Sickness
This day is a schedule for my monthly check-up. Nangako si Chrime na sasamahan niya ako but something came up. His daddy needs him in their company. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ba sobrang bata niya pa for a business-thingy?
"Cha, are you ready?" Napalingon ako sa pababa sa aming hagdan na si mom. "Let's go, iha." Isinukbit niya ang kanyang puting bag at iginiya ako papalabas.
Ilang beses pa akong lumingon sa likuran baka sakaling matanaw ko si Chrime pero nadidismaya lang ako. And I want to hate myself at that. Masyado na akong sinasanay ni Chrime sa mga kinikilos niya kaya konting bagay lang na hindi niya matupad ay nadidisappoint ako.
Tss! Wag ka ngang ganyan, Chaera!
"What's with the long face, anak? Stop pouting, you look like a duck." Lalo akong ngumuso sa pang-aasar ni mom.
"Akala ko lang po kasi masasamahan ako ni Chrime. May biglaang lakad po sila nang daddy niya eh."
Mom shooked her head. "That's very normal. Wala pa 'yan kapag si Chrime na ang may hawak nang malalaking negosyo nila. It will be hard for you to have his time. Be patient, Chaera. Love is a give and take. Hindi pwedeng ikaw lang lagi ang tumatanggap." Seryosong sinabi ni mommy habang nakatuon ang atensyon sa daan.
My mom is right! Eh kasi naman, si Chrime eh.
Muli kong binasa ang palitan namin nang text.
Krimen:
I'll come with you tomorrow. Anong oras ba?
He asked me after I said that magpapacheck-up ako.
To Krimen:
10 a.m ang appointment ko. Hindi ka ba busy? Basketball?
Ang sabi kasi niya kahapon pagkatapos niya akong maihatid sa bahay ay may laro daw sila nang mga kaibigan niya. Simpleng nagkaayaan lang.
Krimen:
Tinatamad akong maglaro. Too stinky.
Napangiwi ako. Ang arte naman nang lalaking 'to.
To Krimen:
Ang arte. Mabango ka pa naman even when you are sweating.
Hindi ko mapigilan ang kiligin. Yiiee! Baliw ka na talaga, Chaera!
Krimen:
Tss. Who says I'm talking to myself? I'm referring for my opponents.
Lalo akong napangiwi sa sinabi niya. It sounds like a 'duh to me.
To Krimen:
Ang yabang talaga pero sure. Samahan mo 'ko ah. I am excited! Punta ka na lang sa bahay.
Krimen:
K. Just wait for me sweetie. Matulog ka na. Have a sweet dreams.
Di ko mapigilan ang di maexcite. Whoa! Ang swerte ko talaga kay Chrime.
To Krimen:
Yiee! Kinikilig naman ako. Thank u Chrime. I'll wait! Goodnyt! <3 <3
Kahit hindi na siya nagreply. Natulog pa rin akong may ngiti sa aking labi. Pero napawing lahat 'yun ng marecieve ko ang text message niya kanina.
Krimen:
Good morning, Chaera. I am sorry. I can't go with you on your check-up. Dad wants me to come with him at the company. I'm sorry.
