Chapter Thirty-one

280 8 0
                                    

Dark side

Isang linggo na ang lumipas nang magtapat si Chrime sa buong highschool dept. Ilang araw na rin akong iniiwasan nang mga estudyante. As in literal na iwas. Hindi ko alam kung may nakakahawa ba akong sakit pero kapag paparating ako ay lumiliko yung mga estudyanteng makakasalubong ko, minsan naman ay yumuyuko.

Nakakatakot ba 'ko?

Tahimik akong pumanhik sa aming palapag. Asar naman 'tong mga 'to! Tss!

"Morning, Princess Chaera!" Napasimangot ako sa maingay na pagbati ni Lala. Nasa railings siya sa harap nang room namin.

"Princess my ass." Umirap ako na ikinatawa lang niya.

"Bakit parang takot sakin 'yung mga estudyante? Alam mo bang nakakainis 'yung biglang magbubulungan tapos pagnakita ako ay aalis naman." Reklamo ko habang nakisandal na rin.

"Haist! Did you already forgot? Your boyfriend warned everyone not to be close to you? Sabi pa nga niya ay wag na wag niyang mahuhuli na tinitingnan ka. Seriously? Over possesive! Pero keri na, ang hot niya." Nangingisay na paliwanag ni Lala.

Umirap na lang ako. Bakit ba kasi nasabi ni Chrime 'yun? Haist! Di bale na nga! Di pa rin ako makaget-over dun sa ginawa niya sa ball. Gaahh!

Pumasok kami sa loob nang room at eto na naman yung pakiramdam nang kinakabahan. Tulad nang assigned seats namin ay nasa gitna pa rin ako ni Chrystal at Syrene.

Parang kahit paghinga ay pinipigilan ko na.

"Good morning everyone. Before we celebrated our foundation day, tumigil tayo sa reportings." Pahayag nang sub-teacher namin sa physics. Kinuha niya ang class record niya at binasa ito. "Almost everyone here represented their reports except to you Ms. Fortuno." Nanlaki ang mata ko at binalot ako nang kaba.

Oh Gawd! Ayoko talaga nang ganito. I lack of confidence. Dahan-dahan akong tumayo.

"Well, I think reporting can't cause you a heart attack, right?" Tanong niya.

"Yes po Mistress." Sagot ko naman at yumuko.

"Alright then, prepare your report on Monday. I'll send the details in your email address. Also class, prepare for the questions that you want to ask on Ms. Fortuno about the topic." Kalmadong sinabi ni Maam Jill. "You may now take your seat, Chaera." Muli ay yumuko ako bago naupo.

Buong maghapon nang umiikot sa isip ko ang tungkol sa pagrereport ko next week. Kahit matagal pa naman ay kinakabahan na ako. Kainis! Bakit ba kasi sa physics? The number itself hate me so much. Nakakahilong ipaliwanag ang mga formula na nakapaloob sa libro. Sa sobrang dami nila eh, nakakatamad nang magbasa. I'd rather study biology than this subjects. Ang complicated masyado.

"Hoy! Babae! Lutang bhe? Nakadrugs ka ba?" Makulit na tanong ni Lala habang kumakain kami nang afternoon snacks.

Hindi ata nagparamdam si Chrime ngayon?

"Kasi.. nakakaasar yung report-report na 'yan! Sobrang hina ko sa mga bagay na 'yan eh. Nahihiya rin akong humarap sa mga kaklase natin."

Tumawa si Lala. "Ayown! Kala mo porket boyfriend muna ang anak nang may-ari nang school eh, exempted ka na sa school activities. Hala siya! Walang ganun oy!"

Natawa na rin ako sa sinabi niya. "I thought it's one of the priveleges." Sakay ko sa biro niya.

"Aba! Ako nga eh girlfriend nang napakagwapong si Kiro hindi exempted. Ikaw pa kaya?" Nagtawanan kami ni Lala. "Kaya mo 'yan. Patulong ka kay Krimen mo, magaling siya diyan."

Undying Heart (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon