Awkward
Pumapasok pa rin sa isip ko ang mga nalaman ko sa mansyon nila Chrime. Mariz are frequently going to their house. Kilala siya ng bawat myembro nang pamilya nila at pinapahalagahan.
Ayoko na lang isipin na sobrang makasarili ko dahil parang ng dahil sakin hindi magampanan ni Chrime ang responsibilidad niya kay Mariz. Pero pano nga ba? Ano ang dapat kong gawin? Matagal ko nang iniisip ito pero hindi ko talaga malaman ang dapat kong ikilos.
Mahirap kasi kapag pinilit ko si Chrime na muling alagaan si Mariz ay siguradong mababawasan ang oras niya sakin. Pero paano nga ba niya alagaan ang babaeng kapatid ng nagbigay ng puso niya?
Mas nanaig sakin ang matakot. Natatakot ako kasi maaaring gumawa nang paraan si Mariz para paglayuin kami ni Chrime. And I don't want that to happen. Not even in my dreams.
Pinilit ni Chrime ang sunduin ako sa araw ng eskwela. But I continue to decline his offer. Ayokong sumabay sa kanya dahil paniguradong pagkakaguluhan na naman siya sa school lalo na't muli siyang pumasok.
I don't want to be the center of attraction. Natatawa na nga lang ako sa mga text niya.
Krimen:
You're still thinking about Mariz, right? Kaya ayaw mo kong kasabay.
Umiling ako.
To Krimen:
I am not. Wala sakin kung pumupunta nga sainyo si Mariz bago mo ako nakilala. She's your responsibility. I don't want to meddle with it.
Krimen:
You are my girlfriend. I'm giving you the right to associates with us.
Bumuntong-hininga ako.
To Krimen:
I know and thank you. I fully trust you, Chrime. Ayaw ko lang talagang sumabay sa'yo kasi I'm sure pagkakaguluhan ka ng mga schoolmates natin.
Krimen:
Aryt. See you later.
'Yun ang huli niyang mensahe kaninang umaga. At hindi nga ako nagkamali dahil pagtapak ko pa lang sa highschool dept. ay purong Chrime na lang ang naririnig ko.
"GOSSH! DID YOU SEE CHRIME? ANG GWAPO NIYA!"
"YEAH RIGHT! NAGBALIK NA SIYA. HE'S EVEN HOTTIER!"
"DUH! ANONG HOTTIER? HOTTIEST KAYA! LALO TALAGA SIYANG GUMAWAPO!"
Napapailing na lang akong naglalakad patungo sa aming room. See? Pano na lang kung sumabay ako sa kanya? Edi, pag-uusapan na naman ako nila.
"ANG SWERTE NUNG GIRLFRIEND! KAHIT HINDI NAMAN KAGANDAHAN."
"OO NGA! NAKITA KO 'YUNG POST NIYA SA FB AT I.G. SINURPRISE PALA SIYA NI CHRIME! ANG SWERTE TALAGA!"
"SERYOSO NGA ATA SI CHRIME SA KANYA!"
"DUH! AS IN DUH! WHO KNOWS! SANAY NAMAN TAYONG MAY NAKIKITANG GIRLFRIEND SI CHRIME!"
Napayuko na lang ako sa aking mga narinig. Tss! Kahit pala hindi ako sumabay kay Chrime ay nakakabit na sa pangalan niya ang pangalan ko. Negative comments for me and a positive compliments for him.
Tss! Mga inggit lang kamu sila! Try kaya nilang magkasakit din sa puso baka mapansin din sila ni Chrime. Kastress!
Pero gusto ko na lang ang umatras nang matanaw ang maiingay na varsities na nagtatawanan sa harapan ng aming room.
