang mukha sa akin.
"Gago! Wag mo nga akong binibiro! Baliw!" Mabilis akong tumayo at lumayo sa kanya.
Nag-init ang pisngi ko nang marinig ko ang malakas niyang pagtawa. Wala na akong nagawa kundi ang paluin siya sa kanyang braso na lalo lang nagpatawa sa kanya.
"Abnormal ka talaga! Ewan ko sa'yo, CX! Wag ka ngang nanloloko!" Halos isigaw ko sa mukha niya.
Hinuli niya ang aking pala-pulsuhan at hinila ako papalapit. Umirap ako nang makita kong pinipilit niyang magseryoso habang pinipigil ang tawa. "Paano mo nasabing hindi ako seryoso, ha? What if I'm really serious? And I really want your kiss, huh?" Muling sinabi niya na nagpatayo ulit sa akin.
"Ewan ko na talaga sayo, CX! Baliw! Psychopath!" Natatawa kong sigaw at nagkunwaring iiwanan siya.
Bago pa man ako makahakbang ay narinig ko na ang malakas niyang pagtawa. Umiling na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.
"Hey, Chaera! Nagbibiro lang ako!" Narinig kong sigaw niya pero mabilis akong naglakad papalayo.
Tumawa ako nang marinig ko siyang nagmumura habang hinahabol ako.
"Damnit, Chaera! Hindi ka mabiro eh!" Ramdam kong malapit niya na akong maabutan. Lalo ko pang binilisan ang paglalakad hanggan sa makalabas ako nang park.
Saan na ba ako pupunta? Nilingon ko si CX pero nagtaka ako nang wala na siya sa aking likuran. Where the hell he is? Luminga-linga ako at nagkunot nang noo nang wala akong maaninag na anino niya. Asan na ba siya? Babalikan ko na sana siya sa park nang may biglang humila sa aking braso at niyakap ako.
"Tss. Nagbibiro lang ako, bilis mo namang mapikon." Bulong niya bago ko siya mabilis na itinulak. What the? Masyado na ata 'tong nagiging clingy!
"Baliw ka kasi!" Irap ko.
Tumawa lang siya. "It was a big joke, Chaera! Sige na, ilibre muna lang nga ako! Kahit diyan lang sa may mini-stop! Ginugutom ako eh!" Umirap na lang ulit ako nang maramdaman ang kanyang pag-akbay.
