Like
"Cha, baby mauna na'ko." Paalam ni mommy habang nagmamadaling sumakay sa sarili niyang sasakyan.
Muli kong itinapat ang hose sa aking scooter. Naisip kong linisin ito matapos kung gamitin kahapon. I wonder what's happening in our school? Monday kahapon at hindi ako pumasok. Nawala ako sa mood manood dahil siguradong maiinggit lang ako.
Malapit sa gate ay nakarinig ako ang sunud-sunod na nagdoorbell. Pawis na pawis na akong pumunta sa gate para pagbuksan ito. Tss! Medyo basa na rin ang aking suot na pambahay. Floral short-shorts at ang sleeveless. Nagpunas ako nang aking mukha para maharap ang taong mukhang naiinip na sa labas.
Sino ba 'to? Bukod sa mga katulong sa bahay ni Mamita ay ako lang ang narito.
Nanlamig ang mukha ko nang mabuksan ko ang gate at tumambad sa akin ang nakahalukipkip at supladong mukha ni Chrime. What is he doing here? Hinagod niya nang tingin ang aking katawan. Pumula ang pisngi ko nang makitang bumakat na sa aking manipis na damit ang suot kong brassiere. Mabilis kong sinarado ang gate.
WHAT THE?
Muli siyang nagdoorbell at halos takasan ako nang aking kaluluwa nang mapagtantong pinagsarhan ko siya. Nanginginig kong binuksang muli ang aming gate. Ano ba kasing ginagawa niya dito?
"Why did you suddenly close that fucking gate? You almost hit my face." May diin niyang sinabi habang inaayos ang suot na itim na ballcap.
Nanlaki ang mata ko at mabilis na inakay siya papasok. "Sorry! Sorry!" Taranta kong paumanhin.
"Tss."
"Sorry na Chrime. A-Ano ba kasing ginagawa mo dito?"
Hindi niya ako sinagot at naunang naglakad papunta sa aming bahay. Ang suplado!
Muli niya akong hinagod nang tingin bago ako nangunang pumasok sa loob. Nanlalaki ang mga mata nila Ate Bebang at Mang Esteban nang makita ang nasa tabi kong si Chrime. Ipinagtaka ko ang pagyuko nang mga ito.
"Young master. ." Magalang na bungad nila. What the? Kilala siya?
Bago paman ako makapag-isip nang kung ano ay hinawakan ni Chrime ang aking braso. "Change." Mariin niyang bulong. "Don't make me wait." Dagdag niya bago ako pinakawalan.
Wala sa huwisyo akong naglakad patungo sa aking kwarto. Muli kong nilingon si Chrime na prente nang nakaupo sa aming sofa. Sila Ate Bebang din ay hindi magkandaugaga sa kung anong gagawin sa aking hindi inaasahang bisita. Nilingon ako ni Chrime nang may matalim na titig. Patakbo akong nagmadali papasok sa aking kwarto.
Hawak ko ang aking dibdib na may mabilis na pintig nang aking puso. Damnit! Ano bang ginagawa niya dito? Hindi ba ay may laban sila nang basketball? Why is he here? Hindi man lang niya ba ako bibigyan nang pagkakataong mawala siya sa isip ko, kahit sandaling panahon lang?
Minadali ko ang aking pagligo at nagkandabuhol-buhol pa ang aking isip kung ano ang magandang isuot. Gracious! How can he affect me so much? At ba't ba ako mamomoroblema sa kakaisip ng isusuot? We are just inside our house! For God's sake Chicha! Calm down!
Sa huli ay isang ripped jeans ang isinuot ko at simpleng hanging-shirt. Hindi naman talaga ganito ang isinusuot ko sa bahay, hindi ko lang kasi maisip na haharap ako sa napaka-perpektong porma ni Chrime. With his ripped jeans too and v-neck gray-shirts. Kahit sino ay maiilang na makatabi o makausap man lang siya. Bakit ba napakaintimidating nang aura niya kahit simpleng pananamit lang naman ang suot niya?
Jeez! What the hell, Chaera?
Bumaba ako nang nanginginig ang aking tuhod. Holy! Pakiramdam ko lumulutang ako! Buti at wala akong sapin sa paa, malamang ay nadulas na ako sa makintab naming hagdan. Nadatnan ko si Chrime na may iniinom na bottled water. Bottled water? May ganun pala kami? O baka naman nagpabili pa siya sa mga katulong namin!
