Chapter Thirty-five

245 8 0
                                    

Leaving

Napatayo ako at di ko alam kung saan ako magtatago. Omygad, Chaera! Nakakahiya! Ano na lang ang iisipin nang daddy niya?

"Dad, I don't. Siya pa lang ang dinala ko dito." Natigilan ako sa narinig kay Chrime. Hindi na ako nakakilos hanggang sa pumasok na sila sa dining area.

His dad is so dominant wearing his business attire. His dark blue suit and a formal slacks. His tie and white longsleeve are very well-presentable.

Gwapo talaga ang daddy ni Chrime, no wonder why his twins are so breathtakingly gorgeous.

Bumaling sakin si Chrime. "Your done?" Nilingon niya ang aking plato. "Hindi mo inubos." Malamig niyang sinabi.

Napalunok ako.

"Finish your meal, iha. Don't mind me." Tamad na sinabi nang daddy niya.

Saka lang ako natauhan at yumuko sa harap niya. "M-Magandang umaga- este hapon po pala." Labis-labis ang kahihiyang nararamdaman ko.

Tumango si Tito Christof. "Kumain ka na ulit." Bored niyang sinabi at kinuha ang envelope na hawak ni Chrime kanina.

"Nakalimutan mo ba 'yan dad?" Muling umupo si Chrime sa aking harapan.

"Yeah. Anyway Chrime, your mom wants to visit Korea again. Would you mind if you join her? Kahit ihatid mo lang." Di ko maiwasang matigilan sa sinabi ni Tito.

Aalis si Chrime?

"How about my study?" Tanong kaagad ni Chrime. Oo nga, may pasok pa kami.

Sabay naming nilingon ang daddy niya. Grabe talaga 'to para lang siyang old version ni Chrime kahit ang mukha niya laging blanko.

"Hmmp.. that's new. Hindi ka kailanman naging concerned sa pag-aaral mo. Umaalis ka kung kelan ang gusto mo. Now, it's different, huh?" Umiling siya at napabaling sakin. "This is because of you. Chaera, is it okay if Chrime will leave the country in two days? Ayokong bumiyahe ang mommy niya nang mag-isa. If my choices lang ako, ako na lang ang sasama." Laglag ang panga kong nakaharap sa kanila.

Bakit ako?

Nahihiya akong umiling. "W-Wala naman po sakin kung aalis si Chrime nang saglit."

Tumawa ang daddy ni Chrime. Nagmumurang nagpakita na naman ang dalawang dimples nito sa pisngi. "Ouch." Nagtaka ako sa mapang-asar niyang ngisi.

Nilingon ko si Chrime at nakitang matalim ang titig sakin. What the? Anong nagawa ko?

"Chrime, you know your limitations, right?" Ngayon ay malamig na naman ang boses ni Tito Christof.

Tumango si Chrime. "I won't do that, dad." Simpleng sagot nito.

Ano namang pinag-uusapan nila?

Tumayo na ang daddy niya at uminom nang tubig. "Go home early. We'll talk about this matter." Tumingin siya sakin at tipid na ngumiti. "I can see my own self at my son. Chaera, mauuna na ako. After you finish your foods, pahatid ka na kay Chrime. And Chrime, don't leave any mess in my place." Tinapik niya sa balikat si Chrime bago kami tinalikuran.

Tahimik na kumain si Chrime kaya ay tumahimik na rin ako. Ano ba 'yan! Ang awkward na naman.

Ilang sandali pa ang lumipas hanggang sa masimot ko na ang pagkain ko pero nanatili pa ring tahimik si Chrime. Now what? Ano bang problema niya?

"Are you done?" Napabalikwas pa ako sa biglaan niyang paglingon.

Natataranta akong tumango. Tumayo siya at kinuha ang pinag-kainan ko. Dinala niya ito sa sink , kasunod ay kinuha niya rin ang baso na ininuman ko bago dinala ulit sa sink at sinimulang hinugasan. Habang ginagawa niya 'yon ay tahimik lang siya at ni hindi niya ako nilingon.

Undying Heart (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon