Chapter Thirty-three

240 8 1
                                    

Distance

Ilang beses ko nang pinukpok ang ulo ko para magising sa pagkakatulala. Nagiging dysfunctional ata ako ngayon. Wala ring pumapasok sa utak ko kahit ilang beses ko nang binasa ang irereport ko. Kinuha ko ang makukulay kong gamot at isa-isang ininom.

Mas marami pa yatang oras na natutulala ako.

"What's wrong, Chae?" Nagulat pa ako sa biglaang pagsulpot ni Lala.

"K-Kanina ka pa diyan?"

Inirapan niya ako. "May problema ka ba?"

Naisip kong ikwento kay Lala ang nangyari kahapon at kahit ang pagpunta ni Chrime sa condo ni Mariz. Nanatili siyang tahimik habang nakikinig.

"H-Hindi ko alam, Lala eh. Akala ko handa ako sa ganito. Pero b-bakit konting problema lang, naduduwag na naman ako." Nangilid na naman ang luha ko.

"Sabi ko naman sa'yo hindi ba? Hindi sa lahat nang oras ay laging masaya kayo. Pero Chae, you need to ask him. Hindi pwedeng ganito. Hindi pwedeng bigla muna lang siyang iiwasan. Hindi niyo 'yan masosolve kapag hindi niyo mapag-usapan." Seryosong sagot ni Lala.

"Natatakot lang ako, Lala. Ngayon ko lang 'to naranasan. What if mahal ni Chrime si Mariz? What if may special siyang puwang sa puso ni Chrime? What-"

"Stop it, Chaera." Natigilan ako sa malamig na pahayag ni Lala. "It's all your damn what if's. Hindi pwede 'yan sa isang relasyon. Puro ka hinala, ikaw na din mismo ang nagpapahirap sa sarili mo eh. Tanungin mo si Chrime para matapos na'yang mga pagdududa mo. I am not a bias here, Chae. Kaibigan kita, no, I treat you like my bestfriend pero sa pagkakataong ito hindi kita kakampihan. Chae, I understand you kung pinanghihinaan ka na nang loob pero nakalimutan muna ba ang mga efforts sa'yo ni Chrime. Don't waste his effort in just a simple misunderstanding. Handa naman siyang magpaliwanag eh. Ayaw mo lang pakinggan." Mahabang paliwanag ni Lala na nagpatulalang muli sa akin.

Tama naman siya, Chaera. Stop being a coward.

"Baka magsisi ka." Napatitig ako sa kanya. "Para sakin kasi kung ako ang nasa sitwasyon mo. Mas lalo kong babantayan ang boyfriend ko, kung may umaaligid sa kanyang mga di kanais-nais."

Yumuko ako. Ano nga bang dapat gawin? Kainis ka naman kasi, Chaera! Ang arte mo! Hindi naman talaga kasi palaging masaya na lang sa isang relasyon. Diba nga, ang sabi nang mommy mo ay kailangan kapag pumasok ka sa ganitong sitwasyon. Tatagan mo rin ang loob mo at lalong pagtibayin ang tiwala sa taong kasama mo. Dahil may mga taong sisirain at paghihiwalayin pa rin kayo.

See, Chaera? Tapos ngayon suko ka na agad. Wala pa ngang ginagawa ni Chrystal eh.

Tumango-tango ako. "Sige, kakausapin ko na lang siya mamaya."

"Very good." Nangingiti na siya ngayon. "Stop avoiding him. Wag ka ring matakot kasi Chae, hindi lang 'to ang haharapin nyo." Tinap niya ang balikat ko.

Kahit papano ay gumaan ang loob ko. I should've let Chrime explain. Ang hirap pala ng ganito. Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng room at nadismaya ng wala si Chrime dito. Asan kaya 'yun? Hindi ba siya papasok?

Kinuha ko ang aking phone at nagtype ng text messages sa kanya.

To Krimen:

Good morning. Asan ka? Hindi ka ba papasok? Mag-uusap sana tayo.

Ilang beses ko pang dinelete at ni retype ang mensahe ko. Halos kitilan ako ng hininga ng nakasend na ito.

Gawd, Chaera! That's just a damn simple message. Nababaliw ka na!

Undying Heart (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon