He's mine
"I hate you! Lagi muna lang kasama 'yang mga Freyan na 'yan!" Natatawa ako sa maagang pagdadrama ni Lala sa harapan ko. She rolled her eyes and cross her arms.
"Ikaw din naman diyan ah! You're always busy this past few days. Ano bang pinagkakaabalahan mo?" Umiwas siya nang tingin at nagpout.
She's so cute!
Nitong nagdaang araw ay lagi nga siyang busy. Hindi na siya nakakasabay sakin sa pag-snack kaya madalas ay si Ross ang kasama ko. Tumatambay kami sa library. Wala akong ibang maramdaman kundi ang mamangha sa kanya dahil halos isaulo niya ang isang libro sa loob nang isang linggo.
"Kahit na! Ang daya mo pa rin!" Napansin ko ang pamumula nang pisngi niya habang pilit na nagtatampo sakin.
Napailing ako.
"A'ryt! What do you want me to do?" Nanliit ang mata niya at muling umirap.
"Sabay tayong mag-snack!" Tumawa ako. 'Yon lang pala.
"Sure!" Kaagad niyang ikinawit ang braso sakin at lumabas kami nang room.
Hindi ko naman masyadong nakakasabay ang mga Freyan. Minsan ay si Chrystal lang at Syrene. Si Zia kasi at ang iba pa ay may kanya-kanya ding pinagkakaabalahan. I don't know what, pero mukhang 'lovelife 'yon.
Napag-alaman ko rin na sila Chrystal pala 'yong nangunguna sa pinakamataas at makapangyarihan sa school. Venice Chrystalyn Narciso Freyan and her twin brother Vandrick Chrime Narciso Freyan. They're the most elites students of the university.
Sila ang Empire successors!
Ang sabi ni mommy ay may kakaibang talinong taglay daw ang magkapatid lalo na si Chrime. He's a prodigy. But the families keeping this as a secret. Halos lahat nang bagay, galaw o kilos ay kaya niyang kalkulahin. Walang nakakaalam kung hanggang saan ang limitasyon nang utak niya. But he seems to live in a normal life. Hindi ko naman napapansin ang pagiging active niya sa school lalo na sa academics. Most of the time ay nalilingunan ko siyang nakayuko at walang pakialam. Ang sabi nila ay natutulog lang daw siya sa klase. Namana niya daw ang mga kakayahang 'yon sa mommy niya.
Si Chrystal nama'y sadyang matalino lang. She's normal who just love to read and study kaya nangunguna siya sa school. Ang sabi naman ni Syrene ay hindi subsob kung mag-aral si Chrystal, she just have this super photographic memory kaya normal na matalino siya. Hindi ko alam kung anong meron sa kakayahan nila pero nakakamangha at bilib pa rin.
"Here." Nagtataka kung nilingon si Lala habang inaabot sakin ang isang bond paper.
"Ano 'to?"
"DUH! Form 'yan sa magaganap na Sport Fest ng school. Anong laro ang sasalihan mo?" Umupo kami sa madalas naming tambayan. Iniihip ang buhok ko nang preskong simoy nang hangin.
Binasa ko ang form na hawak ko. Ano namang ilalagay ko dito? I'm not allowed to join any of this sports. Hindi ko pa pala nakwento kay Lala ang tungkol sa kondisyon ko.
"I'm not gonna participate in our sport fest. Lahat naman 'to ay nakakapagod eh." Simpleng sagot ko habang pabalik-balik na binabasa ang mga available slots. Puno na ang cheerings, basketball, volleyball, swimming at soccer team.
Tanging natitira na lang ay ang archery, arnis, taekwondo at martial arts. Nadapo ang tingin ko sa tatlo pang choices. May nakalagay na 'elithians sports? Ito ay binubuo nang shooting range, horse backriding at golf.
Seriously?
"Ikaw? Anong sa'yo?" Tanong ko ulit kay Lala. Nilingon ko na ito nang di siya sumagot. Napailing na lang ako. Nangingiti pa siya habang panay ang kalikot nang kanyang phone. Pulang-pula na ang pisngi niya at kunwari'y pinaypayan ang sarili gamit ang kamay. "HOY!" Gulat ko rito at halos matawa ako nang muntik pa niyang mabitawan ang phone.
